Chapter 29

3.4K 60 4
                                    

Chapter 29

"Hindi ka dapat umiiyak habang kumakain ng ice cream," ani Rusell, pinunasan niya ang luha ko sa mukha.

Nakanguso ko siyang nilingon. "Bakit naman?"

Masama bang kumain ng ice cream habang umiiyak? Bawal ba iyon?

Natawa siya saka ginulo ang buhok ko. "Kasi comfort food mo 'yan, kaya kapag kumakain ka niyan, dapat kahit papaano ay sumasaya ka, hindi 'yong lalo ka pang nalulungkot dyan."

Matunog akong bumuntong-hininga. "Sino ba naman kasing hindi masasaktan at malulungkot doon?" tanong ko. "Kung 'yong sa paghalik lang ni Jaida, baka matanggap ko pa, pero the fact na hindi niya itinulak agad? Masakit na."

He sighed. "Mag-usap kayo, paniguradong may rason siya."

"Hindi ko na alam, nitong mga nakaraang araw, hindi na kami masyadong nakakapagusap at nagkikita."

"Oh kaya nga mag-usap kayo."

"Rusell sino 'yong babaeng nagugustuhan mo?" tanong ko.

Dahan dahan niya akong nilingon. "Bakit?"

"Curious ako kung sinong nagugustuhan niyo ni Bryan."

"Bakit?

"E, syempre, para ko na kayong mga kuya, ayaw ko lang na—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang biglang yumakap sa akin si Rusell. Mahigpit 'yon at may kakaiba akong naramdaman pero hindi ko maipaliwanag kung bakit.

Totoo iyong sinabi ko, noon pa lang, mga kuya na ang turing ko sa kanila. At little sister din ang turing nila sa akin, kaya siguro 'yong mga gestures namin sa isa't isa ay hindi masyadong big deal o binibigyan ng kahulugan.

"Huwag mo nalang alamin," sabi niya nang humiwalay sa akin.

Lumabi ako. "Bakit naman Kuya?"

"Kasi wala na."

"Bakit wala na?"

"Kasi nilet go ko na."

"Bakit mo nilet go?"

"Kasi masaya na siya at may mahal ng iba."

"Hindi mo pinaglaban?"

"Hindi, wala naman akong laban una palang e."

"Awts sakit, pero sino muna 'yong babae?"

"Hindi ko sasabihin."

Ilang sandali pa kaming nagtagal ni Rusell doon sa park. Nang sumapit ang kinahapunan ay saka palang ako bumalik sa condo. Pagpasok ko, naabutan ko si Creed doon sa sofa, nakaupo, mukhang hinihintay niya ako. Awtomatiko siyang napatayo nang makita ako.

Lumapit siya sa akin. "Where did you go?" tanong niya, ang pagaalala ay bakas na bakas sa kanyang boses.

Bumuntong hininga ako saka nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko'y hindi ko siya kayang tignan ngayon. Naaalala ko pa rin 'yong eksena nila ni Jaida kanina sa ibaba. Hindi ko pa rin 'yon nakakalimutan. Sariwa pa rin sa isipan ko, na kahit anong pikit at limot ang gawin ko ay naaalala ko pa rin.

"Dyan lang," sagot ko at dumiretso na sa aming silid.

Naramdaman ko siyang sumunod. "May nakapagsabi sa akin na nakita raw kayo ni Rusell na magkasama, ilang beses," aniya pero hindi ko pinansin. "Totoo ba 'yon? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Alam mo naman na nagseselos ako kapag may nakakasama kang lalaki pero heto ka—"

The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)Where stories live. Discover now