Poem

1.5K 19 0
                                    


Pag-ibig ko sayo ay walang hanggan
Pag-ibig ko sayo ay walang katapusan
Pero mahal ko, agad mo itong tinapos
Oo mahal kita, pero ibigsabihin ba nun kailangan mo na akong iwasan porket mahal kita?

Mahal Ko ako ay pakinggan mo
Mahal kita Iyun ang totoo
Pero bakit ka lumalayo?

Tanggap ko naman na hindi ako ang laman ng puso mo eh, pero sana wag mo akong layuan dahil lamang mahal kita..

Mahal kahit na sa simpleng paglayo mo ay nasasaktan ako..
Sa simpleng Paglayo mo ay nadudurog na ang puso ko..

Sabihin mo sa akin mahal?
Saan ako nagkamali?
Masyado bang mabilis?
O sadyang ayaw mo lang sa akin..

Hanggang sa napagtanto ko na
Tama na!
Wag kang tanga!
Hindi ka nya mahal!
Obvious naman dba? Kaya ka nya nilalayuan dahil nga hindi ka nya mahal!
Kaya tigilan mo na..
Tama na..

Sa bawat pagpatak ng oras
Araw araw kong sinasabi sa sarili ko na Tama na
Kaso hindi ko pa rin magawa eh..
Kahit anong gawin ko
Kahit anong pilit ko
Ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso ko,
Kahit na ilang beses kang inaalis sa Utak ko
Ang ngiti mo pa rin ang Lumalabas at hindi nabubura sa isip ko..

Pinikit ko ang aking mata at nagbilang ng lima

Lima,
Mahal ko sana ay kaya mo akong mahalin pabalik, sana katulad ko mahal mo din ako..
Limang Araw kitang Nakasama,
Limang araw kitang Nakikita
Pero hindi pa pala sapat

Apat,
Apat na Araw kitang hindi nakita mahal
Hinahanap kita sa mga kaibigan mo pero sabi nila ay hindi nila alam
Apat na bese kang tinawagan pero hindi ka sumasagot
Apat na beses kang tinext pero hindi ka nagrereply, mahal nagaalala na ako.. Nasaan ka ba?

Tatlo,
Pagkalipas ng Tatlong araw nalaman kong may Kasintahan ka na
Parang gumuho ang mundo ko sa balitang aking nasagap,
Hindi ko alam kung paano mabuhay,
Hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang aking buhay kong ikaw mismo ang aking buhay..

Dalawa,
Dalawang Araw kitang nakikitang masaya sa piling niya,
Parati akong nasasaktan sa inyong dalawa,

Isa,
Sinabi ko sayong gusto kita kahit na
Imposible na
Sinabi ko sayong mahal kita kahit na
Wala ng pag-asa,
Pero ikaw ay natawa at sinabi mong
"Wag kang magbiro ng ganyan"
Pero imbis na pakinggan ang iba mo pang sasabihin ay ako'y umalis na.

Pinipilit kong pigilan ang pagpatak ng aking mga luha,
Pero ako mismo ay tinataksil ng aking mga mata
Tuloy tuloy sa pagbagsak ng aking mga luha..
Walang tigil ito sa pagiyak
Hanggang sa di ko namalayan ang paparating na sasakyan,
Napagtanto ko na ako'y nasa kalsada na...
Sabi ko sa aking sarili..

"Ito na siguro ang Huli, Mahal kita Pero hindi ko kayang mabuhay kung wala ka.. "

Humarap ako at hinihintay ang aking kamatayan..
Pinikit ko ang aking mata

Pero..

Akala ko ay ako'y masasaktan,
Sa pagmulat ng aking mata nakita ko sya sa aking harapan..
Sinusuot ang Singsing sa aking Daliri
Habang sinasabi ang kanyang Vow,
Naiiyak ako sa Sandaling iyon
Hindi ko alam kung matatawa ako o kung ano
Panaginip lang pala iyun..

At ng matapos ang Seremonya
Kami'y lumabas sa Kapilyang

Masaya, at walang bahid ng lungkot sa buhay..





Meaning:

Hindi ibigsabihin na kahit na may mahal syang iba ay hindi mo ipagpapatuloy ang buhay mo..
May darating pa jan na kayang higitan ang pagmamahal na ibinigay mo sa kanya.. At handa kang mahalin kahit hindi ka perpekto..
Kayang kang mahalin ng walang bahid ng pag-aalinlangan..

Tagalog Poems (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon