Chapter 3

52 5 2
                                    

Nakatanaw siya sa malawak na lupain ng rancho habang nakasakay sa likod ng kabayo niya. Ang lamig ng simoy ng hangin at napakapresko talaga sa kanilang lugar.

" Arianne, nabalitaan mo na ba na dumating yung pamangkin ni Don Andrew?" Tanong ni Angela. Ang kababata niya na anak ng isang magsasaka sa rancho. Tumaas ang kilay niya. Bumaba siya sa kabayo at itinali ito sa malapit na puno.

Biglaan naman yata ang pagdating nito.Hindi  pa niya nakikilala ng personal ang pamangkin ni Don Andrew. Naririnig lamang niya sa Don at sa kanyang ama ang balita tungkol sa lalaki ngunit hindi siya interesado. Matagal na daw kasi noong huling bumisita ito sa lugar nila kaya naman kaonti lang ang nakakakilala dito. Hinarap niya si Angela.

"Hindi ko alam at wala akong pakialam." Sagot niya.

"Ito naman ang taray! Pero alam mo ba na sabi ni Jezel ay ang napakagwapo daw nung lalaki! Hay naku, siguradong lalandiin na naman ni Jezel yun."

"Talaga lang ha? Si Jezel pa mismo ang nagsabi? Eh halos lahat yata ng lalaki ay gwapo sa paningin niya." Sagot uli niya.

"Oo. Kung makapagkwento nga akala mo naman aangkinin na niya." Napailing pa ito.

"Alam mo namang walang pinapatos yang si Jezel. Halos naging kasintahan na yata niya lahat ng binata dito sa Ildefonso. Wala naman sigurong pagkakaiba yun." 

"Maswerte naman kasi yung babaitang yun! Kung bakit kasi pwedeng pwede siyang lumaboy sa mansyon. Pasalamat siya at doon naging katulong ang nanay niya.  Siguradong palagi niyang masisilayan yung pamangkin ni Don Andrew. Pero may isa pang mas maswerte na makakasilay sa kagwapuhan nun. Alam mo kung sino?" At ngumiti pa ito na animo'y may kakaibang naiisip.

"Sino?"

"Edi ikaw! Sino pa ba?" At pinaikot ang mata. Oo nga pala. Sa mansyon din siya nakatira. Ang ama niya kasi ay ang katulong ni Don Andrew sa pagpapatakbo sa rancho. Kaya naman doon na sila pinatira dahil malaki naman ang mansyon at para na rin mas madaling magawa ang mga tungkulin ng kanyang ama.

"Maswerte? Saan banda ako naging maswerte? Sa hula ko ay mayabang ang lalaking iyon dahil laking syudad. At ang yun ang pinakaayaw ko sa lahat." Totoo naman. Kahit kailan ay hindi niya pinangarap na makatuntong ng Maynila. Masaya siya sa lugar na kinagisnan niya at hindi na niya naiinisan na umalis dito.

"Grabe ka. Hindi naman siguro lahat ng lalaki na galing Maynila ay ganoon. At saka malay mo matipuhan mo siya. Madalas kayong magkikita kasi nasa mansyon siya." At bumungisngis ito.

"Imposible. Kahit kailan ay hindi ko matitipuhan ang mga ganong klase ng lalaki. At isa pa, wala akong panahon sa mga ganyang bagay."

"Hindi natin masasabi yan. Kung pwede nga lang na tumambay din sa mansyon ay baka araw araw kong masilayan ang kagwapuhan ng pamangkin ng Don. Ang saya saya siguro nun. Nakakainggit ka talaga!" Napanguso pa ito.

"Ewan ko sa'yo. Ang mabuti pa ay ihatid na natin iyang mga bagong pitas na kamatis sa mansyon. Di ba kanina pa yan hinihingi ng mga kusinera? Sasamahan na kita papunta doon."

"Oo nga pala! Tara na, baka makita natin yung pamangkin ng Don." Napailing nalang siya. Kinuha niya mula sa pagkakatali ang kanyang kabayo ngunit hindi sinakyan. Sinabayan na lamang niya si Angela papunta sa mansyon. Pagdating sa mansyon at dumiretso sila sa kusina.

"Naku at mabuti naman dumating na kayo. Kanina ko pa kailangan itong kamatis." Sabi ni Manang Telma.

"Mukhang napakabusy niyo po ah." Pansin niya na napakaraming putaheng niluluto ngayon.

"Alam mo naman, dumating na yung pamangkin ng Don Andrew. Gusto ni Don na magpahanda ng marami bilang selebrasyon. " sagot nito.

"Ay, andyan po ba siya? Pwedeng makita?" Singit naman ng nakabungisngis na si Angela.

"Natutulog pa yata sa taas. Mukhang napagod sa byahe kanina. Sige, maiwan ko muna kayo at kailangan ko pang tapusin ang niluluto ko." Bumalik na ito sa ginagawa.

"Sayang naman! Pero baka mamaya ay masilayan natin di ba? Inimbita kasi ni Don si tatay para sa kainan mamaya. Sigurado makikita na natin siya!" Sabay tili ng mahina. 

"Bahala ka na nga diyan. Pupunta lang ako sa kwarto at maliligo." Yun lang at iniwan na niya ito.



Maingay ang likod ng mansyon kung saan ginaganap ngayon ang munting salo salo. May mga palamuti at mga iba't ibang kulay ng dekorasyon at ilaw ang nakapalibot na nagbibigay ganda sa kapaligiran.

Nakaupo si Arianne sa lamesa na nasa malayong bahagi katabi si Angela at ang pamilya nito. Nagkakasiyahan na din ang mga tao. Minsan lamang ang ganitong okasyon kaya naman ay sinusulit na nila.

"Nakita mo ba si Jezel? Naku, sigurado ako na kasama niya yung pamangkin ni Don Andrew. " Sabi ni Angela habang sinusubo ang kapirasong ulam.

"Hindi ko alam. At bahala sila kung anong gawin nila." Sagot niya. Tama nga si Angela. Kahit siya ay nagtataka rin dahil kanina niya pang hindi nakikita si Jezel. Mahilig ang babaeng yun sa mga ganitong okasyon kaya kataka taka na wala pa ito ngayon.

Tumahimik ang lahat ng lumabas si Don Andrew at magsalita sa harap.

"Good evening! Alam niyo naman siguro na nagdaos ako ng munting salo salo ngayon para ipakilala ang nag iisa kong pamangkin ngayon.  Niko, halika ka dito sa harap." Kasabay noon ay ang paglabas ng lalaking matangkad. Napasinghap si Angela sa kanyang tabi. Maging siya ay natigilan.

Gwapo nga ang pamangkin ng Don. Hindi iyon mapagkakaila. Halata ang dugong banyaga sa kulay at kutis nitong napakakinis. Iba rin ang kulay ng buhok nitong may pagkakulay na halong blonde at itim.

"Hi, Good evening. I'm Alastair Nikolai Britt, Uncle Andrew's nephew. Nice to meet you all." Bati nito sa baritong boses.

" Ang gwapo niya, Arianne! Totoo nga yung sinabi nila." Mangisay ngisay naman ito ngayon. Tahimik lang siya. Maya maya pa ay pumasok na ito sa loob at nakita niya na lumapit si Jezel sa Alastair na iyon at yumakap sa braso!

"Sabi na eh! Tignan mo, ang landi talaga ng babaeng yun. Lahat yata ng gwapo papatusin. Pati ang pamangkin ng Don hindi pinalagpas. "

"Hayaan mo na nga. Alam mo namang wala namang sineseryoso ang Jezel na iyan. "

"Alam mo, sa tingin ko mas bagay kayo ni Alastair." Tumawa ito at kuminang ang mga mata.

"Tumahimik ka nga diyan. Kita mo ng magkasama na yung dalawa at kahit kailan ay hindi ko magugustuhan yun."  Sagot niya.

"Selos ka na niyan?" Panggagatong pa nito.

"Hindi kaya! Bahala ka na diyan at kakain nalang ako." Pinagdiskitahan na lamang niya ang pobreng pagkain at tuloy tuloy na sumubo. Ano naman ngayon kung magkasama si Jezel at ang lalaking yun? Edi magsama sila. Pero may mumunting tinig na nagsasabi sa isip niya na sana ay siya ang kasama nito.

-lj

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon