Chapter 17

19 3 0
                                    

Nitong mga nakaraang araw lang ay napapansin ni Arianne na parang napapadalas ang pagsama sa kanya ni Alastair. At hindi lang yun, halos hindi yata nito nakakalimutan na asarin siya. Gaya nalang ngayon.

"Ano ba?! Wag kang makulit. Pupunta ako sa taniman ng mga pinya kaya hindi ako pwede ngayon." Singhal niya dito.

"Magpapaalam nga ako kay Uncle eh! Bakit hindi pwede?!" Sigaw din nito.

"Bakit hindi ka sa iba magpaturo! Iniistorbo mo pa ako marami namang katiwala ang nandito sa mansyon. Sa kanila ka magpaturo." Sagot niya.

"Ikaw ang gusto kong magturo sa akin eh. Saka di ba ikaw ang nautusan ni Uncle na magbantay sa akin?" Nakataas na ang isang kilay nito. Pinanlisikan niya ito ng mata. Siraulo talaga 'to. Kung bakit naman kasi siya pumayag sa utos ni Don Andrew sa kanya. Para tuloy siyang nag aalaga ng bata. Isang makulit at pasaway na batang damulag.

Kung nagtataka kayo kung ano ang pinag aawayan nila, nakita kasi ni Alastair si Arianne na hinahanda ang kabayong si Gemini. Balak kasi nitong pumunta sa taniman ng pinya at bumisita sa mga magsasaka doon. Gusto na rin niyang malaman kung maayos ba ang lagay ng mga pananim. Kaya lang nang makita ni Alastair si Arianne ay bigla na naman itong nangulit na turuan siyang mangabayo sa kadahilanang bored na bored na naman ito sa mansyon.

"So?" Tanong nito saka nameywang. Mula sa gilid ng kanyang mata ay may nakita siyang dumaan. Mabilis pa sa alas kwatrong tinawag niya ito kahit pa inis na inis siya dito.

"Jezel!" Lumingon naman ito sa pwesto nila. Nang makita nito si Alastair ay madali itong lumapit sa kanila. Ganoon pa rin ang suot nito. Spaghetti strap na fitted sando at shorts na litaw na litaw ang hita.

"Bakit?" Tanong nito sa mahinhing tono kahit hindi naman talaga ito ganoon. Inipit pa nito ang takas na buhok sa likod ng tenga pagkatapos ay bumaling kay Alastair.

"Etong Señorito mo kasi, mukhang bored na bored. Baka gusto mong samahan?" Tanong niya dito. Kumislap naman ang mata nito saka mabilis na yumakap sa braso ni Alastair. Tumaas ang isang kilay niya.

"Sige ba! Anong gusto mong gawin natin ngayon, Alastair? Hmmm?" Malambing nitong tanong. Si Alastair naman ay napakamot nalang ng ulo pagkatapos ay unti unti binaklas ang kamay nitong nakakapit sa braso.

"Turuan mo siyang mangabayo, Jezel. Gusto daw niyang matuto kaya ikaw ang magturo sa kanya." Pang aasar niya. Nanlaki naman ang mata nito.

"Ha? Ayoko nga!" Angal naman nito.

"Ayaw mo? Ayaw mo rin makasama ang Señorito?" Nakapameywang na tanong niya. Si Alastair naman ay nakasimangot sa kanya.

"Baka madumihan pa ako. Saka hindi ako marunong sumakay nang kabayo!" Sagot nito.

"Wait, wait. Bakit sa kanya mo ako pasasamahin?" Sabat ni Alastair sa kanila.

"Sabi mo gusto mong matuto diba? Busy ako kaya kay Jezel ka sumama." Paliwanag nalang niya. Mukhang di naman yata nito nagustuhan ang ideya niya.

"Tss. Kung ayaw mo akong samahan  e di wag na. Hindi yung itutulak mo ako sa iba." Nagtatampong sabi nito.

"Hindi nga kasi pwede ngayon, Alastair. Inutusan ako ni papa kaya kailangan kong gawin yon." Nagliwanag naman ang mukha nito.

"Kung ganun, kapag sinabi ko sa papa mo na sa iba nalang iutos yan, pwede mo na akong turuan." Sagot nito habang nakangisi. Hindi niya gusto ang naiisip nito. Siguradong mabilis na papayag ang papa niya lalo na at si Alastair ang nakiusap. Biglang tumalikod ito at mabilis na pumasok sa mansyon. Naiwan silang dalawa ni Jezel sa labas.

"Sabihin mo nga sa akin, may something ba sa inyo?" Malditang tanong nito.

"Anong something ang pinagsasabi mo diyan?" Inosenteng sagot niya.

"Bakit ganoon nalang ang pilit niyang samahan mo siya? May ginawa ka ba sa kanya kaya close na close na kayo?" Nanliit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Malay ko. Bakit hindi si Señorito ang tanungin mo? Saka girlfriend ka ba niya?"

"Akin si Alastair, Arianne. Alam mo naman siguro na may nangyari sa amin di ba?" Ngumisi ito. Nagkibit balikat naman siya.

"Wala akong pakialam kung anong mayroon sa inyong dalawa. Saka ano naman kung may nangyari sa inyo? Hindi ibig sabihin nun eh girlfriend ka na niya. Ang dami kaya niyang kasamang babae sa eskwelahan. So malamang hindi lang ikaw ang alam mo na.." Pang aasar niya dito.

Naiinis siya sa babaeng ito. Kailangan pa talagang ipagmamayabang kung ano ang meron sa kanila ni Alastair. Mabuti sana kung ito lang ang kasamang babae ng mokong na yun, kaya lang ang dami kaya! Aaminin niyang madalas talaga niyang makita itong may kasamang iba't ibang babae sa eskwelahan maliban sa grupo nila Georgina. At talaga namang nakakainis yun pero hindi niya alam kung bakit siya naiinis. Isang beses pa nga ay may narinig siyang may nakakita daw kay Alastair na nakikipaghalikan doon sa may library. Ang tindi talaga ng mokong.

Umusok naman ang ilong ni Jezel sa inis. Pinanlisikan lang siya ng mata at saka tumalikod para layasan siya. Napabuntong hininga nalang siya. Ganito ba talaga ka habulin nang babae si Alastair? Minsan nga naiisip niya kung bakit pa siya pumayag sa alok nitong pagkakaibigan. Madalas tuloy kapag magkasama sila nakikita niya rin ang mga matang kuryoso sa kanila. Pero may isang bahagi sa kanya ang natutuwa. Sa ginawa nito, parang "naabot" na rin niya si Alastair. Masyadong matayog ito para sa kanya. Kaya hindi niya inaasahan ang nangyari.

"Ian! Ok na daw. Payag na ang papa mo na samahan mo ako." Biglang sabi ni Alastair. Hindi niya napansin na nasa gilid na niya ito.

"Ano namang sinabi mo sa kanya? Baka mamaya sabihin ni Don Andrew ay nagpapalusot pa ako sa inutos sa akin." Masungit niyang tanong at humalukipkip.

"Of course not. Ang sinabi ko magpapaturo ako sa iyo na mangabayo kasi sabi mo na hindi ka papayag na sumama ako sayo sa pamamasyal kapag hindi ako marunong sumakay sa kabayo." Ngisi pa nito. Pinamulahan na naman siya.

"Sira ka! Ano nalang iisipin nila papa sa akin dahil sa sinabi mo! Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo!" Singhal niya. Tumawa naman ito pagkatapos ay umakbay sa kanya. Lagi nalang nitong ginagawa yun na parang natural lang sa kanila.

"Don't worry. Ako naman ang kasama mo. Pumayag naman sila eh. Kaya walang dapat ipag alala." Pagmamayabang pa nito.

"Dapat lang. Kapag nagkataon ipapasipa kita kay Gemini." Bulong niya. Nasa kwadra na uli sila ngayon kung saan nandoon si Gemini.

"Anong sabi mo?" Tanong nito.

"Wala. Ang mabuti pa sakyan mo na si Gemini." Sagot nalang niya.

"Gemini? This horse's name is Gemini?" Hinimas nito ang kabayo niya.

"Oo. Kabayo ko siya."

"And she's gentle. Wow. A gentle horse with a fierce master." Parang amaze na amaze ang mokong.

"Tumahimik ka nalang diyan kung ayaw mo ipasipa kita sa kanya." Asar na sabi niya. Kung anu ano pa talaga ang kinokomento nito.

"Grabe ka naman. Mabuti pa 'tong kabayo mo mabait. Ikaw kasi lagi nalang mainit ulo. Dapat gumaya ka sa kabayo mo, mabait saka mahinhin." Pang aasar din nito sa kanya. Wala na. Gusto na talaga niyang sumabog sa inis dahil sa lalaking nasa harapan niya. Umirap nalang siya at kinalma ang sarili bago pa niya ipakaladkad ito sa kabayo.


-lj







To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon