Ganon ba kadali mga lalaki ang iwan kaming mga babae sa ere?
Nang walang sumasalo?
At laging nasasaktan sapagkat dahil sa inyo?
Ano bang ginawa namin para masaktan kame ng ganito?
Ano bang mali namin para kame ay iwan nyo ng ganito?
Hindi ba kame katanggap-tanggap?
Hindi ba kame karapat rapat?Bakit sa tuwing magtatanong ako mahal kong bakit mo ako iniwan lagi ang hangin ang sumasagot sa aking mga katanungan?
Bakit sa mga gabing malamig ikaw lang ang aking naiisip?
Bakit hindi mo ako bigyan ng dahilan para matahimik na ang aking kalooban?
Puro na lang kame hinala eh
Hinala na kaya ko ako iniwan dahil hindi mo ako mahal
May mahal kang iba
At kami ay pinaglaruan nyo lamang..
Mahirap ba kameng mahalin?
Kaya kame ay iniwan nyo?
Mahirap ba?Naalala ko mahal nung mga oras na masaya tayo
Mga oras na tayong dalawa lang ang nasa mundo
Pero nawala lahat nung iwan mo ako
Nawala lahat nung ako'y iniwanan mo
Mahal bawat oras gusto kitang puntahan para tanungin kong anong dahilan
Pero natatakot ako sa sagot mo
Natatakot ako na may mahal kang iba at hindi ako
Natatakot ako sa posibilidad na pinaglaruan mo lang ako,
Ayoko man sabihin pero okay lang sa akin na magpakatanga, magpakabulag manatili ka lamang sa buhay ko..
Mahal wag mo akong iwan..Naglakas ako ng loob na ikaw ay harapin
Naglakas ako ng loob na ikaw ay puntahan
Gusto ko malaman ang dahilan
Kahit na alam ko ang pag punta dto ang wawasak sa aking katauhan..Hanggang sa iyon na nga
Nasa harapan kita at ikaw ay nasa harapan ko na
Gusto kitang yakapin
Pero hindi ko magawa
Gusto kitang hagkan
Ngunit hindi ko pa rin magawa
Tinibayan ko ang aking loob at tumingin ng diretso sa mga matang lagi kong nakikitang masaya ngunit ngayon puro lungkot ang dala
Tinanong kita kung anong problema pero hindi ka sumagot
Nanatili ka lamang nakatitig sa akin at parang binabasa ang aking emosyon
Pero agad iyong napauwi sa isang maling sagot
"Hindi na kita mahal"
Pero hindi ko makita ang dahilan para sabihin mong hindi mo ako mahal
Sa kaloob looban ko ang sagot mo ay kasinungalingan
Tinanong kita ulit
"Sabihin mo sa akin ang iyung dahilan kapag sinabi mo na ang totoong dahilan hindi na kita muling guguluhin at titigilan na kita"Pero sa hindi inaasahan dumating ang aking ama
Poot at galit ang nasa kanyang mga mata
Ako'y natakot pero hindi ko pinahalata
Dahil hanggang ngayun hinahanap ko pa ang sagot sa walang kwenta nyang dahilanAgad akong sinigawan ni ama dahil sa pakikipagkita sa aking dating nobyo
Pero hindi ako natinag sinagot ko sya at sa kabila nun ay isang napakalakas na sampal galing sa kanya,
Agad akong inaalalayan ng aking nobyo upang makatayo sa isang napakalakas na sampal,
Hindi ako makapaniwala
Hindi ako makapaniwala na kaya akong sampalin ng aking ama
Pero hindi pa rin ako natinag
Hinarap ko ang aking dating kasintahan at tinanong muli "bakit mo ako iniwan?"
Parehas na kameng luhaan sa aking tanong
Hindi sya makasagot at nangangapa ng sagot
Pero agad nya ring sinagot na halos mamatay ako.."Hindi kita kayang ipaglaban, hindi kita kayang bigyan ng marangyang buhay mahal.. Sana maintindihan mo"
Sabi niya at agad kameng tinalikuran
Pero agad ko syang hinabol at hinawakan sa braso
"Wag mo akong iwan"
Pero agad niya rin itong binawi at naglakad palayoUnti unti akong lumuha at ilang saglit ay natawa sa kawalan,
Napakawalang kwentang dahilan mahal
Hindi ko kailangan ng marangyang buhay
Dahil sayo pa lamang ay handa ko ng ibigay
Pero agad mo akong iniwan!
Hindi mo ako ipinaglaban!
Itinuring ka pa namang matapang pero agad kang sumuko sa laban..Umuwi ako ng luhaan at walang ginaw kung hindi banggitin ang salitang aking nabitawan
At yun ang salitang"Wag mo akong iwan"
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems (On-going)
PoetryThis is A Poem About Love and Heart Breaking Moments Tungkol sa mga Masasakit na karanasan natin sa Pag-ibig at mga magagandang Karanasan ? Supporn it Guys!