Malaya

425 5 0
                                    

Play the video

Malaya

Gusto kong lumaya
Sa mga taong hindi naman nagpapakita ng halaga
Gusto ko ng maging malaya
Sa mga taong hindi naman ako kayang mahalin
Gusto ko ng maging malaya
Kahit na ikaw na lang ang natira sa akin.

Alam ko na masakit sa damdamin
Na lumaya sa iyong piling
Gusto ko mang manatili
Kaso ang puso ko ay hindi naririnig
Ang aking gustong ipasabi.

Kahit na ikaw na lang ang natira
Gusto ko ng lumaya
Ayoko ng maiwang mag-isa
Sa tuwing ikaw naman ang lalaya.

Gusto kong ipagsigawan na mahal kita
Kaso ako ay nakulong ni nakaraan
Sa isang selda
Kung saan ikaw ang paraan.

Gusto mo akong palayain
Ngunit pagdating ng panahon
Sa susunod na araw
Ikaw na naman ang palalayain ko.

Ipinaglaban kita
Kahit na ako ay nawawala na
Nawawala na
Sapagkat ikaw din ay lumaya na.

Pagiging malaya
Ang isa sa aking pangarap.

Gusto kong maging malaya
Sa mga taong hindi ako pinahalagahan
Sa mga taong akala ko totoo
Sa mga taong mahal ako
Sa mga taong gustong maging ako
Ngunit sa susunod na lang
Sapagkat uunahin ko muna ang sarili ko
Gusto ko munang maging malaya
Bago kita muling ipaglaban kay kapalaran.

Sana sa susunod na buhay ko
Ikaw naman ay ilalaban ako
Kahit hindi man tayo inilathala ni bathala
Kahit na hindi natin nakikita ang sarili natin sa kalangitan.

Gusto ko sanang sabihin na..

Palayain mo na ako sa nakaraan
Tapos na tayo kaya dapat tapos na din ang nakaraan na dati ay tayo ang bumuo.

Hindi ko na kaya..
Ako ay naglalaho na.

Sa huling hininga ko sasabihin ko toh..

Palayain mo na ako...

Tagalog Poems (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon