40 • Surprise • 40

31.4K 919 89
                                    

Halu! Tatapusin ko na sana sa chapter na 'to ang story pero hihirit pa ako ng isa pa. Last na lang. Hihi! Pasensha sa matagal na update. Nagtrabaho muna para sa ekonomiya 😊. Maraming - maraming salamat sa nag - aabang kay Lucy and JD. Sana sundan nyo din ang story ni DALE AND ANYA. Promise kikiligin din kayo. 😊.

Enjoy!

Nagmamahal ❤️
—- Herby M.

FB: Herby Mendoza
Twitter and IG: Herby Mendoza

————————>>>

JD's POV

Nakatingin lahat sa akin ang mga kasama ko ng makabalik ako sa office. Pati ang mga low ranking agents sa agency ay nakatingin sa akin. Anong meron? Huwag na silang sumali sa init ng ulo ko at talagang buwisit ako sa buhay ko ngayon.

Talagang nakatatak sa isip ko ang lahat ng mga sinabi ni Lucy. At kahit pagbali - baligtarin ko man, kasalanan ko ang lahat. All she ever did was to love me and I lied in return. So, kahit anong paliwanag ang sabihin ko sa kanya, malabo na niyang pakinggan. Nasaktan siya, eh. So ano ang aasahan ko?

Pabagsak akong naupo sa harap ng mesa ko at napapikit ako. Shit. I don't know what to do. Sa kagaguhan ko, ako tuloy ang namumuroblema ngayon.

"Carbonel, sa office ni Sir Jess."

Boses iyon ni Ted na nasa tapat ko lang. Ibinababa nito ang hawak na telepono.

"Nandito pa rin siya ba siya?" Halos padaing ang pagkakasabi ko noon. Jesus Dimalanta's presence here is a pain in our ass. Lalo na sa akin dahil ninong pa pala ito ni Lucy.

"I think he'll be staying here for too long. Parang ang daming gustong ayusin na backlogs. Hindi na rin makausap ng matino si Mason sa dami ng kailangan niyang i-report kay Dimalanta. Suwerte nga ni Dale, nagkaroon ng mission sa Bataan. Nakaligtas sa mga trabaho dito," naiiling na sabi ni Ted at itinuon ang pansin sa ginagawa.

Napahinga ako ng malalim at kahit napipilitan ay tumayo ako at tinungo ang opisina ng pinakamataas sa amin.

Kumatok ako bago pumasok. Naabutan ko si Jesus Dimalanta na nakatingin sa monitor ng laptop niya. Napalunok ako. Shit! Bakit nga ba nakalimuta kong nandito sa opisina niya ang lahat ng monitor para sa cctv sa opisina? Sigurado akong nakita niya ang nangyari sa parking lot kung saan binigyan ako ng mag - asawang sampal ni Lucy.

"Sir," nilakasan ko ang loob ko ng makapasok.

"Sit down, Carbonel." Seryosong sabi niya.

Shit. What is this? Napakunot ang noo ko. Nasa table din niya ang reports tungkol sa sa mga lalaking nakaka - date ni Lucy. Paano ito napunta dito?

Pakiramdam ko ay gusto kong lumubog sa kinauupuan ko ng makita kong binuklat - buklat niya ang mga folder na nasa harap niya.

"Tell me, are these people being investigated are official business?" Tanong niya habang tinitingnan ang mga nandoong reports. "Who are these guys?"

"S - sir, ah - w - well - ah - " Fuck! Ano ba ang sasabihin ko?

"May mga litrato pa ni Lucy dito. I thought tapos na ang mission sa kanya?" Parang itsurang nagtataka talaga si Jesus Dimalanta.

Pakiramdam ko ay ang lapot - lapot ng pawis ko. Ang lakas ng aircon sa opisina niya pero parang naliligo na ako sa sarili kong pawis.

Nakita kong isinara ni Jesus Dimalanta ang mga folders at tumingin sa akin.

"Alam mo, si Lucia, she is like a daughter to me. I care for her and kahit kailan ayoko siyang nasasaktan," sabi nito.

Nalunok ko yata ang dila ko sa narinig kong sinabi niya.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon