Hanggang Dito na lang

563 11 0
                                    

Support it guys! Vote and comment! Suggest lang ng suggest ng mga titles! Para magawan ko ng tula okay?! 💜









Hanggang dito na lang

Mahal araw araw pinapadama mo sa akin ang saya
Mahal araw-araw mong sinasabi ang mga salitang "Mahal kita"
Pero bakit sumuko ka agad?
Bakit ka nawala sa aking mga mata?
Bakit ka bumitaw na kahit alam mong hindi ko kakayaning magisa?
Bakit umalis ka ng walang paalam?
Bakit?

Lahat ginawa ko para ikaw ay hanapin
Lahat ginawa ko para ang tadhana ay mabago
Lahat lahat ginawa ko para ikaw ay bumalik sa piling ko..

Ako ay nagdasal kay bathala at hiniling na ang puso mo ay ako pa rin ang pipiliin
Ako ay humiling upang ikaw ay bumalik sa akin
Ako ay humiling mahal ng paulit-ulit!
Pero hindi ka na bumalik sa akin

Alam kong bata pa tayo
Alam kong wala pa tayo sa wastong edad
Pero mahal gusto ko sanang sabihin sayo na Ikaw lang
Nakikita ko ang sarili kong hawak ang iyong kamay
At nakikita ko din sa sarili ko na habang buhay tayong magkasama..
Pero hindi na ata mangyayari yun..

Hinintay ka buong magdamag
Hinihintay ka mahal
Pero hindi ka na bumalik pa

Ilang taon kitang hinanap
Hindi ako sumuko
Kase kung may dahilan ka para ako ay lisanin
May dahilan ako upang hindi ka paalisin

Kung ang dahilan mo ay ayaw mo na sa akin
Pwes dapat parehas tayo ng damdamin
Kaya kitang ipaglaban kahit na ang mata mo ay hindi na sa akin ang atensyon at nasa iba
Kaya kitang mahalin
Kaya kitang patawarin ng paulit-ulit!
Pero kapag ako'y napagod?
Asahan mo mahal ako ay lalayo..

Hindi na ikaw ang hiniling ko kay bathala
Hindi na ikaw yung taong nagbigay sa akin ng saya
Sa halip nawala na sya

Akala ko ay panghabang buhay
Akala ko ay magtatagal tayo
Akala ko ay tayo ay walang hanggan
Yun pala napunta sa Pag-iibigang walang dahilan

Ano ang nangyari sayo at bigla kang nagbago?
Ako ba ang nagkulang?
O ikaw ang sumuko sa laban?

Tandaan mo mahal
Kahit na ang aking damdamin ay nasasaktan
Mas pipiliin kong mahalin ka
Kahit

Hanggang dito na lang.......

Tagalog Poems (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon