Chapter 12

49 3 2
                                    

Monday. Busy ang lahat sa hindi malamang kadahilanan. Yun ang napansin ni Alastair nang umagang iyon. Pati si Ian ay mukhang busy din dahil nagmamadali ito kanina pagdating nila sa eskwelahan. Isa pa yun. Ni hindi nga niya ito nakita buong weekend sa mansyon. Wala siyang ideya kung saan ba ito pumunta. Ano kayang pinagkakaabalahan ng babaeng yon? Hindi man lang ito nagsabi sa kanya.

Pumasok na lang siya sa una niyang klase. Nandoon na ang iba sa mga kaklase niya at busy ang iba sa kakadaldal ng kung ano mang topic ang pinag uusapan. Maaga pa naman kaya wala pa ang kanilang professor.

Umupo na siya sa kanyang upuan. Kinuha niya ang kanyang libro sa Finance hindi para mag aral kundi gawin ang assignment na nakalimutan niyang gawin sa bahay. Ngayon lang niya naalala. Napangisi siya. Buti nga naalala niya pa bago magsimula ang klase! Sabihin niyo nang tamad siyang estudyante, wala siyang pakialam. Ang mahalaga, makapasa siya.

"Alastair, hi!" Bati ng classmate niyang babae pagkadaan sa pwesto niya. Ngumiti lang siya dito.

"Good morning, Alastair!" Sabi naman ng isa pa niyang babaeng classmate din. Ngumiti din siya dito kaya naman ay namula ito at halos mapatili sa sobrang kilig. Napailing siya sabay ngisi. Pinagpatuloy na lamang niya ang paggawa sa assignment.

"Ah, Alastair? Gumagawa ka ba ng assignment sa Finance? Gusto mong tulungan kita?" Napatingala siya sa nagsalitang babae. Hindi niya natatandaan na classmate niya ito sa subject.

"Uhm, hindi tayo classmates pero parehas tayo ng prof. Pinuntahan ko lang kasi yung kaibigan ko dito tapos nakita kitang gumagawa niyan." Sagot nito dahil nahalata sigurong nalilito siya kung sino ito.

"Thanks sa offer, but I think I can manage.."

" Kyrie Isabella Asuncion. Kyla nalang ang itawag mo sa akin." Ngumiti pa ito.

"Sure. Thanks sa offer, Kyla. Maybe next time?"

"Sige! No problem." Ngumiti uli ito saka lumabas na sa classroom. Pinagpatuloy niya ang ginagawa. Mabuti nalang ay natapos na ang assignment niya bago dumating ang Prof nila.


Lunchtime na at mag isa siyang papunta sa canteen. Hindi masyadong busy sa corridors. Mangilan ngilan lang ang nakikita niyang nakatambay sa labas. Nagtataka siya kung saan ba pumunta ang mga tao. Kahit ang grupo nila Georgina ay hindi rin niya nakita. Habang naglalakad ay namataan niya yung babaeng kausap niya kanina. Ito yung nag offer na tulungan siya sa paggawa ng kanyang assignment. Nakatayo ito sa bulletin board at parang may tinitignan.

"Kyla." Tawag niya dito. Lumingon naman ito sa kanya sabay ngiti. Wala yatang problema ang babaeng 'to. Lagi nalang nakangiti kapag kausap siya.

"Ikaw pala, Alastair. May kailangan ka?" Tanong nito.

"Wala naman. Napadaan lang ako dito. Pupunta akong canteen. Anong meron?" Napalingon siya sa bulletin board na kanina pa nito tinitignan. May mga nakadikit doon na iba't ibang announcement.

"Naglalagay kasi ako ng announcement para sa mga gustong sumali sa Math geek club. " Sabi nito sabay pin ng papel na may nakaprint na kung ano. Napakunot ang kanyang noo. Nung huling mag usap sila ni Ian ay sinabi nito na may meeting para sa sports club. Mukhang ang mga recruitment at try outs para sa iba't ibang club ang dahilan kung bakit busy ang lahat kaninang umaga hanggang ngayon.

"May sasalihan ka na ba?" Tanong sa kanya ni Kyla. Napaisip siya. Parang nakakatamad sumali.

"Required ba lahat ng estudyante na sumali sa club?"

"Hindi naman. Pero malaki kasi ang points na madadagdag sa grades mo kapag sumali ka sa mga club." Paliwanag naman nito.

"Pag iisipan ko pa siguro kung saan ako sasali. Kailan ba ang araw ng recruitments?"

"Sa Wednesday pa naman. Walang klase sa araw na iyan  dahil busy ang lahat pati ang mga teachers. Binibigyan talaga nila ng konsiderasyon ang mga estudyante para makasali sa kung anong club ang gusto nila." 

"Ah. Ok. May oras pa pala ako para mag isip. Sige, mauna na ako." Sa totoo lang, wala siyang planong sumali. Aksaya sa oras.  Nagpaalam na sya kay Kyla. Tumango ito at nagpaalam din na may pupuntahan. 

Nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa nakakarating sa canteen ay may namataan siyang dalawang taong masayang nagkekwentuhan habang naglalakad sa field. Si Ian at yung gagong Brian. Napasimangot siya. Naalala niya ang ginawa ng lalaking yun noong nakaraang biyernes. Balak niyang gantihan ito pero hindi pa siya makaisip ng magandang paraan. Mukhang papunta ang dalawa sa gym. Habang sinusundan ng tingin ay nakaisip na siya ng bagong ideya kung paano makaganti! Napangisi siya sa naisip.


Nakaupo si Alastair sa sala ng mansyon habang binubuklat buklat ang magazine na nagsisilbing props niya. Bumukas ang double doors ng mansyon at pumasok ang kanina pa niyang hinihintay na tao.

"Good evening, Ian. Ginabi ka yata." Bati niya dito. Tinignan lamang siya ni Ian na para siyang tinubuan ng pangalawang ulo. Nakakunot ang noo nito na tila nagtataka sa kanya. Tumikhim siya.

"Magandang gabi din. Busy ako sa club kaya ginabi ako." Dire diretso ito papunta sa second floor at hindi siya liningon. Napamaang nalang siya sa ginawa nito. Ang lakas ng loob ng babaeng to na talikuran lang siya. Sinundan niya ito.

"Nakita kita kanina. Kasama mo si Brian." Sabi niya habang umaakyat sila sa second floor.

"Syempre. Volleyball club ako, siya naman ay Basketball club. Sports club ang sinalihan namin kaya madalas ay nagkikita kami." Sagot nito kahit nakatalikod sa kanya at naglalakad pa rin.

"Kailangan talaga na palagi kayong magkasama?" Huminto na ito at lumingon sa kanya. Saka palang niya napagtanto na nasa harap na sila ng kwarto nito.

"Ano bang pakialam mo? Kaibigan ko si Brian kaya walang masama na magkasama kami at mag usap." Sagot nito at nameywang. Nakataas na rin ang isang kilay habang nakatingin sa kanya.

"Tss. Why are you even friends with that shit face?" Parang naiinis naman ito sa sinabi niya.

"Why do you even care?! Pwede ba Alastair, pagod ako ngayon kaya wag mong painitin ang ulo ko. Baka mapagkamalan kong bola ng volleyball yang mukha mo at masupalpal ko pa." Pumasok na ito sa kwarto.

"I'm just asking. Hindi kayo bagay ng gagong yun kaya hiwalayan mo na." Wala sa loob niyang nasabi.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Kaibigan ko lang si Brian! Napakadumi talaga ng isip mo. Diyan ka na nga!" Saka malakas nitong sinarado sa mukha niya ang pinto. Shit. Nagulat siya doon. Napakaamazona talaga ng babaeng to! At ano yung sinabi nito? Magkaibigan lang sila nung Brian? Ha! Maaaring kaibigan lang ang turing niya dito, pero sigurado akong higit pa doon ang turing ng Brian na yon. Alam niya dahil lalaki din siya. Nararamdaman niya iyon at iyon ang gagamitin niyang paraan para makaganti.




-lj




To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon