Chapter 36

3.4K 58 0
                                    

Chapter 36

He chuckled and shaked his head. "We'll go ahead na," Rusell said then turned his gaze to Ate Amber who is now busy typing on her laptop. "Ate, we'll go ahead."

Nag-angat ng tingin si Ate saka ngumiti. "Okay, see you soon! Ellie, I'll miss you."

Lumapit si Ellie kay Ate at yumakap. "I'll miss you too Tita."

Nang sumapit ang hapon ay umalis na kami ni Creed ng kumpanya. Dumaan muna kami ng bakeshop para dalhan ng cake 'yong mga anak nina Kuya Tusher at Lauri. Mahilig kasi sila sa cake.

And if you guys are wondering kung bakit magkasama pa rin kami ni Creed, well...he followed me there, natupad ang plano ni Mommy Grace. The surprise party for Creed was a success. Iyon talaga ang dahilan kaya ako pinaalis ni Mommy kaagad papuntang London kasi may hinanda sila para kay Creed.

May paiyak-iyak pa kami no'n pero that's actually part of the plan, and hindi ko naman inakala na doble 'yong sakit na mararamdaman ni Creed doon, anyways worth it din naman lahat kasi nagpropose siya sa akin. We got married again, but it was huge and grand that time, ayaw kasing pumayag ng parents namin na simple lang. Hinayaan nalang namin, as long as ikakasal kami, walang problema.

Magkahawak kamay kaming bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay nina Kuya Tusher, hindi pa namin inasahan na ang mga bata ang sasalubong sa amin.

"Yey cake! Thank you tito, tita," Reid said while smiling.

His twin, Reib did the same, maya maya'y inabot na namin sa maid 'yong cake para maiserve na.

We were in the middle of eating when Kuya Tusher and Lauri came. Nagkatinginan pa kami ni Creed nang marinig na nagtatalo ang dalawa sa pangalan ng magiging baby number three nila. It was a baby girl this time kaya tuwang tuwa si Kuya at ginigiit na siya ang magpapangalan.

"Hey, stop arguing about that." Natigilan ang mag-asawa nang marinig ang boses ni Creed.

Mukhang nagulat pa sila na nandito kami.

"Oh, nandito pala kayo? Bakit wala manlang nagsabi sa amin?" tanong ni Lauri.

Her tummy is a bit larger now, palibhasa'y kabuwanan na niya kaya gano'n. Inalalayan siyang maupo ni Kuya.

"Kasi abala kayo masyado sa pagtatalo," singit ni Manang Teresa, iyong bagong kasambahay nila.

Actually mas marami silang kasambahay ngayon. I don't know why? Is it because manganganak na si Lauri at kailangan na ng dagdag na magaalaga sa mga bata?

Ngumuso si Lauri at sinamaan ng tingin si Kuya. "Ito kasi e! Nakakainis."

"E kasi naman, ang usapan kapag babae, ako ang magpapangalan, tapos biglang ikaw na naman?"

Nagkatinginan na naman kami ni Creed at sabay na napabuntong hininga. Matapos magmeryenda kina Kuya ay umuwi na kami sa condo. Bigla akong nalungkot nang maalala si Ellie, namimiss ko na siya agad.

I was about to enter the master's bedroom when I saw her toy on the floor. Nakangiti ko 'yong dinampot at inilagay sa guest room kung saan siya madalas matulog.

Days passed by again, natapos na namin 'yong project na inassign sa amin ni Creed. It was a success kaya tuwang tuwa ang mga board members. They actually congratulated us kasi nagawa namin ng ilang araw lang. Our parents were proud and happy. Nagpaparty pa nga sila e.

After the project in the company, balik modeling na naman ako. It was tough this time kasi sunod-sunod, halos walang araw na nabakante ako. As for Creed, masyado rin siyang abala sa pagpapalago ng kumpanya. We don't mind being a way from each other again kasi para naman 'yon sa future.

The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)Where stories live. Discover now