Epilogue

3.8K 59 3
                                    

Epilogue: The Eccentric Marriage

I am holding a magazine right now, binili ko siya kanina dahil parang pamilyar sa akin 'yong babaeng model. I'm not so sure kung siya ba talaga 'yong kababata ko but I needed to confirm it, that's why I decided to call my friend, Keen. He's the older brother of that girl.

Kung hindi ako nagkakamali ay Ella ang palayaw ko sa kanya, she is the girl that I used to play with when I was young, bukod kay Lauri at Alex ay isa rin siya sa mga naging kababata ko. Iyon nga lang nawalan ako ng balita sa kanya, because she went abroad.

Nagkakilala kami sa playground no'n. Nabanggit sa akin nina Keen at Amber na dito na sila mamalagi sa Pilipinas dahil nagkaroon ng issue ang Daddy nila sa mga kamag anak nito sa Korea. Yes, they're korean, half actually kasi Pinay ang Mommy nila. As days, weeks, months and years passed by, mas lalo akong napalapit sa magkakapatid na 'yon, lalo na roon sa kapatid nilang bunso. She's such a baby, maliit na bagay lang ay iniiyakan na niya, kaya madalas ko 'yong asarin eh.

Ako ang nagsilbing Kuya sa batang 'yon, may mga oras kasi na inaasar siya ng ibang bata, kaya pinagtatanggol ko. I'm always there for her kapag wala ang mga kapatid niya. Balita ko pa nga'y palagi siyang hindi napapansin sa kanila kaya madalas, isinasama nalang siya nina Keen at Amber sa playground para kahit papaano'y malibang.

Nabalik ako sa realidad nang marinig ang tinig ni Keen sa kabilang linya.

[Oh Creed, napatawag ka?] aniya sa kabilang linya.

Muli kong sinulyapan ang hawak kong magazine. "Ah yes, may itatanong lang sana ako sa 'yo."

[Sure what is it?] tanong niya.

"Nasaan na nga 'yong bunso niyong kapatid ni Amber?" walang pagaalinlangan kong tanong.

[Ah...si Ella?]

Ella! Tama ako, her name is Ella!

"Yes siya nga," sagot ko kaagad.

[Nandyan siya sa London ngayon, ikaw rin 'di ba?]

London? Narito sa London si Ella? So that means...itong babae sa magazine ay siya? Woah, I didn't expect that she would be this beautiful, she nailed it. She wasn't that little girl anymore. Ang itsura niya ay malayong malayo sa noon, halos hindi ko siya nakilala.

"Oo," sagot ko at pinakatitigan ulit ang magazine.

[Nagbabalak ka na bang umuwi? Si Ella kasi, baka next month umuwi]

"Really?"

[Oo]

Matapos ang usapan naming 'yon ni Keen ay inalam ko ang address ng kababata ko. I really wanted to see her so badly, pero hindi ko manlang siya naabutan sa t'wing susubukan kong puntahan siya sa kanyang pinagtatrabahuan. I decided to stop, naisip kong baka sa Pilipinas nalang kami magkita.

Nagbabalak kasi akong umuwi next month, gusto kong isurprise ang magulang ko at syempre si Kuya, lalong lalo na si Lauri. It's been so many years. And I still have feelings for her. But why does it have to be my brother? Bakit ang kapatid ko pa ang kailangan niyang mahalin at magustuhan? Why can't it be me?

The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)Where stories live. Discover now