Chapter 5

34 4 0
                                    

Nakayakap pa rin si Jezel sa braso ni Alastair habang siya ay nakatayo lamang sa malayo at tinitignan ang dalawa. Tila sanay naman ang lalaki na pinupulutan ng babae. Nakasuot ng maiksing short si Jezel at isang spaghetti strap fitted sando. Kitang kita ang hubog ng katawan at ang makinis na hita nito.

"Saan kayo galing?" Narinig niyang tanong ni Jezel kay Alastair.

"Namasyal lang." Sagot naman nito.

"Talaga? Dapat sinama mo ako. Dadalhin kita sa mga magagandang lugar dito. "

"No need. Besides, sa loob lang naman kami ng rancho."Tinignan siya ni Jezel at tinaasan ng kilay.

" Ikaw ang kasama niya?" Tanong nito. Halatang hindi nagustuhan ang ideya na yon.

"Inutusan ako ni Don Andrew kaya ko siya inilibot."

"Pwede namang ako nalang. Alam ko rin naman ang pasikot sikot sa lugar. Bakit ikaw pa? Hmp." At humigpit ang kapit nito kay Alastair na tila ahas habang nakatingin sa kanya.

"Edi sa susunod ikaw na. Akala mo gusto ko?" Mahinang bulong niya.

"Anong sabi mo?!"

"Wala. Ang sabi ko mabuti pa ay pumasok na kayo at mukhang pagod yang Señorito mo. "

"Hey, will you two stop that? Mabuti pa pumasok na tayo.  Tama si Ian, pagod ako at gusto ko ng magpahinga." Awat ng kumag. At mukhang gusto pa atang magprotesta ni Jezel sa intinawag sa kanya ni Alastair. Pero nagsimula na itong maglalakad kaya sumama na ito.

"Tara! Gusto mo masahiin kita?" Sabi ni Jezel habang papasok ang dalawa. Napailing na lang siya. Habang sumusunod sa dalawa. Pumanhik na ang mga ito sa second floor at siya naman ay umupo sa sofa. Doon siya naabutan ni Don Andrew.

"Arianne, nakabalik na pala kayo? Nasaan si Niko?" Tanong nito.

"Umakyat na po sila doon sa kwarto. Magpapahinga po sigurado dahil masyadong napagod sa byahe." Sagot niya.

"Sila?" Tila naguguluhan ito.

"Kasama po si Jezel." Napailing lang ito.

"Ang batang yun talaga. Kahit dito ay puro kalokohan. Ang mabuti pa, bantayan mo siya Arianne. Hindi ko masusubaybayan ang batang yun dahil masyadong busy ngayon sa negosyo at papatapos na ng buwan. "

"Nandoon naman po si Jezel. Mukhang gusto niya ring bantayan si Señorito."

"You know, napakachickboy ng batang yun sa syudad. Kaya pinadala ng kanyang ama dito ay para magtino. At alam kong ikaw lang ang magkakapagpatino dun." Paliwanag nito.

"Baka hindi naman po siya pumayag, Don." Palusot niya pa.

"Alam kong kaya mo yan. I believe in you, ok? Don't fail me. " Wala na siyang nagawa uli kundi ang pumayag nalang.

Kinabukasan ay agad niyang namataan si Alastair na nagkakape sa balcony ng second floor. Nakaroba lang ito at hindi niya maisip kung may damit ba ito sa loob.

Nagawi sa kanyang banda ang mata nito kaya dali dali siyang nag iwas ng tingin at pinagpatuloy ang pagpapakain kay Gemini. Pagkatapos ng ginagawa niya ay balak niyang pumunta sa bayan ngayong araw. Nang matapos sa ginagawa ay umakyat na siya sa loob at pumunta sa kwarto para magbihis.

Nakasalubong niya pa sa daan si Jezel. Saka lang niya naalala na magkasama pala ang dalawa kagabi.

"Nakita mo ba si Alastair?" Tanong nito.

"Nandoon sa second floor." Turo niya.

"Ok." Yun lang at tumuloy na ito. Aalis na rin sana siya ng hindi niya mapigilan na magtanong dito.

"Magkasama ba kayo ng buong gabi?" Tumaas naman ang isang kilay nito.

"Oo. Bakit? May problema ka ba dun?" Mataray na sagot nito.

"Wala naman. Buti hindi ka hinanap ng nanay mo sa inyo?"

"Wala ka na doon. At isa pa, wag ka ngang makealam!" Iniwan na siya ni Jezel. Grabe. Hindi siya makapaniwala na kakarating pa lang ni Alastair ay nakabingwit na agad ito ng babae. Maganda naman si Jezel. Yun nga lang, halos patusin na niya ang karamihan sa kalalakihan na kaedad namin dito sa lugar.

Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya at dumiretso sa pinto ngunit bago makalabas ay narinig niya ang kinaiinisan niyang boses ngayon.

"Where are you going?" Tanong nito.

"Sa sentro." Sagot niya habang papunta sa jeep.

"Anong gagawin mo doon?" Nakasunod din ito.

"Mamimili."

"Anong bibilhin mo?" Binuksan na niya ang pinto ng jeep.

"Mga supplies."

"May mall ba dito?" Sa sobrang inis ay sinarado niya uli ang pinto at hinarap ang makulit na lalaking nakasunod sa kanya.

"Mall? Baka nakakalimutan mo Señorito na nasa probinsiya po tayo? Walang mall dito kaya tumigil ka na sa kakatanong pwede ba?"

"Kaya nga nagtatanong diba? Geez. Ang sungit mo talaga." Napairap nalang siya.

"Tapos na po ba kayong magtanong? Kasi aalis na po ako at marami pa akong gagawin."

"Pwedeng sumama?" Hirit nito.

"Hindi!"

"Why not? Ang alam ko sabi ni Uncle ay ikaw ang naatasan na magbantay sa akin. Kaya kung saan ka pupunta ay sasama ako!" Kinalma niya ang sarili at huminga ng malalim. Saka ngumiti kay Alastair. Natigilan naman ito at tila nawirduhan sa kanya. 

"Kung ganoon ay sumakay ka na Señorito para makaalis na tayo." At sumakay na siya sa loob. Sumakay na rin ito sa kabila.

"Saan ba tayo pupunta, Ian?" Naninibago talaga siya sa tawag nito sa kanya.

"Sa sentro lang. May inuutos si Don Andrew. " Tahimik lang silang dalawa ng napadaan sa may soccer field. May mga naglalarong kabataan ngayon doon.

"Wow, I can't believe na alam niyo pala ang ganyang sports?" Tila namamangha ito. Tumawa naman sya.

"Anong akala mo sa amin, alien? Syempre naman! Porke't taga probinsya kami hindi ibig sabihin ay hindi namin alam ang soccer." Sagot niya.

"That's not what I meant!" Namula naman ito.

"Eh ano pala?" Tumawa siya.

"Well, dati kasi wala pang ganyan noong pumunta ako dito."

"Ang tagal na kaya noong huling punta mo dito kaya natural na hindi pa talaga uso yan."

"Paano mo naman nalaman na matagal na pala noong huli kong punta dito? Are you stalking me?" At tumawa ito. Siya naman ngayon ang namula.

"Hindi kaya! Narinig ko lang kay Don Andrew. "

"Whatever you say, Ian. Whatever you say." Sakto naman na huminto sila sa sentro kung saan makakabili ng inutos ni Don Andrew.

"Tara na nga kung ayaw mong maiwan! " Dali dali siyang lumabas sa jeep. Narinig naman niya ang tawa nito.

"Stalker!" Sigaw pa nito. Bwisit talaga!

-lj

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon