Prologue

17.6K 208 37
                                    


Fixed Series #1 : Tied to her Half
Fixed Series#2: The Eccentric Marriage

May contain spoilers from Fixed Series #1.


***

Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are neither the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story.

Plagiarism is a crime.

Date Started: August 12, 2020

©️ellastic18

--------

I dedicate this chapter to Vashleng and just wanted to say thanks for this awesome book cover of mine, I really appreciate your effort and for those authors out there who wants some book covers, feel free to chat her, she would be glad to make some for you guys.

-----

Prologue

Kababa ko lang ng eroplano at kasalukuyan kong hinihintay ang bagahe ko. I was forced to come home, for what reason? I don't know. I was staying in London for how many years now, pagkatapos ngayon ay pauuwiin nila ako? Nasaan ang hustisya roon? I'm enjoying my life there, mas naging independent ako simula no'ng manatili ako ro'n. Tapos ngayon? Naiinis talaga ako! Kung hindi lang ako pinakiusapan nina Kuya at Ate ay hindi talaga ako uuwi.

Kaya nga ako nagpunta ng ibang bansa cause I thought they don't want me here, pero ano't pinauuwi nila ako ngayon? Something's up for sure at 'yon ang kailangan kong alamin.

Naputol lang ang pag-iisip ko nang may bumunggo sa akin. "Ouch!" daing ko. Sinamaan ko ng tingin 'yong lalaki na nasa harapan ko.

Ni hindi manlang niya ako nilingon, basta basta nalang niya kinuha ang sariling maleta saka naglakad palayo. Mabilis kong kinuha ang maletang dala at hinabol ang lalaki.

Masyado siyang mabilis maglakad, palibhasa'y matangkad kaya malalaki ang hakbang eh.

"Hey, excuse me?" tawag ko pa rito pero hindi siya lumingon. My gosh! Hindi lang pala siya siga, bingi rin? "Hey!" tawag ko pa ulit pero patuloy lang siya sa paglalakad.

Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa inis! Hindi manlang ba niya ako lilingunin? He should atleast say sorry diba? Where's his manners? Ayoko pa naman sa lahat ay iyong mga ganyan umasta. Binunggo niya ako pagkatapos ay basta na lamang siya aalis? Ano, patay malisya? Hindi ba siya tinuruan ng mga magulang niya kung paano humingi ng tawad? Nakakainis talaga!

I tried to call him once again pero ayaw niya talagang lumingon, so I have no choice but to do something, dahan dahan kong hinubad ang black pump ko at ibinato 'yon sa kanya. At dahil may katangkaran siya ay sa likod niya iyon tumama. Sayang, hindi pa natamaan sa ulo, baka sakaling maalog, matauhan at maalala niya ang ginawa niya.

Natigilan siya sa paglalakad dahil sa ginawa ko. Lumingon siya sa likuran at dinampot ang sapatos ko. Nang magtama ang paningin namin ay masama na ang kanyang tingin sa akin.

Nilapitan ko siya. "That's my shoes," sabi ko at inginuso 'yong hawak niyang sapatos.

Tumaas ang isa niyang kilay. "Ikaw ba ang nagbato nito sa 'kin?" tanong niya na may bahid ng inis.

Ngumiwi ako. "Yeah, my apologies, ikaw kasi eh, kanina pa kita tinatawag."

Okay, I didn't mean to do that naman talaga. Napilitan lang ako kasi ayaw niya talagang lumingon. Isa pa, kung hindi ko 'yon gagawin, tiyak na hindi niya ako lilingunin at papansinin.

The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)Where stories live. Discover now