Ako ay tinanong
Kung ano ang kinatatakutan ko..
Ako ay sumagot at tumayo sa akin upuan
At sinabing
Ang pinaka kinatatakutan ko ay ang mawala ang ala-ala ko
Kinatatakutan ko ito
Sapagkat kapag nawala ito
Hindi ko na makikita ang halaga mo
Ang halaga mo para sa akin
Kung ano ka para sa akin
At bakit ikaw ang ibinigay sa akin
Ang ala-alang nagsasabing...
Ikaw ang pinakamahalga sa akin
Husgahan niyo na ako
Dahil ito ang kinatatakutan ko
Oo para toh sa mga duwag..
Pero kapag nawala ito
Mawawala ang mga halaga ng taong nasa paligid ko..
Mawawala ang halaga nila sapagkat sila ay aking kinalimutan na
Sila ay mawawalan ng halaga sapagkat hindi ko na sila naaalala pa
Sila ay mawawalan ng halaga dahil nawalan ako ng ala-ala kung paano kita nakilala
Mawawala sa aking isip kung paano kita natagpuan
At mawawala sa aking isip kung ano ka talaga
Ang alaala ay parang isang malaking saranggola
Kung ito ay iyong papaliparin
Titignan mo lamang ito sa langit
Pero kapag ito ay iyong napakawalan
Hindi na ito babalik sa atin.
Kinatatakutan ko ito sapagkat kapag ito ay nawala
Mawawala ang halaga ng mga taong naging bahagi ng buhay ko
At magiging Bahagi pa lamang ng buhay ko
Lahat sila naging bahagi ko
Lahat sila ay naging dahilan upang ako din ay tumayo
At kapag nawala sila
Baka ito pa ang sanhi ng pagbagsak ko
Alaalang aking nasa isip
Alaalang palagi kong pinapaulit ulit
At ang alaalang aking naging sandalan
Sa oras na ako ay nanghihina
At nahihilo na sa mga nangyayari
At ang alaalang iyong ibinigay
Ngayo'y aking itatayo upang hindi bumigay
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems (On-going)
PoetryThis is A Poem About Love and Heart Breaking Moments Tungkol sa mga Masasakit na karanasan natin sa Pag-ibig at mga magagandang Karanasan ? Supporn it Guys!