A/N: Guys Im Sorry kung ngayun lang ako nakapagupdate ulit hehehe kase busy kami ngayon para pag-aralan ang Bible eh! Oo! Bible! Nasa Chapter 4 pa lang ako dun eh.. Kasi tinatamad hehehe BTW eto na yung poem ko.. Saka guys please naman oh vote kayo para tumaas ulit ang rank natin sa category na Poetry bumaba na naman tayo eh..
Purple Y'all! 💜
'PagSuko'
Heto ako ngayun mahal
Nasa malayo
Tinititigan ka
Kaso nasasaktan din pala..Ilang araw na kasi nung sinabi mong ayaw muna
Pero ako lumaban pa,
Hinila ka pabalik pero ayaw mo na
Pinilit kang isinasama ngunit nagpupumiglas ka
Pilit kitang inintindi pero parang may mali.Hindi ko alam pero
Parang may mali,
Parang mali kasi binitawan kita
Parang mali nung niluwagan ko
Parang mali dahil nakikita kitang masaya
Parang mali dahil dapat ako ang nasa pwesto na yan
Na dapat ako ang nagpapasaya sayo
Pero ako na ngayon ang mistulang hadlang sa inyo
Oo nagkamali ako
Oo sa akin ko na sinisisi ang lahat ng pagkakamali mo na ngayun ay inaako ko,
Pero mali din yung mga ginagawa mo,
Sabihin na nating mahal lang kita kaya ko ginagawa toh
Pero sana Sana! Marealize mo na tao lang din ako
Tao lang din ako na kaya kang iwan
Na kaya kang saktan pero higit sa lahat
Kaya kang mahalin kahit na nasasaktan.Sinubukan ko lahat ng pwedeng gawin
Sinubukan ko lahat upang ikaw ay bumalik sa akin
Sinubukan ko ang mga bagay na nagpa humaling sayo
Pero ngayun iba ka na..Iba ka na mahal
Hindi na ikaw si mahal na syang nagbibigay kulay
Hindi na ikaw ang anghel ng aking buhay
Hindi na ikaw ang babaeng aking minamahal
Dahil ikaw na pala ang babaeng sumira sa aking kabuoan..Minsan tinatanong ko sa aking sarili
Bakit hindi kita kayang sukuan?
Bakit hindi kita kayang iwasan?
Bakit hindi kita matanggal sa aking sistema?
Bakit hindi kita kayang hindi mahalin?
Bakit lagi na lang akong nasasaktan?
Bakit? Ganito ka tadhana?
Ang lupit mo naman
Sana naman sinabihan mo ako para mapaghandaan ko toh
Pero para kang teacher eh!
Hindi pa nga kami nakakapagreview
May surprise test na agad na hindi naman namin kayang sagutan.Hanggang sa isang araw mahal?
Gumising ako ng wala ka na sa buhay ko
Isang araw tuluyan na kitang naalis sa sistema ko
Isang araw kaya na kitang iwasan
Kaya na kitang makitang masaya ng walang nararamdamang sakit
Kaya na kitang makitang may kahalikang iba
Dahil alam ko sa puso ko na hindi na ikaw
Dahil sa puso ko isa ka na lamang napakagagandang alaala.
Dahil ngayun kaya na kitang palitan ng walang pag-aalinlangan.Dahil ngayun? Masasabi ko sa sarili ko na tuluyan na din akong 'Bumigay' nang dahil sayo.
Dahil ngayun alam ko na 'Suko na ako sa landas na tinatahak ko noon at hindi na ngayun, dahil ngayun Sumusuko na ako'
Explanation:
Kahit na mahal kita kaya kitang sukuan dahil tao lang din ako na napapagod humabol at magpumilit sa taong hindi naman din akong kaya mahalin...
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems (On-going)
PoetryThis is A Poem About Love and Heart Breaking Moments Tungkol sa mga Masasakit na karanasan natin sa Pag-ibig at mga magagandang Karanasan ? Supporn it Guys!