Chapter 4
Agad kong nilingon ang humila sa braso ko. "Unnie, what are you doing here?" tanong ko.
Hindi ko na ipinahalata pa ang gulat na nararamdaman ko. Kung bakit naman kasi bigla bigla nalang may hihili sa braso ko ng ganitong oras e.
Kaagad naman niyang binitawan ang braso ko at inakbayan ako. "Dito muna ako matutulog ha?" aniya habang nakangiti.
Nangunot ang noo ko roon pero kaagad din naman akong tumango nang makita siyang nakangiti at hinihintay ang magiging sagot ko. "Okay."
Pinagbuksan ko siya ng pinto at pinaunang pumasok. Sandali ko pang sinulyapan ang pinto ng condo ni Creed bago tuluyang pumasok sa loob ng sariling unit. Siguro'y bukas ko nalang ibibigay 'yong mga gamit niya, kapag nandyan na siya.
Pagpasok ko, inilapag ko na muna sa lamesa 'yong gamit ni Creed, naabutan ko pa si Ate na nandoon sa kusina, inilalabas isa isa 'yong dala niyang pagkain.
"What happened?" tanong ko at pwumesto sa harapan niya.
Tinapos niya ang ginagawa saka nag-angat ng tingin sa akin. "I just want to spend the night with you," sagot niya sabay ngiti.
Tss, duda ako ro'n, kilala ko ang mga kapatid ko, hindi naman 'yan pupunta dito kung wala lang.
I rolled my eyes. I don't believe her. So not buying it. "Tell me unnie, something's up e, I can feel it."
Lumabi siya. "Wala nga."
"Okay, spend the night here then," sabi ko at nginitian siya.
I don't want to force her, panigurado namang malalaman ko rin 'yon, hindi makakatiis si Ate at sasabihin niya rin sa akin ang nangyayari.
Naupo kami sa sofa, kasalukuyan kaming nanonood ng netflix series habang kumakain.
Nang matapos sa kinakain ay pumunta si ate sa kusina para kumuha ng maiinom. Sakto namang may kumatok sa pintuan ko.
Sandali kong sinulyapan si ate bago tuluyang tumayo. I opened the door. And to my surprised, it's Kuya!
"Oppa," tawag ko rito, gulat pero ngumiti rin naman agad.
Ngumiti lang siya at inangat 'yong wine na dala niya. What's with my siblings? Bakit nila naisipang pumunta rito ng ganitong oras?
"Sino 'yang kumatok-oppa!" nakangiting ani Ate Amber.
Ngumiwi si Kuya. "Hindi niyo manlang ba 'ko papapasukin?"
Nagkatinginan kami ni ate at natawa. "Sige pumasok kana," sabi ko.
We spent the night together. Nasa tabi ko ngayon si ate dahil dito niya balak matulog, habang si Kuya naman ay doon sa kabilang kwarto namalagi. I miss this, I miss being with them. Kung hindi lang talaga dahil sa kanila ay hindi ako uuwi ng bansa.
"Sis," biglang ani Ate. Kaagad ko siyang nilingon. Gising pa pala siya, akala ko'y tulog na.
She just smiled at me. Hinaplos niya ang pisngi ko. "I miss you," bulong niya.
I flashed a smile. "I miss you too, kayo ni oppa."
"Thanks for coming home," sabi niya ulit.
Nakangiti akong tumango. Hinawakan ko 'yong kamay niyang nasa pisngi ko. "Oo naman, anything for you and oppa."
She sighed. "Sorry about Mom and Dad."
YOU ARE READING
The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)
RomanceFixed Series #2 Creed De La Vega, a guy who inevitably fell in love with his brother's wife. But what would come after when he finds out that he was accidentally married to Dauntiella Lee, a rich man's daughter? Is there still a glimmer of hope for...