Pangalawang Tahanan
Ito ay aking inaalay sa mga taong nasa likod din ng aking tagumpay
Ito ay para sa mga taong
Sumugal ng napakalaki
Kahit na kami ay hindi mapakali.Hindi mapakaling magkaroon ng Kasintahan
Ngunit nandyan pa rin kayo upang kami ay laging Gabayan,
Patungo sa hagdanan ng isa na namang tagumpay.Tinuruan kung paano maging malakas
Kahit na sobra na kaming nanghihina
Sa mga Takdang Aralin na hindi namin nagagawa
Mga proyekto kung saan laging nasa hulihan kung ipasa
Mga larawan kung saan tayong lahat
Ay magkakasama.Pangalawang Tahanan
Ang tawag namin sa paaralan
Pangalawang Ina
Kuya
Ama
At Ate
Ang turingan natin sa isa't-isaMga mahal naming guro
Gusto namin na malaman niyo
Na kahit na gusto na naming lumayo
Kayo ay hihilahin pa rin kami
Upang pumasok sa pintoGintong pinto kung nasaan
Ang tagumpay na matagal niyo nang hinahangad
Hindi man para sa inyo
Ngunit para pala sa amin ito.Bakit hindi namin makita?
Ang halaga ng mga taong laging nariyan
Mga taong nagtuturo
Ng mga gintong aralin at akda.Kahit na kayo ay aming pinaparinggan
Binubulungan
Kayo pa rin ay magiging tengang-kawali
Sapagkat ayaw niyo itong marinig.Aming mga guro
Kahit man hindi namin maiparamdam ito
Gusto din naming maintindihan niyo
Napapagod din kami
Katulad niyo.Pero sabi nga nila
Kung may gusto may paraan
At kung ayaw may dahilan
Galing sa mga gurong
Napakagaling
Dahil sa kanilang talinong angkin.Mahal namin kayo
Kahit na alam nating naisulat lang ito
Mahal namin kayo
Kahit na hanggang sa katapusan ng mundo
Walang makakatumbas sa mga pangaral niyo
At wala ding makaka baon sa mga memoryang ngayon ay bubuuin at muling bubuksan sa takdang panahon.Aming Guro
Aming Pangalawang Magulang
At higit sa lahat
Pangalawa naming tahananAng guro ko ang Pinakamagaling sa buong mundo.
At salamat po
(A/N: Late Happy Teachers Day Poem! : > Vote please!)
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems (On-going)
PoetryThis is A Poem About Love and Heart Breaking Moments Tungkol sa mga Masasakit na karanasan natin sa Pag-ibig at mga magagandang Karanasan ? Supporn it Guys!