Chapter 14
"Pakilagay nalang diyan ang mga damit ko," nakangising sabi ko, nang-aasar.
Dito na kasi ako pinatitira ni Creed sa condo niya para raw kapag naisipang pumunta dito ni Jaida ay hindi kami mabuking. Pero for the mean time lang naman ito, kapag wala na si Jaida ay babalik na ulit ako sa condo ni Kuya.
Inis niya akong tinignan. "Bakit ba kasi ako ang nagdadala ng mga gamit mo?"
Hindi ko siya sinagot at lihim na natawa dahil sa iritado niyang mukha.
"Talaga bang sa iisang kwarto tayo?" tanong ko habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng kanyang silid.
Malaki naman ang kwarto na 'to at natulog na rin kami ng magkasama pero sana manlang ay may privacy pa rin diba?
"Oo," maagap niyang sagot.
Ngumiwi ako. "E, dalawa naman ang kwarto rito, bakit hindi nalang ako doon matulo—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang tumalim ang tingin niya.
Tsk para 'yon lang ganyan na agad siya magreact? Kakaiba talaga ang topak niya.
"You're so maingay!" inis niyang bulalas. Kaya hindi nalang ako nagsalita ulit.
Inayos ko na ang mga gamit ko, napakalaki ng kwarto niya, ngayon ko lang nalibot ang kabuuan nito, miski ang closet niya ay malaki rin! Sabagay, ano pa bang aasahan ko? Mayaman siya kaya hindi na kataka taka na ganito nalang kaganda ang tinutuluyan niya.
Napakarami niyang mga damit. May space pa kaya para sa akin?
"Creed," tawag ko sa kanya.
"Oh?" tanong nito mula sa labas.
"Paano ang mga damit ko?" tanong ko habang nakatingin sa mga damit ko na naroon sa maleta at bags.
"Hati tayo sa closet," sagot niya. Narito na pala siya sa tabi ko, hindi ko manlang napansin.
"Itabi mo ang sa 'yo, para 'yong natitirang space ay sa akin," suhestyon ko.
Tumango siya at agad na itinabi ang mga damit niyang nakahanger.
"Thank you," nakangiti kong sinabi at sinimulan ng ipaglalalagay ang damit ko sa closet niya.
Lumabas siya matapos 'yon. Nang matapos sa closet ay nagtungo naman ako sa bathroom. Namangha ako sa laki no'n. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga gamit na naroon.
Lahat 'yon ay by pair. Kung may panglalaki, may pangbabae rin. Ang roba ay dalawa, kulay itim ang mga 'yon.
Ang mga essentials ay ganoon din. Parehas kaming mayroon. Ang iba pang mga gamit namin ay nakaayos sa isang lagayan dito sa loob. Sama sama ang briefs at boxers niya. Ganoon din ang bra and undies ko. Hindi naman halatang prepared siya sa paglipat ko 'no?
Sa sobrang curious ay binuksan ko ang lagayan na 'yon. Namura ko pa ang sarili dahil awtomatikong dumapo ang kamay ko sa mga briefs niya. Mariin akong pumikit saka 'yon mabilis na isinara.
Nang matapos ay nagdesisyon akong lumabas, ngunit wala naman siya roon, nasaan ang isang 'yon? Hindi manlang nagsabi na aalis siya.
Nanood nalang ako ng telebisyon dahil wala rin naman akong magawa dito. Maya maya'y biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Creed na may dalang mga paper bags, saan siya galing?
Nilingon ko siya. "Saan ka galing?" tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at basta nalang inilapag ang dala dala niya sa harapan ko. Kinuha ko ang mga 'yon at binuksan, pagkain ang laman no'n!
YOU ARE READING
The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)
RomanceFixed Series #2 Creed De La Vega, a guy who inevitably fell in love with his brother's wife. But what would come after when he finds out that he was accidentally married to Dauntiella Lee, a rich man's daughter? Is there still a glimmer of hope for...