Chapter 30
Hindi ako tinigilan ni Bryan hanggang sa matapos kaming kumain. Sa sobrang inis ko ay halos naubos ko na ang wine na binili namin. Tuloy ay medyo hilo ako habang naglalakad palabas. Buti nalang at nakaalalay siya sa akin dahil kung hindi ay baka natumba na ako kanina pa.
"Careful," aniya nang alalayan akong makasakay sa isang cab.
"Kaya ko nang bumalik, you can go back to your hotel," I said while massaging my forehead.
Hindi siya sumagot, basta nalang siyang sumakay sa cab at tumabi sa akin!
"Hey!" asik ko nang makita itong nakangisi habang nakatingin sa akin.
"Ihahatid na kita," sabi niya bago kinausap ang driver na ihatid kami sa hotel na tinutuluyan ko.
"How did you know kung saang hotel ako tumutuloy ngayon?" tanong ko, isinandal ko ang ulo ko sa may sandalan saka ipinikit ang parehong mata.
Iniistalk ba ako nito? Paano niya naman nalaman na doon ako tumutuloy? Baka naman may nagsabi sa kanya?
"You're all over the news kaya ko nalaman, besides doon din ako nakacheck in ngayon," pag-amin niya.
Doon din siya nakacheck in ngayon? What the hell is that? Bakit pakiramdam ko, nananadya siya? Damn this man!
Dumilat ako at kunot-noo siyang tinignan. "What? Are you kidding me?"
Umiling siya saka tumawa. "No, I kid you not."
"Are you stalking me Bry?" diretsa kong tanong.
Umiling siya. "No, why would I do that?" tanong niya sabay ngisi.
Sa inis ay hinampas ko siya. "Tigil-tigilan mo ako sa pagngisi mo! Nakakaasar!"
Ang ngisi sa kanyang mukha ay unti-unting nawala. Hinuli niya ang kamay kong humahampas sa kanya at hinawakan 'yon. "Ang lambot pala ng kamay mo?"
Mariin akong pumikit saka buong pwersa na binawi sa kanya ang kamay ko. Narinig ko pa siyang natawa pero hindi ko nalang pinansin. Nakarating kami sa hotel na hindi ko siya kinikibo.
Mukhang nabothered siya roon kaya panay ang kulit niya sa akin hanggang sa elevator. Tuloy ay pinagtitinginan kami ng ibang mga tao.
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" tanong niya nang makababa kami ng elevator.
Nilingon ko siya. "Bumalik kana sa hotel room mo," sabi ko saka siya tinalikuran.
Wala akong panahon makipaglaro sa kanya. Masakit ang ulo ko at gusto ko nang matulog ngayon din. Kung alam ko lang na puro kalokohan ang sasabihin niya e 'di sana hindi nalang ako sumama.
Kinabukasan ay tanghali na ako nagising, nang kinahapunan ay umalis akong mag-isa. Namili ako ng pasalubong para sa aking mga kapatid, kaibigan at syempre sa asawa ko.
Hays, kailan kaya niya ako kakausapin? Baka naman kaya hindi niya ako kinakausap kasi akala niya ipipilit ko pa rin 'yong sa divorce?
"Hey!" bulong ng isang lalaki sa tenga ko. Batid kong nandoon siya sa may likuran ko ngayon dahil ramdam ko 'yong katawan niya doon.
Mariin akong pumikit saka siya tuluyang hinarap. "What is it this time? Kung iinisin mo na naman ako, lumayo layo ka," sabi ko at tinalikuran na siya.
Inabala ko ang sarili sa pagtingin ng pwedeng mabili rito sa mall. Bukas ay babalik na ako sa Pilipinas kaya dapat makabili na ako ngayon palang. I bought something for Mina, Megan and sa lahat ng tumulong sa akin. Pa-thank you ko na sa kanila sa mga nagawa nila para sa akin.
YOU ARE READING
The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)
RomantizmFixed Series #2 Creed De La Vega, a guy who inevitably fell in love with his brother's wife. But what would come after when he finds out that he was accidentally married to Dauntiella Lee, a rich man's daughter? Is there still a glimmer of hope for...