Chapter 9

37 2 2
                                    

Naghihintay si Arianne sa sala ng mansyon. Ngayon ang simula ng unang araw nila sa Colegio Buenvido bilang third year college. Naatasan din siyang ihatid si Alastair dahil hindi pa nito kabisado ang pasikot sikot sa buong lugar. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto at inip na inip na siya kakahintay.

Alam niyang ok lang na malate kasi kakasimula pa lang at yung ibang prof ay hindi naman pumapasok sa unang araw ng klase. Ang kinaiinisan lang niya ay ang sobrang tagal na paghihintay sa lalaking yun! Kanina pa siya dito at lumipas na ang isang oras ay hindi pa rin bumababa ang damuho. Dumaan si Manang Celia  sa harap niya. Galing ito sa second floor kaya baka alam nito kung nasaan na ba ang Señorito nila.

"Manang Celia, si Alastair po?"

"Nasa kwarto pa yata niya hija. Hindi mo ba tinawag?" Nagtataka ito.

"Alam naman po niya na magkasama kaming papasok ngayong araw." Yun kasi ang napagkasunduan nila ni Don Andrew kagabi. Ang sabi rin nito ay nasabihan na rin si Alastair kaya paniguradong alam na nito kung anong plano.

"Ang mabuti pa ay puntahan mo na sa kwarto niya, hija. Hala sige, lalabas muna ako at may inutos sa akin." Umalis na rin si Manang Celia pagkatapos.

Siya naman ay nagdadalawang isip kung aakyat ba o hindi. Hindi pa siya nakakalapit kahit sa pinto man lang ng kwarto nito. Pero ayaw na niyang maghintay pa ng matagal dahil kanina pa niya ginagawa yun at nababanas na siya. Maikli talaga ang pasensiya niya kaya himalang nakapaghintay siya ng ganitong katagal. Importante para sa kanya ang oras. Kaya umakyat na siya at dumiretso sa pinto ng kwarto nito sa pinakadulo.

Kumatok siya ng tatlong beses pero walang sumagot. Kumatok pa uli siya ngayon naman ay mas malakas.

"Ano ba, buksan mo ito bwisit ka. Kanina pa ako nauubusan ng pasensiya sa'yo." Bulong niya sa sarili.

Kakatok pa uli siya ng biglang bumukas ang pinto at sumalubong ang kunot noong Señorito nila. Tila naistorbo sa kung ano mang ginagawa.

"Ano bang kailangan mo?!" Naiinis na wika nito. Ito pa ang may ganang mainis samantalang kanina pa siya naghihintay sa baba. Ang kapal ng mukha!

"Alastair, baka nakakalimutan mo na aalis na tayo ngayon papunta sa eskwelahan. Kanina pa ako naghihintay sa'yo. Bakit ba ang tagal mo?" Kalmado niyang tanong.

"Shit?! Ngayon na yun? Nakalimutan ko." Nagulat pa ito. Saka palang niya nakita na nakapangbahay nga ang damuho! Naghintay siya ng matagal pagkatapos hindi pa pala nito alam na aalis sila?!

"Hindi ba sinabihan ka na ni Don Andrew na ngayon ang unang klase?! Hindi ka pwedeng umabsent kasi bago ka palang. At para makilala mo yung ibang classmates mo."

"Shit, yeah. Nakalimutan nga diba? Maghintay ka sandali. Maliligo muna ako." Madali itong tumalikod para pumasok sa banyo. Naiwan siyang nasa labas ng nakabukas na pinto.

Nasilayan niya ang loob ng kwarto nito. Malaki kumpara sa ibang kwarto dito sa mansyon. Pinaghalong kulay gray, red at black ang kulay ng kwarto nito. Halatang lalaki talaga ang may ari. Maliban sa malaking kama, may sofa din at malaking flatscreen t.v. May study table na may nakapatong na Laptop. Bukas iyon at mukhang iyon ang pinagkakaabalahan ni Alastair. Sinarado na niya ang pinto at nagpasyang sa sala sa baba nalang maghihintay.  Baka kung ano pang datnan niya kapag lumabas ito sa banyo. Namula siya sa naisip.



Pagtapak nila sa school grounds ng eskwelahan, ilang pares agad ng mata ang tumutok sa direksyon nila. May mga bulung bulongan din ang kanyang naririnig at hindi niya ipagkakailang hindi siya sanay sa ganito. Pero ang katabi niya na siyang salarin sa lahat ng atensyong nakukuha nila, eto at pasipol sipol lang habang naglalakad sila. Di man lang alintana ang mga mata ng nakatutok sa kanila.

"Anong una mong schedule sa klase?" Tanong niya dito. Sinilip nito ang class sched na kinuha sa bulsa ng bag.

"Hmmm, finance? What the hell? Umagang umaga mga numbers agad ang haharapin ko? Great!" Napasimangot pa ito.

"Kung ganun ihahatid na kita sa classroom mo." Sabay na silang naglakad sa paakyat sa second floor ng building.

"Hindi tayo classmates?"

"Magkaiba ang sched natin. Nauna akong magpaenroll sa'yo." Pero hindi rin niya sigurado kung may subject ba na magkapareho sila ng schedule. Malapit na sila sa classroom nito. Marami din ang mga estudyante dito at pinagtitinginan pa rin sila. Nang nasa labas na sila sa pinto ng classroom nito ay aalis na sana siya pero may utos pa ito.

"Fetch me later. I don't know anyone in this school."

"Sige na. Mamaya pa naman matatapos ang klase." Pumihit na siya patalikod dito at pumunta sa classroom niya. Pagdating sa loob, naabutan niya ang magugulo at maiingay na kaklase. Magkakakilala na sila dito kaya naman komportable na silang makihalubilo sa isa't isa.

Umupo siya sa gitnang bahagi ng classroom dahil okupado na ng mga lalaki ang bandang likod. Pagkaupo ay nilapitan siya ni Brian. Hindi niya napansin na kasama pala ito sa grupong nasa likod.

"Arianne! Kumusta na? Buti naman classmates pa rin tayo." Sabi nito sabay ngiti. Lumabas tuloy ang dimples nito sa magkabilang pisngi na mas lalong nagpagwapo dito.

Si Brian Lim ay isang half Chinese, half Filipino na kababata niya. Elementary pa lang ay magclassmates na sila hanggang ngayong college. Mayaman at may sinabi din ang pamilya nito dito sa Ildefonso at sa Manila dahil may mga business din sila. Pero  mas pinili nitong dito magaral sa Ildefonso.

Sikat din ito sa buong Colegio Buenvido. Matangkad ito kaya kasama sa basketball team. Maliban pa dun ay talaga namang may itsura kaya isa ito sa mga kinahuhumalingan ng mga babae. Kumbaga "heartthrob" daw ito. Ganun din ang mga kagrupo nito. May mga itsura din kaya sikat.

"Oo. Maliban siguro dito sa first subject ay baka meron pang ibang subjects na magkaklase tayo." Ngumiti siya dito. Napaawang naman ang labi nito habang nakatingin sa kanya. Magsasalita pa sana ito ng narinig nila ang boses ng isang babae.

"Brian! Andito ka lang pala. Sabi ko sa'yo hintayin mo ko sa labas. " Yumakap sa braso ni Brian si Clarice, ang girlfriend nito.

"Sinabi ko naman sa'yo na dito na tayo magkita. At saka bakit ka pumasok? Dapat magpahinga ka muna dahil kakagaling mo lang sa sakit."

"Kasi naman, I miss you. Hindi mo ako dinalaw kahapon kaya pumasok tuloy ako. " Ngumuso pa ito. Maganda talaga si Clarice. Maputi at matangkad kaya bagay na bagay sila ni Brian.

Hindi nga niya alam na magkasintahan pala ang dalawa dahil wala namang binanggit si Brian at wala ring balitang kumakalat sa Colegio Buenvido. Basta nagulat nalang ang iba na magkarelasyon na pala ang dalawa. Masaya naman siya para sa kababata.

Nagpaalam na si Brian sa kanya dahil kanina pa ito pinipilit ni Clarice na ihatid sa classroom nito. Maya maya pa ay pumasok ang tatlo niyang kaklaseng babae na tumitili at mukhang kilig na kilig.

"Ang gwapo niya! Oh my God! Nakita niyo ba kung paano siya ngumiti kanina? Parang nahulog ang puso ko!" Nawindang siya sa sinabi nito. Sino bang tinutukoy ng mga kaklase niya?

"Oo nga! Ang gwapo talaga. Anong pangalan niya?"

"Alastair Britt! Yung may ari ng malaking rancho dito. Ang yaman na, ang gwapo pa!" At tumili na naman ang mga ito sa sobrang kilig. Siya naman ay napanganga. Ganun kalakas ang karisma ng damuho? Oo nga at gwapo ito, inaamin niya.

Hanggang dito sa probinsiya ay sikat na sikat talaga ang mokong, hindi lang dahil sa apelyido kundi dahil sa sobrang kagwapuhang taglay. Hindi niya lubos maisip, magiging sikat na talaga ito dito at mas marami ang hahanga. Ngayon pa lang ay parang nagseselos siya sa mga babaeng lumalapit dito. Bagay na hindi niya maintindihan.


-lj


To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon