Naririnig mo ba?

415 5 0
                                    

Nandito ako ngayon sa iyong tabi

At papatunayan na kahit ano mang pagkakamali

Nandito pa rin ako upang sabihin na

"Mahal kita.. "

Mga oras na tayo ay masaya

Mga oras na tayo lang dalawa

Mga oras na kahit na sobrang saya na natin

Bigla siyang dadating upang tayo ay sirain..

Bakit napaka bingi mo?

Lagi kong sinasabi sa iyo na mahal kita

Pero ang laging bukambibig mo ay siya

Dapat na ba kitang palayain?

Dapat na ba kitang iwanan?

O kailangan pa kitang ipaglaban?

Lumipas ang mga araw na nanlamig ka sa akin

Mga araw na lagi kong tinitiis

Mga araw na gusto kitang yakapin

Ngunit natatakot ako

Natatakot ako na baka ikaw ay hindi na muling bumalik sa akin..


Huling araw mahal

Huling araw para patunayan mo sa akin na talagang ako ay iyong minamahal..

Sabihin mo sa akin ang mga katagang aking hinihintay

Sabihin mo sa akin ang walong letra at tatlong salita upang ako ay hindi tuluyang umalis at iwan ka ng tuluyan..

Pero..

Ang walong letra at tatlong salita pala na gusto kong banggitin mo ay

Ibinato mo sa kaniya

Sinabi mo sa kaniya..

Mga salitang gustong gusto kong marinig

Mga salitang aking hinihiling

Ay siyang nagpakawala sa akin..

Sana naririnig mo ako..

Sana naririnig mo ang mga salitang gusto kong sabihin..

Mga salitang nakatago sa ilalim

Mga salitang ayaw kong banggitin..

Pero ikaw na nga ang nagsabi..

Mas mahal mo siya at pangalawa lang ako sa kaniya

Ngayun sana marinig mo..

Dahil isang beses ko lamang itong sasabihin

Mahal naririnig mo ba?

Naririnig mo ba?

Ang mga salitang nasabi ko?

Ang mga salitang nagpakawala sa mga luhang gustong-gusto nang tumulo..

Mahal...

Naririnig mo ba?

Papakawalan na kita..

Tagalog Poems (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon