Sa Likod Ng Aking Tagumpay

406 8 0
                                    

Sa likod ng aking tagumpay

Nandun kayo sa aking likod upang ako ay suportahan

Sa likod ng aking tagumpay

Kayo ay laging nariyan upang ako ay muling itayo at mahalin ng buo

Sa likod ng aking tagumpay

Nakita ko kayo

Nasa likod ko

At ipinagmamalaki ako sa buong mundo

Sa likod ko

Nandyan kayo para suportahan ako

Sa mga Pagkakamali ko

Nariyan kayo upang itama ito

Sa mga kahinaan ko

Nandyan kayo upang ako ay muling itayo

Dahil sa likod ko

May mga magulang ako

Na kahit na anong sakit

Na kahit anong laban

Para sa akin

Sila ay lalaban

Sa pagsubok ng buhay ko

Nariyan sila upang ako ay patnubayan

Nariyan sila upang ako ay ihatid sa aking tagumpay

Mga sandaling nariyan kayo sa tabi ko

Mga sandaling mga luhang ginto niyo lamang ang nakikita ko

Kayo ay aking ipinagmamalaki

Sapagkat kayo ay nariyan sa aking tabi..

Kahit na napagsalitaan ng masama

Hindi kayo sumuko upang ituro sa akin ang tama

Kahit na pilit ko kayong sinasaraduhan ng pinto

Kayo ay hahanap ng paraan upang muling makapasok

Kahit na isinarado ko ang isip ko sa mga pangaral na kayo mismo ang bumuo

Hindi pa rin kayo sumuko

Dahil sa likod ng aking tagumpay

May mga magulang akong nagpapatunay

Na kahit anong pagsubok sa buhay

Nariyan sila sa ating tabi upang tayo'y patnubayan

Tagalog Poems (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon