Chapter 8

44 2 2
                                    

"Dala mo na ba lahat ng documents mo?" Yun ang tanong sa kanya ni Ian pagkatapak nila sa gate ng magiging bago niyang paaralan.

Colegio Buenvido, it says. It's a community college here in Ildefonso. Pinatayo ng isang Spanish businessman na namalagi sa lugar na ito ilang taon na rin ang nakakalipas. Halos lahat ng mga college student na taga Ildefonso at ang yung sa kabilang bayan ay dito na rin nag aaral kung ayaw lumuwas sa syudad.

Pagpasok namin ay may mangilan ngilan lamang na estudyante ang nagkalat sa loob. Probably because next week ang start ng classes. Dumiretso na sila sa registrar. And since kilala ang  Uncle niya sa buong Ildefonso, madali lang ang naging processing ng documents niya. And just like that, He's officially enrolled and a student here.

He's  taking up Business Administration and the reason is very clear. He's the future heir of their family business. Soon he'll be trap in a four cornered room called office. How boring can that be?

"Dito ka muna. Pupuntahan ko lang sandali yung prof ko sa isa kong subject. Babalik din ako agad." Iniwan siya ni Ian sa isang bench malapit sa school field. The school's not that big compare to his university back in Manila. It's also surrounded with trees, that's why there's a lot of shaded part where you can relax peacefully.

May nakita din siyang grupo ng mga kababaihan na nakatingin sa pwesto niya.  Titingin sa kanya tapos ay maghahagikhikan.Tumayo ang isa sa kanila at lumapit sa kanya. What now?

"Hi, bago ka dito?" The pretty chick said.

"Yup. " he plainly said.

"Kaya pala ngayon ka lang namin nakita. I'm Kaze by the way. And those girls over there are my friends." Turo niya sa mga babaeng ngayon ay papalapit na sa kanila.

"I'm Alastair and yeah, kakalipat ko lang ngayon. Dito ako mag aaral ngayong semester." Sakto namang nakalapit na ang kasamahan nito.

"Girls, this is Alastair. Bago lang siya dito. Alastair, these are my friends, Erin." Turo niya sa babaeng maputi at nakasuot ng salamin. Nerd but she's fucking hot. Bumati naman ito.

"This is Yuri." Pakilala naman nito sa isang magandang babae. She looks like a foreigner and she's darn beautiful, I give you that.

"And this one is Avianna." Turo naman nito sa isa nilang kasamahan na tahimik lang. Maganda din ang isang ito.

"Hi, nice to meet you all." He politely said.

"Anong year ka na?" Tanong ni Yuri.

"Third year. "

"Ahead ka pala sa amin. Anong course mo?" Erin asked.

"I'm taking up Business Ad." Sagot niya.

"Mostly ng mga kumukuha ng Business Ad dito ay yung may mga business. Tagapagmana ka ba?" Tanong naman ni Kaze. Well yeah, technically tagapagmana talaga siya.

"We have a family business here. " Sagot nalang niya.

"Talaga? Mayaman siguro ang family niyo. Taga Ildefonso ka ba? Kasi taga Carmen kami, yung bayan kasunod ng Ildefonso."

"Yup. Taga Ildefonso lang kami. May farm kami dito kaya dito muna ako mag aaral." Palusot niya. Of course hindi niya sasabihin na dahil grounded siya kaya pinatapon siya dito at ngayon ay dito na rin mag aaral. Nakakahiya kapag nagkataon.

"Farm? Wow. Anong apelyido mo?" Si Avianna naman ngayon ang nagsasalita. Akala niya pipi ang isang ito.

"Britt." Pagkasabi niya ay biglang nanlaki ang mga mata nila. 

"Britt?! You mean yung mga Britt na may malaking rancho dito sa Ildefonso?!"

"Yeah. The one and only." They are still stunned. And the look on their face is priceless. Tahimik pa rin ang mga mga ito at mukhang hindi pa rin nakarecover sa pagkakagulat. He wonders why? Ganoon ba talaga kasikat ang apelyido niya? Nasa ganung pag iisip siya ng narinig niyang tinatawag siya ni Ian.

"Alastair! Tapos na ako, tara na." At lumapit na ito sa pwesto niya. Saka lang nito napansin ang mga kasama niyang babae.

" O Kaze,anong ginagawa niyo dito?" Nagtataka ito.

" Ate Arianne? Magkakilala kayo ? "

"Ni Alastair? Oo. Di ba sa mansyon ako nakatira?" Sagot naman nito na nalilito pa rin.

"Hindi mo naman sinabi na siya pala ang pamangkin ni Don Andrew. Akala namin ordinaryong transferee lang dito." Tila nagtatampo naman si Yuri. Ganoon ba ka big deal yun? Alam niyang mayaman sila at kilala  ang pamilya nila doon sa Manila dahil sa mga business nila.

"Hindi naman kayo nagtanong saka busy ako sa rancho. Ngayon lang ako nakabalik dito sa eskwelahan. O siya sige na, kailangan na naming umalis. Mauuna na kami. Magkita nalang tayo sa pasukan." Hinila na siya ni Ian at nagpatianod lang siya. Hindi niya maalis ang mata sa kamay nitong nakahawak sa pulsuhan niya. Mukhang natauhan naman ito at mabilis siyang binitawan na parang napaso. Ang arte! As if naman gusto niya ring hawakan din siya neto.

Habang naglalakad papunta sa gate ay hindi niya mapigilan magtanong.

"Bakit big deal masyado sa kanila yung pagiging Britt ko. Alam ko naman na sikat ako sa Manila pero dito rin pala?"

"Syempre naman. Hindi ba ay nasabi ko na sayo na kayo ang isa sa pinakamayaman dito sa Ildefonso. Kilala kayo ng mga mamamayan dito pati doon sa kabilang bayan. Maliban pa doon, marami na rin kasi ang naitulong ng pamilya mo dito sa Ildefonso. Marami silang inisponsor sa pagpapaayos ng kalsada saka pagpapalagay ng maayos na linya ng kuryente dito, may mga scholar din silang pinapaaral. Yung mga anak ng mga magsasaka sa rancho ang karamihan sa mga scholar.  Kaya naman ganoon kasikat ang apelyido mo." Mahabang paliwanag nito.

"Well, hindi ko alam na may ganoong bagay palang nagawa sila dad." Sagot nalang niya.

"Kaya wag ka ng magtataka na pagpasok natin sa susunod na linggo ay paniguradong kumalat na ang balitang doon pumapasok ang tagapagmana ng mga Britt. Talagang ipagkakalat ng mga batang yun ang balita." Tumawa pa ito na parang nakakatawang bagay iyon para sa kanya.

"Tss." He doesn't care. Sikat siya sa Manila. Kahit saan siya pumunta, maraming lumalapit at nakikipagkaibigan, mapababae man o lalaki. Sanay na sanay siyang pinupuri ng mga tao at binibigyan ng atensyon. Kaya wala siyang pakialam kung dumugin siya dito.




-lj

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon