Mga taong kahit na anong pagsubok kayang lagpasan
Mga taong hindi sumuko kay kapalaran
Ang aking mga magulang na hindi ako sinukuan kahit na ayoko ng lumaban.Ang mga magulang kong malakas
Ang mga magulang kong kahit na buhos ng ulan
Kayang suungin basta para sa akin .Ang mga taong hindi ako sinukuan
Ang mga taong nagbibigay sa akin ng lakas
Ang mga taong hinding hindi ako iiwan
Sa gitna man ng bagyo
Sa gitna man ng apoy
Sila ay nariyan upang ako ay muling itayo.Ang aking nanay na sobrang ganda
Ako ay nagmana sa kanyang kagandahan
Na siyang kinahumalingan ng aking tatayAng babaeng kasing lakas ni Wonderwoman
Ang babaeng nagbigay sa akin ng buhay at ang
Ang babaeng kahit na anong kapalit hinding hindi ako ipagpapalit.Ang aking tatay na aking mahal
Ang lalaking naging sintabay ng pader
Na kahit ano mang lindol hindi kayang buwaginAng lalaking una kong minahal
Ang unang lalaking aking proprotektahan
Ang lalaking kahit na anong sakit kayang labanan upang ako ay tulunganMga mahal kong magulang
Ako ay sumulat ng tula
Upang sabihin sa inyo ang aking pagmamahal
Na hindi ko kayang sabihin
Na hindi ko kayang ipadama
At ang pagmamahal na hindi ko hahayaang mawala.Ang mga magulang naging sandalan ko
Ang mga magulang na hindi ako sinukuan sa gitna ng laban
Ang mga magulang ko na kahit kailan mamahalin ako at hindi hahayaang mawawala sa buhay nilang masigla.Sana humaba ang inyong buhay,
Dahil pagdating ng panahon na ako ay ikasal
Gusto ko sanang ihatid nyo ako sa altar
Na may ngiti sa labi
Na hindi mapapawiAt mga balikat niyo na naging tungtungan ko
Upang maabot ang aking pangarap na sadyang kay taas at hindi ko maabot
Pero tinulungan niyo ako
Upang ito ay maabotKayo ay mga bituin sa langit
Na hinding hindi ko kailanman malilimutan
Na hinding hindi ko pagsasawaang tignan
Mga bituin na gumagabay
Mga bituin na patungo sa tagumpay.Kapag dumating ang panahon na ako ay maging magulang na rin
Gusto ko sanang maging katulad niyo
Na kahit anong pagsubok
Kayang lagpasan at kayang harapin ng walang pag-aalinlangan, at kayang labanan
Sa gitna ng kawalan.Aking tula ay aking tinatapos ngayun
Pero hindi ibigsabihin nun tatapusin ko na din ang pagmamahal ko sa inyo.Dahil kung hindi dahil sa inyo wala ako ngayun
At hindi ko maabot ang mga nakamit ko ngayun..
Kahit na papiliin ako muli ng Diyos
Kayo pa rin ang pipiliin koAking mga magulang..
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems (On-going)
PoesíaThis is A Poem About Love and Heart Breaking Moments Tungkol sa mga Masasakit na karanasan natin sa Pag-ibig at mga magagandang Karanasan ? Supporn it Guys!