Mahal,Nasasaktan ako

1.5K 13 1
                                    

Mahal bakit ang pagmamahal mo ay panandalian?
Mahal bakit hindi mo ako minahal habang buhay?
Mahal bakit nangako ka kung hindi mo naman matutupad?
Mahal? Bakit?

Mahal bakit nasaktan ako kung hindi kita mahal at hindi mo ako mahal?
Mahal bakit nasasaktan ako ngayun?
Mahal bakit hindi ako maligaya dahil wala ka na sa piling ko?
Mahal bakit sa tuwing magtatanong ako
Ang hangin ang sumasagot?

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito,
Dahil ba mahal kita?
Dahil ba sa huli narealize ko na mahalaga ka talaga?
Dahil ba sa mga tanong na hindi ko masagot?
O dahil nung iniwan mo ako,
Narealize ko na mahal pala kita at hindi ko man lamang alam..
Hindi ko man lamang alam na minamahal na pala kita,
Hindi ko alam na ako'y nahuhulog at nahuhumaling na sayo..
Pero bakit nung nandun na ako sa punto na aaminin ko na sa sarili ko na mahal kita eh iniwan mo na ako?

Bakit ba sa tuwing magmamahal ako ang kapalit ay sakit na idinudulot nito?
Bakit sa tuwing magmamahal ako lagi akong naiiwan?
Bakit ba sa tuwing magmamahal ako hindi ako magawang mahalin pabalik?
Bakit ba nung minahal kita may mahal kang iba?
Bakit ba hindi mo makita na nandito lang ako!
Nandito lang ako sa malapit
Hinihintay ka na mahalin din ako.
Nandito lang ako..

Nung nasaktan ka ako ang sumalo sayo
Nung nasaktan ka ginawa mo akong panyo
Nung nasaktan ka nandito lang ako sa tabi mo..
Pero bakit hindi mo ako nagawang mahalin?
Araw-araw pinaparamdam ko sayo na espesyal ka sa buhay ko..
Pero bakit hindi mo makita?
Bakit hindi mo pa rin makita ang puso ko na hinihintay na mahalin mo rin ako?

Susuko na ba ako? O
Itutuloy ko pa ba toh?

Palagi kong tinatanong sa sarili ko..
Isusuko na ba kita at ibibigay sa iba?
O itutuloy ko ang pagiging Martir na kahit na nakikita ko na masaya ka sa piling ng iba..

Sa bawat pagpatak ng luha ko
Ang iniisip ko ay kaligayahan mo..

Iniisip ko na liligaya ka ba sa piling ko?
O mas liligaya ka sa piling ng iba?
Magiging masaya ka ba kapag nasa akin ka?
O mas sasaya ka kapag nasa iba ka?

Pangalawang beses na pagiyak sa Hapon
Pangalawang beses ko ding sinubukan na suyuin ang puso mo..
Pero ang labas ako ang talo..

Ako ang talo dahil hindi ako pinili ng puso mo..
Ako ang talo dahil hindi ako ang nilalaman ng puso mo..
Ako ang talo dahil hindi ako ang unang minahal mo.

Mahal sobra na eh!
Nasasaktan na ako! Kahit hindi tayo..
May karapatan pa ba ako na masaktan kong hindi ako ang nasa puso mo?!
May karapatan ba ako na magselos?
Meron ba?

Mahal hindi ko na kaya..
Gusto ko mang ilaban ka pero hindi ko na talaga kaya..
Hindi ko na kaya..
Mahal sana lumigaya ka sa iba..
Sana mas lumigaya ka at hindi ka masaktan ng dahil sa kanya..

Kahit na hindi ako ang pinili mo..
Mahal sa huling pagkakataon sasabihin ko ito sayo..

Mahal nasasaktan ako...

Tagalog Poems (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon