Chapter 16

29 2 0
                                    

"Yo, tol!" Salubong ni Anton sa kanya pagdating niya sa tambayan nila sa gilid ng field. Nakipagfist bump ito sa kanya. Ganun din ang ginawa nila ni Alexis. Umupo na siya at nakinig sa pag uusap ni Alexis saka Serge.

"Gago, brad! Kung nakita mo lang kung gaano kaganda yung pinsan niya, tangina baka maunahan pa ako." Nagsitawanan sila sa sinabi ni Serge.

"Bakit, Serge? Akala ko ba kursonada mo yung cheerleader na pinakilala mo nung isang araw?" Tanong ni Anton.

"Pakipot kasi. Gusto yatang ligawan ko muna! Parehas lang sila nung chicks mo, Anton. Masyadong maarte." Sagot pa nito.

"Tsk. Iniiwasan ko na nga.Ang kulit nga kasi. Mukhang nagkaroon  ako ng ibang nanay. Bantay sarado, tol." Binato naman ni Alexis ng empty coke in can sila Anton saka Serge.

"Tangina niyo. Puro kayo babae, siguradong mapipikot kayo ng wala sa oras." Tumawa pa ito. Pati siya ay natawa na rin.

Naaalala niya yung mga barkada niya sa syudad. Parang ganito din ang usapan nila palagi. Madalas puro mga babae at ang pagkababaero nila. Matagal na rin nang huling macontact niya ang mga kabarkada, pati si Marco. Ayaw rin kasi niyang tumawag dahil baka kung anu ano pa ang itanong nito. Nakakatamad namang sumagot.

"Ganun ka din naman! Akala mo di namin alam na kausap mo si Lisa nung isang araw?"

"Isang beses lang naman 'yon. Di ko siya trip." Sagot naman ni Alexis.

"Etong si Alastair ang tanungin natin. Ano 'tol? May trip ka ba sa mga probinsyanang nandito?" Umakbay sa kanya si Anton.

"Nah, masyadong mailap ang mga probinsyana." Sagot niya. Napailing nalang siya habang nakangisi nang nakakaloko.

"Sino yung palagi mong kasa kasama 'tol?" Tanong ni Serge sa kanya.

"Si Arianne yon, Serge. Kabatch lang natin pero di mo kilala?" Si Alexis ang sumagot. Nagkibit balikat naman si Serge.

"Paano kasi puros mga sexy lang ang napapansin niyan." Nakangisi na sabi ni Anton. Nagsitawanan uli sila.

"She's my friend." Sagot niya.

"Teka, naaalala ko na!" Bigla ay napasigaw si Serge. Kumunot naman ang noo nila sa pagtataka.

"Sino?" Tanong ni Alexis.

"Si Arianne, brad! Shit. Player pala siya ng Volleyball team."

"Siraulo. Sigurado makikilala mo talaga siya. Palibhasa, nanonood ka lang ng game nila kasi nakaexpose ang mga legs ng players." Napapailing na sagot ni Alexis. Napakamot nalang nang ulo si Serge.

"Hey, guys! Nagkakatuwaan yata kayo?" Sabi nang kadarating lang na si Georgina kasama si Jamie.

"Wala. Usapang chicks lang 'to." Sagot ni Anton. Tumaas naman ang isang kilay ni Georgina.

"So, bakit niyo sinasama ni Alastair? Kung gusto niyong pagusapan ang mga babae niyo, wag niyo siyang idamay." Irap nito sa kasamahan. Nagkatinginan naman sa isa't isa sila Alexis, Serge at Anton. Habang siya ay napakamot lang nang ulo.

"Anong problema kung isali namin siya? Matinik din sa chicks tong si pareng Alastair ah! Di ba pre?" Tanong ni Serge sa kanya.

"Nasa diskarte lang kasi yan pre." Sagot nalang niya.

"Yown!" Nagsitawanan silang lahat na mga lalaki at nag appear. Umirap nalang sa kanila si Georgina. Alam niya, nagsisimula na itong maging clingy sa kanya simula nang may nangyari sa kanila. Wala naman silang malinaw ma usapan pagkatapos nun kaya dapat alam nito kung saan pupwesto.

"Tol, di ba si Arianne yun oh?" Turo ni Anton sa kaliwa nila. Oo nga. Si Arianne yun, at hindi ito mag isa. Kasama nito si Brian. Tumayo na siya.

"Sige, mga tol. Mauuna na ako. Pupuntahan ko lang saglit." Paalam niya sa kasama.

"Ge, tol. Baka maunahan ka pa." Ngising sabi sa kanya ni Alexis. Napailing nalang siya. Habang papalapit, napagmasdan niyang nagtatawanan ang dalawa.

"Hey, Ian." Mukhang nagulat naman ang mga ito sa kanya.

"Alastair? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Ian.

"Napadaan lang. Kayo? Anong ginagawa niyo?" Ngising tanong niya. Nakita naman niyang masama ang tingin ni Brian sa kanya.

"Vacant period namin kaya nandito kami." Sagot ni Brian. Tumaas ang isang kilay niya.

"Kung ganun, pwede din ba akong sumali sa inyo? Vacant ko rin eh." Walang tanong tanong na umupo siya sa gilid ni Arianne. Tinignan naman siya nito na parang nagtatanong ng "anong ginagawa mo?".

"What?Masama na bang tumabi sa kaibigan ko?" Ngising tanong niya dito. Umirap naman ito. Tumikhim naman si Brian na mukhang na out of place.

"Pasensiya na, tol. May pinag uusapan kami ni Arianne kaya pwede mamaya ka na makipagusap sa kanya?" Asar na sabi nito.

"Kung ano mang pag uusapan niyo, pwede niyo namang pag usapan habang nandito ako. Wala naman sigurong kaso kasi kaibigan ko rin si Ian. " Inemphasize niya talaga ang salitang kaibigan. Siniko naman siya ni Arianne.

"Tumahimik ka nga diyan, Alastair. Saka wag kang istorbo."

"Hindi naman ako mang iistorbo sa inyo eh. Saka bakit kayong dalawa lang? Nasaan ang syota mo tol?" Pang aasar niya pa kay Brian. Pinanlakihan naman siya nang mata ni Ian.

"Isa, Alastair. Tumahimik ka o ipapakain ko sa'yo tong notebook ko." Warning ni Ian sa kanya.

"I'm just asking! May masama ba doon?" Inosenteng tanong niya. Badtrip na badtrip naman yung gagong Brian. Tumayo nalang ito kaya nagtaka si Ian.

"O, saan ka pupunta, Brian?" Takang tanong ni Ian.

"Mamaya nalang natin pag usapan yon, Arianne. Tayo na, ihahatid na kita sa huling klase mo." Tumayo na rin siya.

"Teka, tol. Ako na ang maghahatid kay Ian. Magkaklase kami kaya ako na ang bahala sa kanya." Sabat niya pa. Seryosong tinignan siya ni Brian pagkatapos ay bumaling ito  Ian.

"Ok lang ba sa'yo na ihatid ka niya, Arianne?" Tanong nito.

"Ha?" Tumingin sa kanya si Ian. Tumaas ang isang kilay niya.

"Bakit? Hindi na pala kita pwedeng ihatid ngayon? Akala ko ba kaibigan din kita?" Tanong niya. Bumuntong hininga lang ito at umirap.

"Tara na nga! Ok lang na magsabay kami, Brian. Tutal magkaklase din kami sa last  subject." Sagot nalang nito.

"Sige. Kung ganoon mag iingat ka. Mauuna na rin ako. May dadaanan pa ako." Wala nang nagawa si Brian. Nagpaalam na rin nito pagkatapos ay tumalikod na. Pati si Ian ay walang sabi sabing naglakad palayo sa kanya. Kaya naman ay mabilis niyang sinundan ito.

"Hey, hintayin mo naman ako." Sumabay siya dito.  Nakita niyang halos hindi na maipinta ang mukha nito sa sobrang asar. Napangisi na naman siya. Tahimik pa rin ito.

"Are you mad?" Tanong uli niya. No reaction.

"Wow. May mas ikakatakot pa pala yang mukha mo?" Pang aasar niya uli. Huminto naman at pinanlisikan siya nang mata.

"Wag mo nga akong sundan! Lumayas ka sa harap ko bago pa magdilim ang paningin ko at masipa kita!" Singhal nito sa kanya.

"Whoah! Relax lang. Saka di ba sabi ko ihahatid na kita?"

"Tigilan mo ko! Akala mo hindi ko napapansin na inaasar mo si Brian? Wala namang ginagawa sa yo yung tao ah!"

"Anong inaasar? Hindi kaya. Masama bang magvolunteer na ihatid ka kung magkaibigan naman tayo?" Ngising sagot niya. Inirapan na naman siya nito pagkatapos ay iniwan. Nagkibit balikat nalang siya.




-lj


To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon