Chapter 1

110 4 7
                                    

Maingat at tahimik na binuksan ni Alastair ang pinto ng kanilang bahay. It's still 2 in the morning and everyone is sleeping. Malapit na siya sa hagdan ng biglang umilaw ang buong sala kasabay ng isang dagundong na boses ng lalaki.

"Do you know what time is it now, young man?!" Sigaw ng ama niya.

"Shit, ginulat mo ko dad!" Napahawak siya sa kanyang dibdib, senyales na talagang nagulat.

"I'm asking you, alam mo ba kung anong oras na? At saan ka na naman galing bata ka?" Mahina ngunit madiin na ulit ng ama niya. Katabi nito ang kanyang ina.

"Just out there, dad." Hindi siya makatingin ng diretso sa ama.

He was invited by Marco, his college buddy, sa isang party. Birthday kasi nito at ginanap ang party sa isang exclusive bar. He can't decline, not because he is his buddy but because partying is his thing. Summer vacation kaya naman halos gabi gabi ay laman siya ng mga bar. He loves socializing, he loves the booze and the loud noises of the crowd. He's a party animal.

"Did you go to a party again?" Nanliit ang mata ng kanyang ama. Of course malalaman nito. Sa itsura niya  palang ay malalaman mo ng may tama pa rin siya ng espirito ng alak.

"Dad, It's Marco's birthday! I need to be there, kilala niyo naman siya diba?"

"Kailan ka ba talaga magpapakatino?! For God's sake, you're 19! Imbis na tumulong ka sa negosyo, iba ang inaatupag mo." Napahilot pa ito sa sentido. Agad naman umalalay ang kanyang ina at pinaupo ang kanyang ama sa sofa.

"Anak, your dad's right. You should know by now na ikaw ang magmamana ng negosyo at wala ng iba." Dagdag pa ng ina. Alastair groaned. Alam naman niya talaga yon. He's the only son and the only child. It's just that wala pa sa isip niya na magpakaseryoso. 

"Alam ko naman po yun, mom and dad. Pero can I atleast enjoy my life for now?" He's hoping.

"Son, your mom and I decided na doon ka muna sa Uncle Andrew mo tumira pansamantala." At first hindi niya naabsorb ang sinabi ng ama niya. Nang unti unting nagsink in ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

"You can't be serious! Mom?! Dad?!" Tinignan niya ito ng palipat lipat.

"Oh, yes we are. Hanggang sa hindi ka pa natututong magseryoso sa buhay, ipapadala kita sa Uncle mo para magtino."

"But dad?! Ang layo ng bahay ni Uncle. How can I survive? Ang liblib doon! Wala akong mapapasyalan saka wala akong mga kaibigan!"

"Then much better. Tumulong ka sa Uncle mo sa rancho.  And I'm sure na may makikilala kang mga kaedad mo dun."

"You got to be kidding me. Mom, ayos lang sayo na malayo ako?" Tumingin siya sa ina. Nagbabakasakali na magbago ang isip. Ngunit nagiwas lang ito ng tingin.

"That's for your own good, anak." He can't believe this! Pati ang ina niya ay pinapalayas na rin siya.

"Start packing your things. Ipapasundo na kita sa susunod na araw." Yun lang at umalis na kanyang ama kasunod ng ina. Siya naman ay nakanganga lang na naiwan sa sala. Napasabunot nalang siya sa buhok dahil sa sobrang badtrip. Damn!

Sa sobrang inis, alas singko na siya nakatulog. Nagising lamang siya sa tunog ng kanyang cellphone. Pikit mata niyang sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Babe, where are you? I've been waiting here for almost an hour!" Napabalikwas siya ng bangon. At saka tinignan ang caller Id. It's Stella!

"Uhm, what is it, babe?" Tanong niya.

"Have you forgotten? May date tayo ngayon! What the hell, Alastair?!" Inilayo niya sa kanyang tenga ang cellphone. Shit. Sa sobrang daming problema, nakalimutan niya na pumayag siyang makipagdate kay Stella ngayon.

Stella is his latest fling. Fling because he don't do girlfriends. Iniexplain na agad niya sa mga babae niya yun dahil ayaw niya ng mga clingy. He enjoys his freedom na walang nagdidikta sa kung anong gusto niyang gawin. Pumapayag naman sila but most of the time, masyadong naaattached ang iba. Sakit sa ulo, but then he enjoys the pleasure with them.

"I'm sorry. I'll just prepare, aryt? I'll text you kapag malapit na ako."

"Ok. I'll wait here." May tampong sagot nito. Bumangon na siya at pumasok sa banyo. After an hour, nasa sasakyan na siya at malapit na sa meeting place nila ni Stella. Pagkapark niya sa sasakyan, ay nakita na niya ito sa labas ng coffee shop.

"Hey, babe." Sabay halik sa cheeks.Nagulat pa ito ngunit ngumiti ng nakita siya.

"Hi." She blushed.

"So, where do you wanna hangout?"

"How 'bout let's watch movie first?" Pumayag siya. May pumasok sa isip niya habang bumibili siya ng ticket ng napiling movie ni Stella. Napangisi siya.

Malamig sa loob at kaonti lamang ang tao. Dahil na rin siguro ay matagal ng showing ang movie. Umupo sila sa bandang taas. Maya maya pa ay nagsimula na ang movie. Noong una ay ok lang ang eksena, pero kalaunay nagiging mainit na. Romance kasi ang movie. Nilagay niya kanyang braso sa likod ng upuan ni Stella. Napansin din niyang mukhang nilalamig ito kaya inakbayan niya ng tuluyan. Napatingin ito sa kanya kaya nginitian niya.

"Are you cold?" He asked her.

"Y-yes" nakita niyang pumula ang pisngi nito kahit may kadiliman ang lugar.

"Then let me make you hot."

Narinig niya sa background  speaker ang ungol ng babaeng bida sa movie. Hudyat ng biglang paghalik niya kay Stella. Hinapit niya pa ito ng naramdaman niyang hindi nagpumiglas.

Mas lalo pa siyang ginanahan ng sinagot nito ang kanyang halik. Napangisi siya at mas lalong hinapit ito sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang kasabikan nito lalo na ng pinagapang  niya ang kaliwang kamay pataas baba sa makinis sa hita nito. Hindi nagtagal ay bumaba ang halik niya sa leeg nito, habang ang kamay naman niya ay unti unting umakyat papasok sa blouse nito. Dinama niya ang impis nitong tiyan paakyat sa dibdib. Mas lalo itong napaungol ng pisilin niya iyon habang hinahalikan pa rin ang leeg nito. Maging ito ay hindi rin nagpahuli dahil naramdaman niyang hinahaplos nito ang bukol sa kanyang pantalon

"Alastair, ahhh" mahinang ungol ni Stella. Shit. Kahit siya ay nararamdaman na ang init ng sinehan kahit ang totoo ay malamig naman. Itinigil na niya ang paghalik at mukhang nabitin ito.

"Why did you stop?" Disappointment is visible in her voice. Nilapit niya ang bibig sa tenga nito at bumulong

"Unless you want me to do you here, then we'll continue." Sabay kagat sa puno ng tenga. Napaungol naman ito.

"Not here. Let's go to my place." Aya sa kanya ni Stella. He grinned. Of course, girls can't resist him. They will always fall in his charm. And him? He always gets what he wants from them.

-lj

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon