Chapter 25
"Ella, sumunod kana roon ha?" ani Leigna.
Narito na kasi kami sa may tabing dagat. Ang iba naming tropa ay nauna ng lumusong sa tubig, habang ako at si Leigna ay naiwan pa rito sa cottage. She was putting some sunblock pa kasi kanina and I was busy with a phone call. Iyong manager ko kasi ay biglang tumawag.
Hindi naman pu'pwedeng hindi ko sagutin dahil paniguradong importante 'yon. And yes! Kahit nasa bakasyon ako ay sasagot at tatanggap pa rin ako ng calls regarding work. But if it is not important, hindi ko naman pagtutuonan ng pansin at paglalaanan ng oras.
Bahagya kong ibinaba ang phone ko. Nilingon ko siya at nginitian. "Sige, susunod ako," sagot ko.
Hindi na siya sumagot pa at ngumiti nalang. Maya maya'y naroon na rin siya sa tubig kasama ang iba pa naming tropa. Mula sa aking pwesto ay natanaw ko sila, nakita ko kung paano silang magenjoy habang naroon sa tubig. Bakas na bakas ang saya sa kanilang mga mukha. Iyon 'yong saya na totoo at hindi peke, hindi pilit.
Itinaas ko na ulit ang phone. Iyong katapat na ng aking tenga, gaya kanina. "What is it again?" tanong ko sa aking manager na si Mina.
I heard her sighed. [Panay ang tawag sa akin ng ilang kumpanya simula pa kahapon, ayaw naman sana kitang tawagan pero kasi ang laki rin ng offer, big time] pagkekwento niya.
Big time offer huh? Talaga bang ganoon kabilis nagboom ang career ko? Parang last time, kasisimula ko palang pero ngayon, marami ng kumpanya ang kumukuha sa akin. Struck of luck I guess.
Nakatulong rin talaga 'yong recommendation ni Cae kaya ganito. Hindi ko rin naman makakamit ang mga ito ngayon kundi dahil sa kanya. I owe her a lot.
"Ano bang imomodel ko?" tanong ko.
Well, for sure hindi lang damit, baka miski alahas, sapatos o kung ano pang pwede.
[Iyong unang kumpanya na tumawag, alahas, sa pangalawa, damit, sa pangatlo naman, mga sapatos]
Oh iyon naman pala e. Kayang kaya ko naman siguro na imodel ang lahat ng 'yan. Well...kailangan kayanin, para sa future. Kasi marami pa talaga akong plano. Gusto kong makapagpatayo ng bahay, bumili ng kotse at makatulong sa mga nangangailangan.
"I'll take those offer," walang pagaalinlangan kong tugon.
[Great choice, sige ako na ang bahalang makipagusap sa kanila para sa sched]
"Sure thing, sabihan mo nalang ako."
[Sige, enjoy your vacation!]
That's her last words before hanging up. Nakangiti kong pinagmasdan ang phone ko. Mas maraming projects, mas maganda. This is a good start for me. Talagang paghuhusayan ko para sa future, mas marami pa ang kumuha sa akin bilang model nila.
Hindi ko nga naisip, ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na magmomodel talaga ako. I mean I see myself in a company, isang empleyado or secretary, isang tutor o crew sa isang resto o fast food chain. Pero ito? Wala 'to sa plano ko talaga, pero ganoon yata talaga sa buhay. Kadalasan, kung ano iyong gusto mo, kabaliktaran pa ang ibibigay sa 'yo.
Hindi na rin naman masama kasi habang tumatagal, nasasanay na rin ako. Natutuwa ako at mas minamahal ko na ang ginagawa ko. Iyon naman kasi talaga ang mahalaga. Iyong dedication at passion mo sa ginagawa mo. Iyong pagmamahal mo sa trabaho mo.
Natigil ako sa pagiisip nang bigla akong tawagin ni Matt. Talagang umahon pa siya sa tubig para lang lapitan ako at tawagin. Ang effort! Pero baka rin naman napagutusan hindi ba? Maaari namang ganoon.
YOU ARE READING
The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)
RomanceFixed Series #2 Creed De La Vega, a guy who inevitably fell in love with his brother's wife. But what would come after when he finds out that he was accidentally married to Dauntiella Lee, a rich man's daughter? Is there still a glimmer of hope for...