Chapter 27
Time passed by so fast, sa ilang mga araw at linggo na nagdaan, napakaraming nangyari, hindi lang sa aming dalawa ni Creed, maging kina Kuya Tusher at Lauri ay may nangyari rin. They lost their first baby. It was hard of course, sino ba namang hindi mahihirapan at masasaktan sa gano'n 'di ba?
Creed sighed as he sat beside me. He hugged me tight. "Kung sa akin nangyari 'yon, hindi ko rin kakayanin," bulong niya.
Tinapik-tapik ko 'yong braso niyang nakapulupot sa akin. "Just think positive okay? Kuya Tusher needs you right now, so be there for him and Lauri okay?" sabi ko at bahagyang sinilip ang mukha niya.
Kahit wala pa akong anak, ramdam ko 'yong pain ni Lauri. And according to Creed, palagi raw itong umiiyak, halos hindi na lumalabas ng kwarto at kumakain, she keeps on blaming herself. As for Kuya Tusher, it pains him, lalo na kapag nakikita niya sa gano'ng sitwasyon ang asawa niya, masakit para sa kanya na wala siyang magawa kahit isa para maibsan ang nararamdaman nitong pangungulila.
Because of what happened, pinagleave nina Daddy Alfred at Mommy Grace si Kuya Tusher, that made Creed in-charged. Simula no'n, palagi na siyang busy, bihira na siya makauwi rito sa condo, madalas kasi ay doon siya umuuwi kina Kuya, naiintindihan ko naman kasi kailangan siya nito. I didn't complain kasi kung ako ang nasa gano'ng posisyon, gano'n din ang gagawin ko. I will be there for my ate and kuya.
"I'm sorry for being busy," Creed said as soon as he got home. He's tired, halata sa kanyang mukha at pangangatawan 'yon.
I gave him a smile. "It's okay, I understand...but please take care of yourself," I reminded him.
Baka kasi sa sobrang busy ay napababayaan na niya ang kanyang sarili. Syempre health matters the most.
He nodded and walked closer to me. "I will, take care of yourself too."
I continued modeling, nailabas na nila ang mga pictures ko sa isang magazine. Unang labas palang ay marami na agad ang bumili, sobrang natuwa si Cae, she keeps on telling me na tama raw siya, na may potential ako at sisikat ako. Sayang lang, kasi sa mga achievements ni Creed, nandoon ako...pero pagdating sa akin, wala siya. Iniintindi ko naman, pinipili kong intindihin, kahit na minsan, siya ang hinihiling kong makasama ko sa mga 'yon kaysa sa ibang tao.
"Congrats to Dauntiella, for the success!" Liam said happily as he raised his glass of wine.
"To Dauntiella!" the other people said as they raised their glasses too.
I smiled a bit. How I wish...Creed is with me right now. I wanted to celebrate these kind of things with him. All of my achievements isn't worth it without him.
He's really working his ass off. Kita ko 'yong pagod sa t'wing bibisitahin ko siya. Minsan nga ay wala na siyang tulog kagagawa ng kung ano anong reports and proposal. Sinasanay na rin siya ng kanyang mga magulang, dahil pagdating ng panahon, siya na ang papalit sa kanyang Kuya.
Ngayong araw, rest day ko. I have no shoots so magpapahinga lang ako at matutulog buong araw. Being a model isn't easy, no'ng sinubukan ko, hindi ko maiwasang bumilib kay Cae. I mean, paano niyang nakaya ang lahat ng 'yon? How did she managed to keep her body fit? How did she endured everything...including workout and diet?
The workout is fine, kasi kailangan talaga 'yon, but there are times na sobrang hirap at sobrang sakit na. I have to stretched my legs, arms and back. I even have to exercised my butt. Yes, miski 'yon. Nakakailang oras ako per session sa isang araw. My trainer won't let me rest or even gave me a long break. But I understand, para rin naman sa akin 'yon kaya hindi na dapat ako magcomplain.
YOU ARE READING
The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)
RomanceFixed Series #2 Creed De La Vega, a guy who inevitably fell in love with his brother's wife. But what would come after when he finds out that he was accidentally married to Dauntiella Lee, a rich man's daughter? Is there still a glimmer of hope for...