Lucy's POV
Damn it! Bakit ba kailangang makita ako ng hubad ng lalaking iyon sa tuwing may mangyayaring hindi maganda sa akin? Buwisit kasing gagamba iyon. Kung bakit kasi kailangan niyang tumalon sa akin. I hate spiders. Nandidiri ako sa kanila. Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay gumagapang pa iyon sa katawan ko. Kinilig ako. Eww talaga.
Nakakainis! Sobra talaga. At ang lalaking iyon, parang gustong - gusto naman niya na nakita niya akong hubad! Buwisit siya.
Lumabas ako ng kuwarto. Wala pa si Ferdie. Nag - uumpisa na namang mag - init ang ulo ko. Isa pa 'tong sakit ko sa ulo. Ang dami - daming problemang ibinibigay sa akin. Lagi na lang nakikipag-away.
Naalala ko hindi nga pala namin napag - usapan ng Carbonel na iyon kung anong nangyari sa pagpunta niya sa school ni Ferdie.
Dumirecho ako sa kusina para kumuha ng baso tapos ay kumuha ako ng red wine sa wine rack. Eto na ang kaligayahan ko sa buhay kapag ganitong stressed na stressed na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Drinking helps me calm.
Pumunta ako sa lanai. Dito ko na lang hihintayin si Ferdie. Sigurado naman ako na tulog na ang mga maids ko. At ang magaling na Carbonel, siguradong tulog na rin. Maige nga iyon. Ayokong makita ang mukha niya.
I find him weird. Kasi mukha naman siyang matalino. Saka galing siya ng Amerika at doon pa siya nag-college. So bakit siya nagtitiyagang maging driver ko. Dati siyang security sa isang politician and I am sure malaki ang suweldo niya doon.
Then I remember, pansamantala lang naman pala ito at ginagawa niya ito para sa tatay niya. Kay Manong Ben.
I miss Manong Ben. Para ko na siyang tatay. Pero siyempre kailangan din niyang umuwi sa pamilya niya.
Nagsalin ako ng wine sa baso at inubos ko ang laman noon. Nagsasalin ulit ako ng wine ng makita kong bumukas ang pinto ng kuwarto ni Carbonel at lumabas siya. Mukhang kakatapos lang maligo at ready ng matulog kasi naka - boxers lang siya.
Maganda talaga ang katawan ng impaktong ito. Kahit nakakainis siya, talagang maipagmamalaki niya na guwapo at macho siya. Fit na fit ang katawan niya. Wala sa loob na napalunok ako at inubos ko ang wine sa baso. I remember him 'dun sa male escort agency. Ang stiff ng abs muscles niya. I saw him took his phone at parang may tinatawagan.
Nagsalin ulit ako ng wine sa baso pero ang tingin ko ay nasa lugar ni Carbonel. Kumunot ang noo ko kasi bigla siyang nawala. San napunta 'yun?
"Your wine is spilling."
Napasigaw ako dahil sa nagsalita pero mas lalo akong nagulat kasi punong - puno na pala ng wine baso ko at tumatapon na iyon.
Mabilis kong ininom ang wine sa baso kasi umaapaw iyon. Pero habang umiinom ako ay umaakyat din ang tingin ko sa taong nasa harap ko. Instead na babawasan ko lang ang laman ng baso ay dire - diretso ko iyong naubos. Kasi parang nakakauhaw ang imahe na nasa harap ko.
Nasa harap ko kasi si Carbonel at tanging boxer shorts lang ang suot niya. Ang ganda ng abs.
"Ano bang ginagawa mo dito? At bakit wala kang damit?" Inirapan ko siya.
Umupo siya sa harap ko at nagpipindot ng cellphone niya.
"I can't sleep." Sagot niya.
"Eh 'di doon ka sa quarters mo tumambay. Hindi dito. I told you, ayoko ng -"
"You are really that loud?" Diretsong tanong niya sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya. Loud? Ako?
"The hell? Who do you think you are? You have no right -"
"Miss Oligario, hindi mo naman ako kaaway. So, you don't need to be hostile to me. If you don't want to be friends, fine. I am just trying to start a conversation with you."
BINABASA MO ANG
THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)
RomanceTHE TAMING AFFAIR BOOK 1 JAMES DAVID FIAT CARBONEL I make a living by lying. As an undercover agent, I needed to live a different life every time I would have a mission. Everything was followed by my rules. First, focus on the job. Second, never dri...