14 • Spider Encounter • 14

32.8K 1K 111
                                    

Lucy's POV

"Don't tell me you are still mad at me kaya hindi mo ako tinatawagan?"

Iyon ang bungad sa akin ni Jas ng pumasok sa office ko.

Tumingin ako sa labas at nakita kong nakatingin ang ibang mga empleyado ko.

"Close the door. Baka marinig ng mga tao ang pinag - uusapan natin," sabi ko sa kanya.

"Lucy, I didn't know na drug dealer ang escort na iyon. No one knew," sabi niya sa akin. She looked so apologetic.

"Okay na. Gaga rin kasi ako at pumayag - payag ako sa ganoon."

"So what happened?"

"I was drugged, Jas. And I was not myself that time. I didn't know what happened anymore," hindi ko alam kung ikukuwento ko ba ang mga pinaggagawa ko noon. Gusto ko na ayaw kong ipakita ang video ng kagagahan ko sa kaibigan ko.

"We learned our lesson. From now on, tigilan na natin ang mga escorts na 'yan. Kahit mga guwapo sila at parang hulog ng langit, no na. Mag - concentrate na lang tayo sa paghahanap ng magiging boyfriend mo," sabi ni Jas.

"Tigilan na rin natin 'yan. Right now, I have lots of problems. I am receiving death threats."

Parang nawalan ng kulay ang mukha ni Jas.

"For real?" Seryosong tanong niya.

Napahinga ako ng malalim. "I don't know who is it. Ang daming problema. Si Ferdie, dito sa trabaho, sa bahay. Parang sasabog na ang ulo ko."

"Why don't you take a leave?"

Umiling ako. "I can't leave this company. Alam mong maraming nag-aabang na bumagsak ito. Na bumagsak ako."

"Eh, buhay mo na ang nakataya diyan? Ano ka ba?"

Pareho kaming napatingin sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si James. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jas at napanganga pa siya ng makilala niya ito. Nagpapalit - palit ang tingin niya sa akin at kay James.

"He is James. He is my new driver. Kapalit ni Manong Ben," sabi ko.

Jas is lost of words. Parang ang dami niyang gustong sabihin pero nagpapatong - patong ang mga iyon.

"You were the escort? At the bridal shower? Doctor Who?" Paniniguro ng kaibigan mo.

"Yes that was me," parang napipilitang sagot ni James.

Napa - oh lang si Jas at ang pagtataka sa mukha ay napalitan ng kapilyahan.

"He is your personal driver?" Baling niya sa akin.

Tumingin ako kay James and he is just looking at me.

"Unfortunately yes. I don't have a choice," sagot ko.

Alam kong maraming tanong si Jas kung bakit naging driver ko si James.

"Bakla, alam mo ang sabi ng mga matatanda. Basta daw driver, sweet lover daw ang mga 'yan." Sabi ni Jas at bumaling siya kay James. "James, sweet lover ka ba?"

Pinigil ni James ang mapangiti at bakit ganoon? Bakit parang ang guwapo niya? Para siyang school boy na nahihiya sa harap ni Jas? He likes Jas?

"Jas, anong sabi ng boyfriend mo? Sasama daw ba siya sa wedding ni Gigi? Sasabay na lang ako sa inyo bukas."

Tumingin sa akin si Jas na parang nagtataka. Kasi sanay na siya sa akin na kapag may lalaki siyang kaharap ay hindi ko binabanggit na may boyfriend siya. But not this time. James is my driver at ayokong maging boylet din niya ito. Mahirap na. It will complicate things.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon