Chapter 11

35 2 1
                                    

It's been five days since the class started and Alastair is still freaking bored. Nasanay siya na gumala pagkatapos ng klase nila noong nag aaral pa siya sa Manila. How he wish he can go back to his old lifestyle.

Kasalukuyan siyang nakaupo at nakikinig sa professor niyang panot na nagtuturo ng Law of Taxation.
Napahikab siya sa sobrang antok. Liningon niya ang taong nakaupo sa harap niya. Seryoso ito at matamang nakikinig sa tinuturo ng guro nila.

Matapos ang dalawang oras na hindi pakikinig sa lesson ay tumunog na ang bell, senyales na tapos na ang klase. Dinismiss na sila ng guro at isa isa na ring nagsilabasan ang mga classmates nila.

" Let's go, Ian. I'm so bored, gusto ko nang umuwi." Kinuha niya ang bagpack at tumayo na rin.

"Hindi pa ako uuwi, Alastair. May club meeting kami kaya kailangan kong umattend." Sagot nito.

"Edi sino ang maghahatid sa akin pauwi?" Napasimangot siya. Nakakatamad magdrive pauwi kaya si Ian ang ginagawa niyang driver.

"Tinawagan ko na si Kuya Dencio. Susunduin ka niya dito kaya ang mabuti pa ay maghintay ka nalang doon malapit sa gate. " Inaayos na rin nito ang mga gamit at inisa isang ipasok sa bag.

"What kind of club is that? Meron pala dito, how come I didn't know?"

"Kasali ako sa Women's Volleyball club. Next week pa ang recruitment para sa mga gustong sumali sa iba't ibang club. Magmemeeting kami ngayon para pag usapan yon." Paliwanag nito.

"You belong to the Volleyball club? No wonder para kang amazona kumilos." Pang iinis niya. Napasimangot ito at namula sa sobrang inis kaya hindi niya na napigilang tumawa. She actually looks cute lalo na kapag namumula.

"Tigilan mo ko Alastair. Alam mo naman palang kasali ako Volleyball, baka gusto mong hampasin ko yang mukha mo. " Mas lalong hindi niya napigilan ang humalakhak. Sasagot pa sana siya nung marinig niyang may tumatawag kay Ian.

" Arianne, pupunta ka na ba sa gym? Sabay na tayo. Doon din kasi gaganapin yung meeting namin." Sabat ng isang lalaki. Pamilyar sa kanya ang mukha nito. Hindi lang niya matandaan kung saan niya nakita.

"Sige, Brian. Mabuti pa sabay na tayo." Sagot naman ni Ian at nagsimula na silang maglakad palabas sa classroom. Brian? Seems familiar. Saka niya naalala yung lalaki na kausap ni Ian sa falls. Siya yun!

"Wait! Bakit kayo magsasabay? You belong to the Girls Volleyball Club, too?" Maang na tanong niya kay Brian. Tumawa naman ang dalawa.

"Hindi, tol. Sa Basketball Club ako. Parehong sports club ang sinalihan namin kaya sinabay nalang ang meeting." Sagot nito na natatawa pa rin. Bumaling siya kay Ian na natatawa rin.

"Akala ko ba ihahatid mo ako sa gate?"

"Hindi na. Alam mo na naman siguro ang papunta doon di ba?" Sagot nito.

"Oo nga, tol. Nagmamadali kami kaya ikaw nalang mag isa ang pumunta doon. Wag mo nang istorbohin si Arianne kung pwede lang. Marami pa kaming gagawin kaya aalis na kami."  Nauna nang maglakad ang dalawa at iniwan siya. Nag igting ang panga niya. Naiinis siya sa pagsabat nito. Sino ba ito sa akala niya? Wala pang gumagawa sa kanya nang ganoon.

Hanggang nakarating nalang siya sa gate ay nagpupuyos pa rin siya sa galit.

"Señorito? Ok lang po ba kayo?" Tanong ni Kuya Dencio sa kanya. Binuksan nito ang pinto sa backseat para makapasok na siya.

"I'm fine. Pagod lang." Sagot nalang niya. Badtrip siya hanggang makauwi sa mansyon. Iniisip niya kung paano makaganti sa Brian na yun. Mukha talagang close ang dalawa. Magkababata ito, yun ang naaalalang sinabi sa kanya ni Ian. Napaismid siya. Maghahanap siya ng paraan para makaganti sa gagong yun.




To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon