Chapter 22

3.8K 82 5
                                    

Chapter 22

"Yuhuuu? Earth to Ella," ani Cae kaya napunta sa kanya ulit ang atensyon ko.

Iniisip ko pa rin kasi 'yong sinabi ni Creed no'ng isang araw e. Nagconfess siya sa akin, sinabi niyang mahal niya ako, hindi ako nakasagot no'n kasi baka mamaya may karugtong pala 'yong charot, mahirap na. Pero hindi naman nasundan ng gano'n, ewan ko ba, pagkatapos no'n naging sweet at clingy na siya lalo.

Hindi naman sa ayoko ng gano'n, hindi lang kasi ako sanay, mas gusto ko na ako 'yong clingy at sweet sa aming dalawa.

Nakipagkita ako kay Cae para sabihing hindi na ako makakasama sa kanya sa US, nang dahil sa pinagsasasabi ni Creed ay nagbago ang isip ko, parang gusto ko nalang bigla na manatili sa tabi niya, ayoko ng umalis at lumayo sa kanya.

Bigla na namang sumagi sa isip ko 'yong si Pia. Nabanggit sa akin no'ng secretary ni Creed na napapadalas daw ang pagpunta nito roon sa opisina, kahit wala raw kailangan ay panay ang bisita. Tss, galawan palang halata ng may gusto sa asawa ko e.

May mga naririnig nga akong bali-balita tungkol sa kanilang dalawa, maraming beses na pero hindi ko pinapansin, kahit na selos na selos na ako, bukod kasi sa wala namang katotohanan ang mga 'yon ay ayaw ko rin na pagawayan pa namin ito ni Creed.

"Ha? Ano 'yon?" tanong ko sabay inom sa mango shake na inorder ko.

Cae just rolled her eyes. "Ang lalim ng iniisip mo ah," puna niya.

Ganoon ba kahalata? Siguro nga ay ganoon iyon kalalim.

I sighed. "Iniisip ko lang 'yong Pia," sagot ko saka ngumuso.

I can't lie to Cae. Para ko na rin siyang kapatid kaya ganyan. And sa sitwasyon ko ngayon, kailangan ko talaga ng mapagsasabihan. Dahil kung hindi ko mailalabas lahat ng nasa isip ko, baka mabaliw na ako magisa.

"Sinong Pia? Iyong nababalita na kasama ng asawa mo?" diretsa niyang tanong.

Tumango ako. "Iyon nga mismo."

"Nagseselos ka sa kanya?" tanong niya.

Tumango ako ulit. "Sino ba namang hindi magseselos sa kanya 'di ba? Maganda siya, tapos lahat na nasa kanya."

Totoo naman kasi! She have the looks, magaling siya sa halos lahat ng bagay! Wala akong nabalitaan o nakita manlang na kapintas-pintas sa kanya. Para siyang pinanganak na perfect. As in parang walang mali o kapintasan sa katawan.

"Ay nako..." Nasapo ni Cae ang sariling noo. "Hayaan mo siya, maganda ka rin naman," sabi niya sabay haplos sa pisngi ko gamit ang likod ng kanyang palad.

Maganda ba talaga? Bakit kasi ganoon? Magmula nang umeksena 'yang Pia na 'yan ay nagsimula na akong makaramdam ng inggit o ng kung ano pa. Ganito ba ang idinudulot ng selos?

"Paano kung magustuhan siya bigla ni Creed?" Sumimangot ako saka nilaro iyong straw ng shake ko.

Natawa siya. "Kasasabi mo lang kanina na umamin na siya sa 'yo, kaya anong inuungot-ungot mo ryan?"

"Malay mo niloloko lang ako ni Creed."

Ewan ko! Hindi ko na talaga alam. Kahit pa alam ko na hindi siya ganoon.

"Si Creed, lolokohin ka? Mukhang hindi naman."

"Paano mo naman nasabi? Gaano mo ba siya kakilala?"

Mas kilala pa ba niya si Creed kaysa sa akin? Sa akin na asawa na mismo?

"Well, sa kanilang magkakaibigan, siya ang pinakamabait..." Ngumiti siya.

The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)Where stories live. Discover now