Ito ako muli

308 7 0
                                    

Vote please












Ito ako Muli

Matagal na nagtago sa anino nang nakaraan
Matagal na nagtago sa Aninong dapat ko nang kinakalimutan
Pero bakit ang hirap?
Lagi ko itong binabalik balikan
Na para bang walang katapusan
Bakit napakadali sa iyo
Na ako ay iwan sa daan
Iwan sa daan na dati ay sabay nating tinatahak
Daan na dapat ngayon ay ating pinaglalaban
Pero bakit kung kailan malapit na tayo sa dulo
Ikaw ay umalis
At iniwan akong may daplis

Daplis ng nakaraan
Daplis na aking natamo sa labanan
Pero ikaw? Nasaan ka?
Nasaan ka?
Kung kailan kailangan kita
Ikaw naman mismo ang nagtago sa responsibilidad na dapat ngayon na iyong inaako

Ako mahina?
Hindi ako mahina mahal
Kaya kong makipagsabayan sa mga taong hindi ko nasasabayan
Pero bakit nung dumating ka sa buhay ko
Bigla akong nawalan ng lakas
Na para bang ikaw ang aking lakas
Ang lakas na dapat nasa aking tabi
Ngunit bigla bigla na lang nawala sa aking tabi.

Pagkawala mo ay aking dinamdam
Na para bang napakalaking peklat ng nakaraan

Mahal kita
Pero sana makita mo ang aking halaga
Nandito lang naman ako
Nasa tabi mo
Pero ikaw mismo ang lumayo
Lahat kaya kong gawin
Lahat kaya kong harangin
Pero napapagod din
Ikaw ang lakas
Ikaw lang
Pero sana nandito ka
Kung kailan malapit na akong tumumba
Mga sinasabi nila
Na para bang bala
Lagi akong natatamaan
Sapagkat ikaw ay aking pinoprotektahan

Pero sa huli bakit nandito pa rin ako sa iyong katabi?
Bakit nandito pa rin ako?
Na para bang hindi mo ako tinulungan kahit hinihintay ko na sabihin mo na mahal mo ako
Bakit nandito pa rin ako?
Binabalik balikan ang nakaraan mo
Nakaraan mo na para bang isang klase nang inumin
Isang klase na pagkain
Na kahit anong kain ko
Hindi ko pa rin pinagsasawaan

Ganito ba talaga ang laki ng halaga mo?
Kahit lahat ng bala naisangga ko
Sayo pa rin ako babalik upang kumuha ng lakas at sanggain sila muli?
Na kahit anong pagbubura ko
Na kahit anong gawin ko?
Ikaw pa rin

Pinilit kong maging malakas
Pinilit kong humanap ng tahanan
Na maituturing akong napakahalaga
Pero kahit anong hanap ko?
Sayo pa rin ang balik ko!
Bakit ikaw pa rin?
Bakit ikaw pa rin ang minamahal ko?!
Bakit ikaw pa rin ang hinahanap hanap ng puso ko?

Alam ko na
Kahit pala anong sakit
Kahit pala binigyan mo ako ng mga balang dumaplis
Andito pa rin ako

Ito ako muli
Naghihintay na naman na sagutin muli
Nandito ako muli
Dahil ikaw ay minamahal pa rin

Tagalog Poems (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon