Chapter 7
Nagising ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa aking balat. Nagkusot-kusot pa ako ng mata bago tuluyang bumangon. Pero gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita si Creed na nandoon sa tabi ng bintana. So siya ang nagbukas ng kurtina?
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, ang gulat ay nandoon. Paano siya nakapasok dito? May susi siya?
Ngumiti siya at lumapit sa akin. "I cooked breakfast for you."
Nangunot ang noo ko. "E, bakit?"
I mean, bakit naman siya magluluto ng breakfast para sa akin? Anong mayroon?
Ngumuso siya at naupo sa harapan ko. "Ayaw mo ba?"
Natigilan ako. "Hindi naman sa ayaw ko, pero bakit ka nga nagluto?" tanong ko. Umalis na ako sa kama at pumasok na ng banyo para magtoothbrush.
"Pambawi ko sa 'yo," nakangiti niya 'yong isinagot. Nagawa niya pang sumunod sa akin hanggang sa banyo. At dahil hindi naman nakasara iyong pinto ay doon siya sumandal. Mula roon ay nakikita niya ang ginagawa ko.
Nagkatinginan kami sa salamin. Inalis ko sandali ang toothbrush sa aking bibig. "Bakit ka babawi?"
Bakit nga ba? Anong rason niya?
"Nainis kita kagabi e, peace offering," aniya, nanatili pa rin sa kanyang pwesto.
Tuloy ay hindi ko maiwasang mailang. Pinapanood niya akong magsepilyo! Naramdaman ko na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hays this is not good anymore!
Natapos akong magsepilyo at maghilamos. Iginiya na niya ako sa dining nang makalabas kami ng kwarto ko.
Gulat man pero hindi ko ipinahalata. Napakaganda ng preparation ng pagkain. Nakaayos ito at kumpleto.
Nang balingan ko si Creed ay nakangiti na ito ng napakalapad. Tuloy ay lumitaw ang napakalalim niyang dimple.
"You liked it?" tanong niya.
Tumango ako at naupo na. "Saan mo natutunan ang mga 'to? Ang galing naman," komento ko. Kumuha na ako ng isang pirasong pancake at inilagay sa aking pinggan. Nilagyan ko pa 'yon ng maple syrup.
Natawa siya bago naupo sa harapan ko. "I have to be independent e, kaya ayan, natuto ako."
Tumango tango ako at sumubo no'ng pancake. Napakasarap no'n! Lalo na at may chocolate chips! May maple syrup pa! Gosh, mouth watering! Mukhang hahanap-hanapin ko 'to!
"Hmm, ang sarap," sabi ko habang ninanamnam sa bibig ko 'yong pancake na niluto niya.
Ngumiti siya at basta nalang pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang kanyang hinlalaki. "Kalat mong kumain," naiiling niyang sinabi bago simulang kainin ang pancake niya.
Natigilan ako at paulit ulit na ipinikit at iminulat ang mga mata, totoo ba talaga siya? Nageexist ba talaga siya? Hindi siya parte lang ng panaginip ko?
"Saang bansa ka nga galing?" tanong ko. Bigla kasi akong may naalala. Parang nakita ko na siya sa London noon, hindi ko lang matandaan kung kailan at saan banda.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Uminom muna siya ng kape bago sumagot. "London."
"London?" pag-uulit ko pa.
Tumango siya. "Yes why? Ikaw ba, saang bansa ka galing?"
I cleared my throat. "Sa London."
Gulat siyang tumitig sa akin. "Really?"
"Oo, kaya pala sabi ko parang pamilyar ka, 'yon pala'y nakita na kita sa London."
YOU ARE READING
The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)
RomanceFixed Series #2 Creed De La Vega, a guy who inevitably fell in love with his brother's wife. But what would come after when he finds out that he was accidentally married to Dauntiella Lee, a rich man's daughter? Is there still a glimmer of hope for...