Chapter 22

4 2 0
                                    

Nangunot ang noo ni Arianne nang makita niya ang nanunuring mga mata ni Angela na nakatingin sa kanya. Parang binabasa nito kung ano ang nasa isip niya. Napakaseryoso pa ng mukha nito.

"Sandali nga, Angela. May gusto ka bang sabihin?" Tanong niya dito dahil naiilang na siya sa klase ng tingin nito sa kanya.

"Hmm. Sagutin mo nga ako, Arianne. Anong meron sa inyo ni Señorito Alastair?" Seryoso nitong tanong. Nagulat siya sa biglaang tanong nito sa kanya.

"Ha? Bakit nasali si Alastair dito?"

"Sagutin mo na nga lang ako! Akala mo hindi ko napapansin na lagi kayong magkasama? Bakit di mo man lang sinabi sa akin?" Tila nagtatampong turan nito.

"Ano namang sasabihin ko sa iyo? Madalas naman talaga kaming magkasama kahit doon sa mansyon ah." Sagot niya. Hindi pa rin nawawala ang mga mata nitong nanunuri.

"Hindi yun! May iba eh!" Pilit pa nito.

"Anong iba ba yang sinasabi mo?" Kahit siya ay nalilito na rin.

"Para kasing may kakaiba na sa inyo. Yung tipong may namamagitan na." Ngayon naman ay ngumisi na ito. Siya naman ay medyo namula sa sinabi ng kaibigan.

"Walang namamagitan sa amin! Ano bang pinagsasabi mo diyan, Angela?" Madiing sagot niya dito. Ayaw niyang mag isip nang kung ano. Kaibigan lang ang tingin nito sa kanya at hindi na hihigit pa doon. Alam niyang hindi siya magugustuhan ni Alastair dahil iba siya sa mga babaeng tipo nito. Kaya napakaimposibleng mangyari ng iniisip ni Angela.

"Wala pa ba? Grabe. Parang hindi na nga kayo mapaghiwalay eh." Pang aasar nito sa kanya.

"Lagi nga kaming nag aaway kapag magkasama! Tapos sasabihin mo na may something sa amin?" Depensa niya. Pero ang kaibigan niya ayaw pa ring tumigil sa kakaasar sa kanya.

"Parang LQ lang di ba? Isipin mo parang ganun lang yun." At tumawa pa ito. Siya naman ay mas lalong namula sa kalokohan ng kaibigan. Wala pa rin itong tigil sa pagtawa at nahihiya na siya dahil nasa gilid sila ng field. May mga estudyante na panaka nakang dumadaan sa pwesto nila. 

"Hinaan mo nga yang boses mo. Baka may makarinig at tigilan mo na rin yang sinasabi mo dahil imposibleng mangyari yun!" Sita niya sa kaibigan. Umirap naman ito.

"Sus. Kahit naman crush ko si Señorito, ok lang naman na kayo ang magkatuluyan. Handa akong ipaubaya siya sayo." Ngising sagot ni Angela sa kanya. Sumimangot siya.

"Kahit wag na. Saka ano bang ginagawa mo dito sa eskwelahan? Wala naman masyadong klase dahil busy na ang lahat para sa Intrams. May sinalihan ka ba?" Nagtatakang tanong niya.

"Busy ang classmate ko para sa booth namin. Pumunta ako dito para tumulong kaya lang wala pa sila. Nakakatamad kayang maghintay." Reklamo nito.

"Anong booth ba ang gagawin niyo?"

"Magtitinda kami ng meryenda. Part din kasi ito ng project namin sa Marketing. Ikaw? Sa Volleyball ka lang ba sasali?"

"Oo. Kasali ako sa maglalaro para sa team ng business ad." Gusto din sana niyang sumali sa ibang activities pero hindi na kaya ng schedule niya. Kung sasali pa kasi siya sa iba, kailangan niyang magparticipate doon kaya baka magconflict sa practice niya sa volleyball.

"Narinig ko na kasali si Señorito sa basketball team natin." Humagikgik ito. Yun din ang narinig niya sa mga classmates niyang tsismosa. Madalas kasi niyang narinig ang mga kwentuhan ng mga ito tungkol sa mga gwapong myembro ng basketball team.

"Oo. Kasali siya." Sagot niya.

" Naaalala mo pa ba yung nakita natin nung try out nila? Ang galing niya dun. Aminin mo, nalaglag din ang panty mo di ba?" Walang hiya na sabi nito pagkatapos ay ngumisi. Uminit ang pisngi niya sa pinagsasabi nito sa kanya. Mahina niya itong hinampas sa balikat.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon