Chapter 2
Sabado ngayon so I decided to went out and have some fresh air. Wala rin kasi akong magawa sa condo kaya naisipan ko nalang na magpahangin, and then habang magisa akong kumakain kanina, naalala ko bigla iyong mga kaibigan ko. And yeah, I gave them a call.
"Wow Ella salamat!" tuwang tuwa sila nang ibigay ko isa isa ang mga pasalubong nila, nahiya pa 'yong mga boys, hindi pa sana nila tatanggapin pero pinilit ko.
Hays, hindi pa sila nasanay sa akin. Alam naman nilang noon palang mahilig na akong magbigay ng kung ano anong regalo.
I'm with my friends right now, iyong mga kaibigan ko no'ng high school. Nagulat pa sila nang bigla akong magyaya, buti nalang daw at libre sila ngayon kaya napuntahan nila ako. They didn't expect na uuwi ako. Well, hindi rin kasi ako nagpasabi.
"How are you guys?" tanong ko sa kanila, ako na ang nagtanong para hindi na nila ako masyadong tanungin mamaya, para-paraan lang.
The last time we seen in each other was years ago. Grabe, ang bilis ng panahon! Parang kailan lang.
"Okay lang, wala namang bago," sagot ni Mary na ngayon ay kumakain na ng chocolates.
Buti nga at bago makauwi ay nakapamili pa ako ng mga pasalubong, bigla ko rin kasi silang naalala. Panay ang kantyaw nila no'n sa 'kin.
Bumaling naman ako kay Leigna. "Ayos lang, busy sa business," sagot nito.
"Ako naman ay tumutulong sa bahay," sagot naman ni Arbie na ngayon ay ikinakabit na ang keychain sa zipper ng kanyang bag.
Bumaling naman ako sa mga boys na ngayon ay kumakain na rin ng chocolates, tinaasan ko sila ng kilay.
"ML is life," si Bryan na ang sumagot sa kanilang apat.
Yeah right, ML naman lagi e. Nagaaral palang kami, mahilig na silang maglaro no'n. Ewan ko ba, kapag siguro talaga lalaki, mahilig sa mga games.
"E, ikaw Ella? Kumusta ka?" tanong bigla ni Rusell. Gosh, I can't lie to this man. He knows me very well!
"I'm fine," sagot ko sabay ngiti.
Siguro'y kapag kaming dalawa nalang, saka ako magkekwento.
"Uy! Ang ganda naman ng singsing mo," nakangiting ani Leigna.
Dumako naman kaagad ang tingin ko sa singsing na suot. Binili ko ito sa London dahil nagandahan talaga ako. Ito kasi talaga ang luho ko, mahilig ako sa mga alahas simula pa noon.
"Yeah, maganda nga simple lang pero ang elegante ng dating," sabi ko habang nakatingin sa aking kamay.
Pumunta kami sa bahay nina Arbie pagkatapos para doon tumambay saglit. Nakakamiss din pala, dati rati ay dito lang kami tumatambay tuwing uwian, saka kapag may groupings.
"Magtatrabaho ka ba rito?" tanong ni Mary.
Nilingon ko siya dahil doon. Natigilan ako at sandaling napaisip. Kung magtatrabaho man ako ay ayoko sa kumpanya namin. Gusto ko sa iba, dahil tiyak na kapag pumasok ako roon, sa itaas kaagad ako ilalagay ni Daddy, walang kahirap hirap. Syempre, unfair naman iyon sa iba.
Alanganin akong ngumiti. "Hindi ko pa alam," sagot ko.
Lalong lumapad ang ngiti sa labi niya matapos ko 'yong sabihin. "O my! May karamay ako! Hindi ko pa rin kasi alam kung magtatrabaho na ako ulit!"
Natawa ako sa isinagot ni Mary. Hindi ko inaasahan na ganoon pa ang irereact niya.
Nang sumapit ang tanghali ay umuwi ako sa condo. Naabutan ko pa si Creed na kabababa lang ng elevator, balita ko'y pupunta siya ng grocery kaya naisip kong sumabay nalang since wala pa akong stock ng foods sa condo ni kuya, tinatamad na rin kasi akong magdrive hehe.
YOU ARE READING
The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)
RomanceFixed Series #2 Creed De La Vega, a guy who inevitably fell in love with his brother's wife. But what would come after when he finds out that he was accidentally married to Dauntiella Lee, a rich man's daughter? Is there still a glimmer of hope for...