Minsan lang kita iibigin

482 18 0
                                    

Guys! Vote kayo ah! Wag mga jeje! 😂 Para tumaas yung rango natin sa poetry! Pwede nyo tong ibahagi sa iba nyong friends kung gusto nila ang Poetry! 💜 Kase ngayun nakakalimutan na nila ang poetry eh.. So ngayun ayan na ang title 😂 bala na kayo ah!

~Iamyourmortalenemy

Minsan lang kita iibigin

Mahal ako ulit ito
Ang tanging babaeng nagpaibig sayo
Ang tanging babaeng kaya kang paligayahin kahit na sa simpleng gawi ko
At ang tanging babaeng nandyan sa puso mo

Mahal naalala mo pa ba yung mga oras na ako ay iyong ipinagsigawan sa buong mundo?
Yung mga oras na kung kailan ay naging tayo?
Yung mga oras na sinagot kita ng "OO"?
Naalala mo pa ba? O
Nalimutan mo na?

Mahal naalala din yung mga oras na ang daming mga babaeng nagpapadala sa akin ng death threat?
Yung mga oras kung paano nila ako tratuhin ay para akong aso na hindi kayang pakainin?
At yung mga oras na ikaw mismo ang naging Night and shining armor ko?
At yung mga oras na kahit na magkasakitan kayo ay ipaglalaban mo pa rin ako?

Isa pang alaala mahal ang ating balikan
Ito kase yung alaala na hinding hindi ko malilimutan
Ito lase yung oras na nakita kitang may kahalikang iba.
Yung oras na ako ay nasasaktan
Yung oras na ako ay sobrang nagdadalamhati kase hindi totoo yung pag-ibig mo sa akin
At ito din yung oras na kusang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo..

Kusang tumigil dahil ikaw ang aking sentro ng aking imahinasyon,
Ikaw ang sentro ng aking atraksyon
Pero ikaw din ang tanging sentro ang nagpatigil nito

Hinarap kita kasama ang iyong iba
Hinarap kita upang ikaw ay kausapin
Pero nung mga sandaling yun?
Para mo akong ipinahiya sa isang libong tao!
Para mo akong pinana ng isang libong palaso
Pero ako ay nananindigan at sinabing
"Mahal mo pa ba ako?"
Tinanong kita pero ang iyong sagot?
"OO"
Napanganga ako sa iyong sagot
Sino naman kase ang maniniwala sa sagot mo?
Eh kung harap harapan kung nakita na iba ang kahalikan mo?!
Yung tipong ako ang una!
Yung tipong mas nauuna!
Pero ako din pala yung tipong unang nasasaktan..

Oo mababaw ang emosyon naming mga babae
Pero kami kase yung tipong kapag nagmahal
Hindi namin iiwan..
Kame kase yung tipong
Kapag nagmahal sya lang talaga!
Kame yung tipo kapag nangiwan may iiwang dahilan
Hindi katulad nyo na mangiiwan na lang
Ipapamukha pa sa amin ang bago nyo..
Nagmakaawa kame ng ilang beses
Nagmakaawa kame sa inyo na kame ay inyong balikan
Pero nakinig ba kayo?!
Nakinig ba kayo?! O
Nag bingibingihan kayo?

Nung kayo ba ay may problema tapos sasabihin nyo hindi ba kame nakinig?!
Nakinig kame!
Kase mahalaga kayo sa amin..
Para sa amin lahat ng sinasabi nyo ay mahalaga at importante!
Pero kame ba ay mahalaga at importante?!
O isa lamang karakter sa storyang kayong dalawa ang bida at kame ang kontrabida?

Dati ang pangalan ng storya "Love Story"
Ngayun kase lahat ng pag-ibig nauuwi sa "Toy Story"
Dati kame ang ginagawa nyong sandalan
Pero ngayon kame ang ginagawa nyong panyo na kapag may pinagdaanan gagawing pamunas ng mga luha nyo..
Dati kame ang unang takbuhan nyo
Pero ngayon kame ang unang lalagpasan nyo
Dati kame ang mahal nyo
Ngayun kame na ang mga taong sasagabal sa relasyon nyo..
Dati kame ang una
Ngayun pangalawa na lang
dati kame
Ngayun pero na lang..

Mahal kapag sinabi ba naming "Hindi na namin kayo mahal" ipaglalaban nyo ba kame?
Kapag sinabi ba naming ayaw na namin
Pipigilan nyo ba kame?
O kapag sinabi namin iyun ay hahayaan nyo kame?

Oo bilang na ang mga taong nagmamahal ng totoo
Oo bilang na din ang mga taong magiging forever nyo
Pero asahan nyo sasabihin din namin toh

Minsan lang namin kayo iibigin...

Dahil ang minsan hindi sobra hindi konti katamtaman lang dahil kapag minsan
Minsan lang kita iibigin....



Authors Note:
Guys! Vote for this poetry please! Bumabalik na naman tayo sa pagkababa! Please! Im begging you all! Readers of this poetry! 😭

Tagalog Poems (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon