Chapter 15

33 3 0
                                    

Pinagmasdan lang ni Alastair na umalis si Ian. Hanggang ngayon ay tuwang tuwa pa rin siya sa reaksyon nito. Ilang araw na rin niya itong inaasar  dahil gustong gusto niyang nakikita ang namumula nitong pisngi lalo na kapag napipikon.

Bumalik na siya sa classroom. Wala na doon si Brian at yung syota nito. Kanina kasi ay nakasalubong niya ito at mukhang may hinahanap. At dahil likas siyang maginoo, ay tinanong niya kung sino ang hinahanap nito. Hindi niya inaasahan ang nalaman kanina. Nagkaroon tuloy siya ng isa pang ideya kung paano makaganti kay Brian.

-Flashback-

"Miss, may hinahanap ka ba sa mga classmates ko?" Papasok na dapat siya sa pinto kaya lang ay nakaharang ito.

"Hinahanap ko kasi yung boyfriend ko. Baka nandito siya eh. " Sagot nito at nagpalinga linga.

"Don't you know his class sched? Boyfriend mo pero hindi mo alam?" Tama ba yung sinabi niya? Di ba kapag may relasyon kayo, convenient kung alam niyo kung ano ang schedule ng isa't isa?

"Uhm.. N-no. Hindi ko pa kasi siya tinatanong." Sabi nito pero parang hindi mapakali.

"Oh. Wala ba siya sa loob? Anong pangalan ng boyfriend mo? Baka may nakakakilala sa mga kaklase ko."

"Brian. Brian Lim ang pangalan ng boyfriend ko." Nanlaki ang mga mata niya. Pagkakataon nga naman. Napangisi siya.

"Anong pangalan mo?"

"Clarice." Matipid nitong sagot.

"Hmmm, Si Brian pala ang syota mo? Matagal na ba kayo?"

"Bakit mo naman tinatanong?" Naningkit ang mga mata nito.

"Hey, I just wanna know. Sa ganda mong yan, siguradong marami ang mga nanliligaw sa'yo." Pambobola niya pa. Namula naman ito at nilagay ang takas na buhok sa likod ng tenga.

Mga babae talaga,  konting pambobola lang pero ang bilis kiligin. Kaya nga nagtataka siya kung bakit parang manhid yung si Ian. Hindi tinatablan ng mga pambobola niya. Sabagay, kilos lalaki naman yun kaya exempted. Napangisi siya.

Nakita niya sa gilid niyang paparating si Ian. At hindi lang yun, kasama pa nito yung gagong Brian. Tsk tsk. Tignan mo nga naman. Nandito ang girlfriend pero iba ang kasama. Pero habang nag uusap ang dalawa, saka niya napagtanto na mukhang may LQ ito. Nice. Sumasangayon sa kanya ang pagkakataon.

-End of flashback-

Nagenjoy siya sa nasaksihan kanina. Ang plano lang talaga niya ay sumali sa basketball team, para mas mapalapit kay Ian. Dahil nasa pareho silang sports club, magkikita pa rin sila. Kapag ganoon, mawawalan na ito ng oras para makasama si Brian. It's like hitting two birds with one stone. First, dahil aagawin niya ang atensyon na ibibigay dapat ni Ian kay Brian. Paniguradong magseselos yun sa kanya. Second, kapag lagi silang magkasama ni Ian, lagi din itong maiinis kaya makikita niya ang kamatis nitong mukha. Nakakatuwa talaga ang itsura nito.

Pero kanina, mukhang nakaganti na naman siya. Kitang kita sa mukha nito ang inis nang makitang magkasama kami ng girlfriend nito. Hindi naman parte ng plano yun, sadyang mabait lang ang tadhana.


"Ian, sabay na tayo. Tapos na ang club meeting ngayon di ba? Kaya pwede na tayong makauwi nang maaga." Anyaya niya kay Ian pagkatapos ng huling klase nila.

"Oo na. Kailangan ko ring umuwi nang maaga dahil may ireresearch pa akong project." Nagsabay na silang naglakad. Paminsan minsan ay may mga bumabati ka kanya. Wala siyang pakialam pero natutuwa siya dahil napapaismid ang kasama niya. Nakakatuwang makita na nafufrustate ito dahil sa kanya. Feeling niya nakakaganti na rin siya sa mga pagmamaldita nito sa kanya noon.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon