Chapter 23

3.6K 64 9
                                    

Chapter 23

"Buti'y nakarating ka."

Iyon kaagad ang bungad ni Matt, nang makarating ako sa lugar ng tagpuan naming magtotropa. We planned and decided to went on a vacation. Parang bonding na rin since matagal-tagal na namin itong hindi nagagawa.

Nagpaalam naman ako kay Creed and he said yes. Tutal ay wala rin naman akong sched ng shoots, aba talagang pinush na namin 'to. Bibihira pa naman na magtugma-tugma ang aming mga scheds, lalo na ngayon at lahat kami ay abala sa kani-kaniyang trabaho o business.

Tatlong araw lang ang ipinaalam naming lahat. Kaya kakaunti lang din ang dala naming mga gamit. Naisipan naming pumunta sa Bataan. Nagrent kami ng isang buong bahay na pwede naming tuluyan doon. Sakto rin kasi maraming kwarto at kama, at bawat kwarto ay may sari-sariling banyo sa loob, miski closet. May terrace rin at atique.

Ang dadalhin naming sasakyan ay iyong van nina Leigna. Hindi kasi available iyong sasakyan namin at ng iba pa naming tropa kaya iyon nalang ang gagamitin namin.

Ang tutuluyan namin ay nahanap lang namin online. Sulit din naman kasi para lang kaming nasa subdivision, ilang lakad lang kasi ay nariyan na ang pool. At sa kadulo-duluhan naman ay naroon ang dagat.

"Late na ba ako?" tanong ko at bahagya pang inayos ang pagkakasukbit ng aking bag sa balikat. Dalawang bag lang ang dala ko. Isang backpack at isang sling bag.

"Hindi pa naman, hinihintay pa rin sina Bryan at Rusell." si Leigna na nakaupo roon sa may bench. Kumakain siya nang tinapay at sa tabi niya ay isang lagayan na batid kong naglalaman ng juice o tubig.

"Parating na raw sila, kachat ko kani-kanina lang," ani Mary at sinenyasan pa akong umupo, kaya naman tumabi ako sa kanila at nakihingi na rin ng kanilang kinakain.

Luminga-linga ako sa paligid. Maaga pa kaya malamig at kakaunti palang ang tao. Naisipan namin na madaling araw bumyahe para mabilis kaming makarating doon, less hassle at wala masyadong traffic.

Ang magdadrive ay si Drei/Dodols, salitan sila ni Matt kung sakaling mapagod ito at antukin sa aming byahe mamaya.

"Nasaan si Arbs?" tanong ko nang mapansing wala rin si Arbie.

Ang nandito palang ay sina Mary, Leigna, Matt at Drei. Wala pa sina Rusell at Bryan, pero malapit na raw.

"Nandyan lang, humanap ng mabibilhan ng pagkain, nagugutom na raw siya e." si Leigna ang sumagot no'n. Naubos na niya iyong kinakain na tinapay kaya naman nagbukas na naman siya ng panibago. Pagkabukas palang niya no'n ay inialok na niya sa aming lahat na nandito.

Lahat kami ay kumuha para kahit papaano'y may laman ang aming tyan.

"Huwag kayo masyadong kumain ng kumain, baka mamaya'y bigla kayong magsisukahan sa van e," pagpapaalala ni Drei.

Oo nga 'no? Dapat pala hindi kami masyadong nagkakakain, dahil baka mamaya kapag nahilo kami sa byahe ay bigla kaming magsisukahan. Nakakahiya naman 'yon.

Natigilan sina Mary at Leigna sa pagkain. Nagkatinginan pa sila bago itinago ang kani-kaniyang pagkain na hawak sa loob ng bag. Kinuha nila 'yong lagayan nila saka uminom doon. Nang matapos ay itinago na rin nila 'yon sa kanilang bag.

Nakamot ko ang sariling noo bago tuluyang uminom ng tubig. Ilang sandali pa ang hinintay namin bago tuluyang dumating ang ilan pa naming tropa.

Isang taxi ang huminto sa tapat namin. Hindi na kami nagtaka pa kung sino ang mga dumating dahil halata naman na sina Bryan at Rusell iyon. Inayos nila ang kanilang bag na dala saka lumapit sa gawi namin.

The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)Where stories live. Discover now