Mahal may mga oras na minsan gusto kitang isuko pero hindi ko kaya,
Mahal may mga oras na kailangan kitang lisanin pero hindi ko kaya,
May mga oras na lagi mo akong binibigyan ng dahilan para hiwalayan kita pero hindi ko pa kaya
Hindi ko pa kayang mawala at kumawalaAraw-araw mo akong binibigyan ng mga dahilan
Pero ang sagot ko "Ayaw ko pa"
Dahil mahal pa kitaHayaan mo mahal kapag dumating ang panahon na mawala na ito
Ako na ang magkukusa
Ako na ang aalis
At hindi na kita muling lilinguninKung sa tingin mo hindi ko kaya?
Pwes nagkakamali ka
Oo nasasaktan ako emotionally
Pero hindi physically
Oo madali akong masaktan
Pero kaya kong bumangon muli
Oo isang maling desisyon ang mahalin ka
Oo mali ako
Oo tanga ako
Oo bulag ako
Pero ganito talaga ako eh?
Anong magagawa mo?
Kung ang sinasabi ng utak ko na lisanin kita pero ang puso ko ay ayaw pa?
Mahal wag naman ganyan
Hindi porket mahal kita kaya mo na akong saktan!
Mahal please naman itigil mo na yan
Hindi ko kayang makita kang ganyan!
Hindi kaya ng puso ko na bigyan mo ako ng maraming dahilan
Hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko mahal
Kahit ibato nila sa akin ang pinaka masasakit na salita tatanggapin ko basta manatili ka lang
Manatili ka lang mahal..
Kakayanin ko..
Basta manatili ka langPero unti unti na akong nauupos
Unti unti na akong nasasaktan
Unti unti na lang at susuko na ako
Nagsusumamo ako sayo mahal itigil mo na toh!
Dahil baka sa huli sumuko na akoHindi dahil sa tanga ako
Kung hindi umiibig lang ako
Masama bang umibig?
Masama bang magmahal?
Na kahit sa huli sakit ang dahilan?
Masama ba talaga?
Kahit na masasaktan ka talaga?Nabubuo na ang aking desisyon mahal
Nabubuo na aking plano upang ikaw ay lisanin na
Mahal isang isa na lang
Ako'y mawawala naPero hindi ka tumigil
Ganun pa rin eh?
Lagi mo akong binibigyan ng dahilan upang ikaw ay lisanin..
Ngayun?
Ito'y aking tototohaninLumisan na ako pero wala ka pa ring nagawa!
Bakit hindi mo ako pinigilan?
Oo nga pala..
Sa kadahilanang "hindi kita mahal"
Ang tanga ko naman?
Nakalimutan ko pala yun?Ilang linggo pa lamang ay ako'y iyong binalikan
Ngunit ang aking nararamdaman?
Ay nawala ng parang bula
Nagsusumamo ka pero hindi ko tinanggap
Ngayun? Naniniwala na ako sa kasabihang
Makikita mo lang ang halaga ng isang tao kapag tuluyan na itong nawala sa piling moBakit ngayun mo lang narealize?
Bakit ngayun mo lang alam!
Kung kailan na may mahal na akong iba babalik ka sa akin at sasabihing "patawad, mahal pala talaga kita"
Ang kapal ng mukha mo!
Pagkatapos mo akong bigyan ng mga dahilan
Ngayun babalik ka sa akin at hihingin ang pagmamahal ko?!
Sana naman narealize mo ng maaga para bumalik agad ako sayo!Please tama na!
Wag ako!
Wag mo na akong mahalin!
Hindi na kita mahal!
Sana maintindihan mo naman!
Hindi na kita mahal!
Hindi na!
Pasensya na pero may mahal na akong iba..Kung ito na ang huling pagkakataon para sabihin ko sayo toh?
Gusto ko sanang sabihin na kapag bumalik ka at hingin ang pagmamahal ko?
Ang isasagot ko ay"Wag ako"
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems (On-going)
PoetryThis is A Poem About Love and Heart Breaking Moments Tungkol sa mga Masasakit na karanasan natin sa Pag-ibig at mga magagandang Karanasan ? Supporn it Guys!