JD's POV
Siniguro kong tulog na si Manang Yoyi at Paz bago ako pumunta sa kuwarto ni Lucy. Nakadapa siya sa kama at nagchi - check sa laptop niya. Naka - pantulog na rin. Black panty and blue spaghetti top sando. Ang hilig talaga niya sa ganitong pantulog but I like it for her.
"What are you doing?" Tanong ko sa kanya at tinabihan ko siya sa kama. I started to massage her back. Bahagya pa siyang napaungol habang hinahagod ko ang likod niya.
"I am just checking some reports na sinend ni Mark. Gusto pa niyang dalhin dito sa bahay pero sabi ko i - email na lang niya sa akin," sagot niya.
I glanced at her laptop and I saw na mga schedule ng shipments 'yun sa company niya.
"Do you really trust that guy?" Tanong ko. Kahit na sino pagdududahan ko na dahil sigurado talaga akong hindi magagawa ni Lucy ang kahit na anong illegal na gawain.
"Yeah. I trust him. Sa laki ng utang na loob niya kay daddy sigurado naman akong hindi siya gagawa ng kalokohan," sagot niya sa akin at nagba - browse sa mga emails niya.
"Are you sure?"
Isinara ni Lucy ang laptop niya at tumihaya ng higa para mapaharap sa akin. Nakapagat labi ako kasi kulang na lang ay lumabas sa suot niyang damit ang boobs niya.
"Naiinis ka ba kay Mark?" Nangingiting tanong niya.
"No. I am just asking you if he is really trustworthy."
Hinawakan niya ang kamay ko at inipit iyon sa leeg niya.
"I trust Mark okay? Mapapagkatiwalaan siya." Punong - puno ng kasiguruhan si Lucy.
Napailing ako at humiga sa kama. Si Mark nga kaya ang gumagamit sa kumpanya ni Lucy? Pero wala na akong ibang puwedeng isipin kundi siya lang. He is second in command. May access siya sa lahat.
Naramdaman kong tumabi sa akin si Lucy.
"Naiinis ka kay Mark 'no?" Pangungulit pa niya.
"I told you I am not."
"Bakit labas sa ilong?" Natatawang sabi ni Lucy.
Instead na sumagot ako ay umibabaw ako kay Lucy.
"I am not, okay? Can we stop talking about him? Let's just talk about us." I planted soft kisses on her lips.
"What do you want to plan about us?"
"Ikaw? Do you want to settle down?" Seryosong tanong ko sa kanya.
Naramdaman kong itinulak ako palayo ni Lucy.
"Did you hear what you're saying? Settle down? James, wala pa tayong one week sa relationship natin. Ewan ko nga kung relationship na matatawag 'to? Basta bigla na lang naging tayo? Tapos you're asking me if I want to settle down? Nababaliw ka ba?" Talagang itsurang natataranta si Lucy sa narinig na tanong ko.
"Anong masama sa tanong ko? Pareho na tayong tumatanda. You're turning 30 and so am I. Alalahanin mo may expiration date ang reproductive system mo. Gamitin na natin 'yan."
Napatirik ng mata si Lucy.
"You are crazy. Hindi ganoon kadali iyon," sabi niya.
"No I am not. Seryoso ako. Kung nag - aalala ka na pera mo ang habol ko then make a pre - nuptial agreement. I don't want your money. Ikaw lang."
Napatitig sa akin si Lucy. Parang natataranta. Naguguluhan. Ganito ako kaseryoso sa kanya na handa ko siyang pakasalan ngayon. Sabihin na niyang weird ako, sabihan na niyang niloloko ko siya, but iyon ang gusto ko. Iyon ang nararamdaman ko. Bakit pa namin pagtatagalin? I tried to be in a long relationship but what happened? I just had a heartbreak. So hindi ko na gagawin iyon ngayon.

BINABASA MO ANG
THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)
Storie d'amoreTHE TAMING AFFAIR BOOK 1 JAMES DAVID FIAT CARBONEL I make a living by lying. As an undercover agent, I needed to live a different life every time I would have a mission. Everything was followed by my rules. First, focus on the job. Second, never dri...