Mahal Pa rin kita
Pinagmamasdan ka mula sa tabi
Pinagmamasdan ko ang ngiti mong hindi napapawi
Pinagmamasdan ko din ang taong naging sanhi kung bakit nadarama ko pa rin ang sakit.Ngiti mong napakaganda
Parang Rosas na kulay pula
Imahe mo sa aking mga mata
Parang walang nakikita na ibang tao kung hindi IkawMahal kita
Mga salitang minsan ay nabitawan ko na
Ngunit ito ay binigyan mo ng walang kahulugan
Gusto kita
Totoo yun
Pero ako ay binigyan mo na naman ng rason upang sumuko naHanggang kailan nga ba?
Hanggang kailan nga ba ako aasa sa isang tao hindi naman ako binigyan ng pag-asa?
Paano ko ba pipigilan ang tibok ng puso ko?
Sa taong kahit anong pagpapakita ko
Na kahit anong pagpapasaya ko
Laging iba ang nakikita moHanggang kailan ako aasa?
Sa ilusyon na ako lamang gumawa
Hanggang kailan nga ba kita mamahalin?
Kung alam kong ikaw ay may minamahal din?
Bakit ako aasa?
Sa isang taong lagi akong binabalewala
Hindi ako tanga
Hindi din ako bobo
Pero pagdating sayo?
Ako ay nagiging ganito.Kahit na ilang beses mo akong ipagtabuyan palayo
Alam ko kasi sa sarili ko na
Ikaw pa rin ang tatakbuhan ko!
Kahit na ilang beses akong sinabihan ng utak ko
Palagi pa ring sinasabi ng puso ko na
Ipagpatuloy ko itoKahit na anong gawin kong pigil
Sayo pa rin pala ito titibok
Kahit na ilang beses akong kumurap
Imahe mo pa rin ang nakikita ko
Kahit ilang beses kong sinanay na wala ka sa tabi ko
Andyan ka pa rin kahit na ako na ang lumalayoPag-ibig nga naman
Perpekto
Ngunit pagdating sa atin nagiging hindi perpekto
Pag-ibig na akala ko totoong mahahanap sa iyo
Pero yun pala mahahanap ko sa ibang tao.Kahit na iba na ang laman ng puso ko
Ikaw pa rin ang laging nilalaman nito
Kahit na iba na ang taong bumuo netoIkaw ang unang minahal ko
Kaya ikaw din ang huling magiging laman neto
Oo mahal ko siya peroMahal pa rin kita
Happy 1k reads! 💕
Play the video☺
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems (On-going)
ŞiirThis is A Poem About Love and Heart Breaking Moments Tungkol sa mga Masasakit na karanasan natin sa Pag-ibig at mga magagandang Karanasan ? Supporn it Guys!