Ewan ko ba, sa tuwing makikita kita parang ang puso ko ay nagwawala
Sa tuwing kasama kita
Hindi ko namamalayan ang oras..Pero dumating ang panahon na iniwan mo ako..
Hindi pa man tayo pero iniwan mo ako
Akala ko saglit lang
Yun pala tumagal ng ilang taonPero ang pag-ibig ko sayo ay walang pinagbago..
Aaminin ko..
Nasaktan ako sa ginawa mo
Kahit na wala akong karapatang masaktan sa ginawa mo
Aaminin ko din na sinubukan kong turuan ang puso kong magmahal ng iba..Pero ang puso ko sinasabing 'Mahal pa kita'
Minsan naiisip ko kung anong kalagayan mo..
Masakit yung mga sandaling iniwan mo ako..
Sobrang sakit..
Para akong nasa isang karera..
Pinipilit kong umabot sa dulo pero hindi ko na kaya..
Hanggang sa madapa ako at nagkaroon ng sugat..
At sa huli napagtanto ko na Talo na pala ako..Katulad sa paigibig...
Pinipilit ko ang sarili ko na habulin ka kahit hindi ko na kaya...
Pinipilit ko ang sarili ko na habulin ka kahit na bigla kang nawala sa paningin ko...
Hindi ko alam ang aking gagawin sa mga oras na yun..
Tinatanong ko ang sarili ko kung hahabulin pa ba kita o titigilan ko na...Hanggang sa dumating ang araw na nakita kita..
Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko nung nakita kita...
Pero nagbago ang ihip ng hangin ng may hinalikan kang iba..
Parang gumuho ang mundo ko at nanginginig ang tuhod ko..
Pinipikit ko ang mata ko at sinabi sa sarili ko na hindi totoo toh..
Pinipilit ko ang sarili ko na hindi totoo toh..
At kung nasa bangungot man ako..please gisingin nyo na ako...Hanggang sa pagbukas ng mata ko..
Agad na tumulo ang luha ko..
Ang sakit mahal ko..
Na yung dating taong minahal ko ngayun may mahal ng iba..
Parang may tumutusok sa puso ko..
Para akong tanga na nanonood sa kanilang dalawa..Hanggang sa sinabi ko sa sarili ko na
'TAMA NA..HANGGANG DITO NA LANG SIGURO MAHAL..SANA MASAYA KA SA KANYA..PANGAKO..KAKALIMUTAN NA KITA AT MAGHAHANAP NG IBA...HILING KO ANG KALIGAYAHAN NYONG DALAWA...DADAMDAMIN KO ITO..HANGGANG SA MAWALA...MAHAL KITA....SANA MARINIG MO PERO HANGGANG BULONG NA LANG ITO...'At Lumayo na ako sa kanila at nagmahal ng IBA...
Meaning:
Wag kang magmahal ng tao kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo..kase kapag nagkataong nasaktan ka na...saka mo marerealize na sana MINAHAL KO MUNA NG HIGIT ANG SARILI KO..BAGO KO BINIGAY NG BUONG BUO ANG PUSO KO SAYO.....
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems (On-going)
PoetryThis is A Poem About Love and Heart Breaking Moments Tungkol sa mga Masasakit na karanasan natin sa Pag-ibig at mga magagandang Karanasan ? Supporn it Guys!