Chapter 20

10 1 0
                                    

"Pwede ba kitang makausap sandali, Arianne?" Palabas siya nang classroom nang salubungin siya ni Brian.

"Ikaw pala, Brian. Bakit?" Ilang araw na niyang hindi nakikita si Brian. Ang huling kita nila ay noong nakita nilang magkasama si Alastair at Clarice.

"May nakapagsabi kasi sa akin na palagi kasi kayong magkasama ni Alastair nitong mga nakaraang araw." Nagiguilty siya. Mula kasi noong tinanggap niya ang inalok na pagkakaibigan ni Alastair, madalas na silang magkasama. Nawala sa isip niya ang sinabi ni Brian na layuan ito. Kinagat niya ang sariling labi.

"Brian, kasi hindi ko naman pwedeng layuan si Alastair. Alam mong hindi pwede yun, at isa pa kaibigan ko na rin siya ngayon." Aniya sa mahinang boses.

Noon, sinabi ni Brian sa kanya na layuan si Alastair. Iba kasi ito sa mga taong nakakasalamuha niya. At marahil din ay iniisip ni Brian na baka hindi sincere si Alastair sa tulad niya dahil alam nitong inosente siya at galing lang ng probinsiya.

"Arianne, di ba sinabi ko na sa iyo na iba ang taong gaya niya? Alam ko dahil madalas din naman ako sa Manila. Marami akong nakikitang tulad niya na mahilig lang maglaro at hindi sineseryoso ang mga bagay." Paliwanag pa nito.

Ganoon din naman ang pananaw niya kay Alastair nung bago pa lang niya itong makita. Na arogante lang ito at hindi marunong makihalubilo sa gaya niya. Pero nitong mga nakaraang araw, mas lalo niyang nakikilala si Alastair. Iba sa inaasahan niya. Madalas siyang kausapin at kahit pa puro pang aasar lang ang sinasabi nito ay alam niyang biro lang iyon. Bugnutin ito at minsan parang bata pero alam niyo kung kailan magseseryoso.

"Pasensya na, Brian. Pero di ko yata magagawa yung sinabi mo. Wala naman kasing ginawa si Alastair sa akin na masama para iwasan ko siya." Tanging nasabi na lamang niya. Napabuntong hininga na lang ito pagkatapos ay pumikit ng mariin.

"Kung ganoon pala hindi na kita mapipigilan. Pero ang payo ko lang, wag kang masyadong makipaglapit ka sa kanya, Arianne. Baka bigla ka nalang mahulog at hindi ka niya kayang saluhin." Pahiwatig nito.

Hindi niya masyadong maintindihan ang gusto nitong sabihin. Pero mukhang ang gusto nitong iparating ay ang posibilidad na magkagusto siya kay Alastair at kapag nangyari yun, wala itong planong saluhin ang damdamin niya.

"Hindi naman siguro mangyayari yun." Bulong niya sa sarili. Hangga't maaari, pipigilan niya. Nagulat nalang siya nang guluhin ni Brian ang buhok niya. Pagtingin niya dito ay may maliit na ngiti sa labi nito.

"Wag mo na nga masyadong isipin yung sinabi ko. Ang mabuti pa pumasok ka na sa susunod mong klase. Malapit na ang exams. Sige ka, baka mas maunahan kita sa rankings." Pagbibiro nito. Hinampas niya ang braso nito.

"Hindi mangyayari yun no! Mangarap ka!" Tumawa na rin siya. Nawala ang mabigat na atmosphere sa pagitan nila kanina.

"Sige na, aalis na ako. Baka mamaya gawin mo pa akong bola ng volleyball. Nakakatakot ka pa naman kapag nasa court." Sabi nito at umatras.

"Tse! Lumayas ka na nga." Irap niya dito pero may ngiti pa rin sa labi. Nagpaalam na dito at siya naman ay pumasok na rin sa susunod na klase.

Pagkatapos nang klase niya ngayong umaga ay bumaba si Arianne para hanapin si Alastair. Hindi niya alam kung bakit. Siguro nasanay lang siyang kasa kasama na ito. Nakita niya ito na kasama ang grupo nila Georgina. Naalala niyang maliban sa kanya ay may iba pa palang kaibigan si Alastair.

Hindi na siya nag abalang tawagin ito at nagpasya nalang na dumiretso sa canteen para kumain. Nag order siya ng lunch at pagkatapos ay naghanap na nang lamesa. Sa mga ganitong panahon, naiisip niya na nakakalungkot din pala ang walang kasama. Madalas kasi si Angela ang kasama niya pero dahil hindi sila parehas ng year level at madalas lang silang magkita kapag vacant, mag isa lang siya palagi.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon