Chapter 16

4.4K 82 7
                                    

Chapter 16

"Ella oh...coffee," nakangiting ani Bryan.

Nagkita lang kami kanina nina Rusell sa gym, hindi ko naman inasahan na doon pa kami ulit magkikita, I didn't expect na mag-gigym sila, 'cause knowing them? Mas gugustuhin pa nilang kumain at maglaro ng ML, they don't have much time for that.

I decided to went out since Creed is on a vacation, wala akong kasama sa condo. Nasa Boracay siya kasama nina Kuya Tusher, he told me to go with him but I refused. Mas gusto ko kasi talagang manatili lang sa condo. All I want to do is rest. Iyon lang.

Besides, mas okay na rin 'yong malayo kami sa isa't isa ng ilang araw, in that case, magagawa namin ang nga gusto namin, we're able to go out and bond with our friends just like the old times.

Mas makakapagisip din ako. I can sort out everything, including my feelings. In the past few days kasi, napatunayan ko talaga na mahal ko siya. Na nafall na talaga ako. But, I still wanted to live the life that I got used to live with, I wanted to focus on my goals in life. I wanted to work and save enough money for the future, kapag nagawa ko na 'yon, that's the time that I'll settle down.

Pero kahit gaano ko pa siya kamahal, I'll choose myself this time, love can wait at kung kami talaga. Magtatagpo at magtatagpo kami ulit kahit pa ilang beses kaming magkalayo.

It may or may not change. Ang desisyon about sa divorce ay hawak niya rin. Pag-uusapan nalang siguro namin 'yon pag-uwi niya.

Kinuha ko ang cup ng coffee na inooffer ni Bry. "Thank you..." I smiled at him before taking a sip on the coffee.

Naupo sila sa tabi ko. Pinaggigitnaan na naman nila akong dalawa. Hay, ganyan naman sila palagi. 

"Kumusta ka?" tanong ni Rusell.

I placed the cup on the table and looked at Rusell. "I'm okay, ikaw ba? Bry? How are you guys?"

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na nag-thumbs up. Hays, dinadaan daan nalang ako sa ganyan! Hindi na ako sinasagot ng matino.

"Oh brownies," nakangiting ani Rusell, inilapit niya sa akin ang box ng brownies na binili niya kanina. Wow! Ang sarap naman!

Akala ko naman, kaya niya binili kasi iuuwi niya o ibibigay niya sa special someone niya, pero mukhang sa akin niya 'yon balak ibigay. Ang hirap talaga niyang basahin!

"Thank you!" sabi ko saka tinanggap 'yong box ng brownies.

"Oh sa 'yo na rin 'tong sandwich," ani Bryan at iniabot sa akin ang sandwich na binili niya.

Bakit ba ganyan sila? Balak ba nila akong patabain?

Parang dati lang, ako 'yong madalas manlibre ng pagkain sa kanilang dalawa. Mas gusto ko silang pinapakain, pero ngayon, mukhang bumaliktad. Sila na iyong nanlilibre at nagpapakain sa akin.

Ngumiwi ako. "Akala ko ba ibibigay mo 'yan kay Tita, Bry?" He told me earlier na ibibigay nalang daw niya sa Mommy niya 'yong sandwich, but now, he's giving it to me.

Umiling siya pagkatapos ay ngumiti. "No, sa 'yo na 'yan."

My brows furrowed. "Pinapataba niyo ba 'ko?"

Nagkibit-balikat silang dalawa. Ano ba 'yan! Miski si Bryan ay hindi ko na rin makausap ng maayos, parang nahahawa na siya kay Rusell.

"Paano ka pala napadpad sa gym na 'yon? I thought you're living in a condo unit?" tanong ni Rusell at sandaling sumimsim sa kanyang kape.

The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)Where stories live. Discover now