Nagbago ka na
Hindi ko alam kung bakit
Bigla ka na lang nagbago kahit na ako ay palagi pa ring nakakapit
Hindi ko alam kung bakit
Bigla ka na lang bumitiw sa kamay ko nakasabit
Nakasabit sa iyong kamay
Na kailanman ay hindi bumitaw
Nagbago ka
Hindi sa physical
Kung hindi sa emosyonal
Ilang beses ko bang sasabihin?
Na ikaw ay para lamang sa akin?
Ilang beses ko bang kailangan ipaalam
Na ako ay lagi lamang nandyan
Ilang beses pa ba tayo lalaban?
Kung alam kong sa huli ako lang naman ang mag-isa
Magisa sa laban na dapat para sa ating dalawa
Ngunit hindi pa nga nagsisimula
Bumitaw ka na sa laban
Nagbago ka na nga
Ngunit bakit nandito pa rin ako sa iyong tabi?
Kung alam kong malapit na tayong sumuko sa huli
Nagbago ka na
Ngunit ang puso ko?
Ikaw pa rin ang sinisigaw ang tinitibok
Kahit na iba na ang nararamdaman mo
Nagbago ka na
Ngunit mahal pa rin kita
Iniwan mo na akong mag-isa
Pero hinabol pa rin kita
Sinuko mo na ang lahat
Ngunit nandito pa rin ako at kinukuha ang lahat
Mahal kita at hindi magbabago yun
Ngunit bakit ganun?
Ang dating pagmamahal ko
Ay unti unti na naglalaho
Naglalaho na sapagkat unti unti ka ng nawawala
Nawawala sa mga alaala na dapat ikaw pa rin ang kasama
Ngunit isa ka na lamang alaala na habang buhay kong dala
Kahit na
Nagbago ka na
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems (On-going)
PoesiaThis is A Poem About Love and Heart Breaking Moments Tungkol sa mga Masasakit na karanasan natin sa Pag-ibig at mga magagandang Karanasan ? Supporn it Guys!
