Chapter 35

3.2K 54 0
                                    

Chapter 35

Yes may alam na ako roon kahit papaano, isa 'yon sa mga natutunan ko for the past years.

I froze at my seat when I heard a familiar voice. "Good morning everyone, I'm sorry nalate ako."

Dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa kadarating lang na lalaki, pero gano'n nalang ang gulat ko nang makita itong nakatitig sa akin.

Nang hindi makayanan ang titig niya ay ako na rin ang kusang umiwas. Lihim pa akong napangiti sa aking inuupuan. The meeting started. Inabala ko ang sarili ko sa pakikinig pero masyado kong nararamdaman ang titig niya kaya hindi ako makapagfocus! Damn this man! Namiss yata ako!

"What do you think about the design Mr. De La Vega?" bigla ay tanong ni Mr. Montenegro. Isa sa mga business associates na narito ngayon.

Mukhang napansin niya ang pagtitig sa akin ni Creed kanina pa kaya gumawa siya ng paraan para mabaling 'yon sa kanya. Sa isip isip ko'y ilang beses ko ng tinawanan ang asawa ko. Masyado niya naman kasing pinahahalata na namiss niya ako. Ilang araw lang siyang nawala gawa ng business trip pero hindi na niya mapigilan ang pagtitig sa akin. Nakakahiya tuloy!

"It's okay, sa tingin ko'y dapat nating ilabas 'yan sa market at tignan kung magiging mabenta ba," sagot niya at ibinalik ang paningin sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi para pigilang mapangiti. Grabe ang gwapo ng asawa ko!

"How about you Mrs. De La Vega? What can you say?" tanong ni Mr. Montenegro.

Hindi ko ipinahalata ang gulat dahil baka mapahiya lang ako.

I cleared my throat bago itinuon sa screen ang paningin. "It's good, maganda ang packaging, sa tingin ko'y maraming magkakainteres dito kasi hindi gaanong mahal ang presyo."

Tumango-tango sila sa sinabi ko. "Okay, ilalabas natin ito sa market pagkatapos, titignan natin kung magiging mabenta ba sa mga tao," anunsiyo ni Kuya.

"By the way, Creed and Dauntiella will work on the upcoming project," ani Ate Amber.

Nilingon ko siya at palihim na kinurot sa braso. Why would she do that? I mean, hindi kami makakapagtrabaho ng maayos ni Creed! Baka landian lang ang magawa namin! Ang isang 'yon pa naman kakaiba.

"Excuse me? What project?" masungit kong tanong kay Ate nang makarating kami sa opisina niya.

She ignored me at umupo na sa kanyang swivel chair. Nagpaikot ikot pa siya roon.

"Ate naman!" nakanguso kong sinabi.

Natawa siya. "What? Nahihiya ka ba sa asawa mo?"

"Syempre! Saka baka wala kaming magawa kapag magkasama kami."

"Marami siyang alam sa project na 'yon, mas matututo ka sa kanya," she said. "And pagdating sa business, kailangan mong isantabi ang personal mong nararamdaman," aniya at nagsimula ng magtype sa kanyang laptop.

I sighed heavily.

Nanatili ako sa opisina ni Ate. I stayed there for a couple of minutes dahil sinabi niya pa sa akin ang mga kailangan kong gawin sa ilang araw.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto at iluwa nito si Creed. Para akong tanga na biglang dumiretso ng upo. Napangisi si Creed dahil doon. Tch! Nagsisimula na naman yata siyang mang-inis!

"Creed, take a seat," nakangiting ani Ate at isinenyas ang pwesto sa tabi ko.

Kaagad namang sumunod si Creed at naupo sa tabi ko. I can smell his perfume kahit na medyo malayo kami sa isa't isa, hindi nagbago ang amoy niya. Ang katawan niya ay parang lumaki at gumanda. Ilang araw ko lang naman siyang hindi nakita pero bakit gano'n?

The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)Where stories live. Discover now