Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga
Isang araw, naisip na naman kita
Isang araw mong ginulo ang isipan ko
Isang araw, binalik-balikan ang masasakit na alaala mo
dahil
Isang araw, biglang iniwan mo akoIniwan mo ako... at mula noon
Ilang araw akong wala sa sarili
Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka lumisan
at kung bakit ako'y hindi mo pinili
Ilang araw na nagbabakasakali
na ako'y iyong babalikan
Ilang araw na patuloy na umaasa
sa mga pangako mong napako sa kawalanIsang tanong na gumugulo sa aking isipan
Isang tanong na hindi masagot nino man
Isang tanong na hindi ko makalimutan
Isang tanong na wala naman talagang kasagutan
Isang tanong, "Mahal, bakit mo ako iniwan?"Hindi lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan
Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan
Hindi pinapansin kapag nasisilayan
Ang trato'y parang estranghero lang sa daanBakit parang ako lang ang nasasaktan?
Bakit parang ako lang ang nahihirapan?
Bakit parang ako lang nagmamahal?
Bakit ako lang? Bakit?Nang iwan mo ako, nawala ang tayo
Nang iwan mo ako, ang natira na lang ay ako
Mali pala, kasi pati ako ay nawala noong nawala ka
Nawala ang dating ako na kayang mabuhay noong mga panahong wala ka paPagod na pagod na ako sa lahat ng sakit
Pucha, hindi mawala-wala kahit anong pilit
Ilang bote ng alak ang natumba at
Ilang stick ng yosi na ang naupos
Pero ang pagmamahal ko para sa'yo
Mahal
Hindi pa rin nauubosAuthors Note:
This Poem is not mine okay? Copy paste lang yan pero kapag walang Authors Note Akin yun okay? 😊✔
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems (On-going)
PoetryThis is A Poem About Love and Heart Breaking Moments Tungkol sa mga Masasakit na karanasan natin sa Pag-ibig at mga magagandang Karanasan ? Supporn it Guys!