Chapter 18

27 3 1
                                    

"Faster Hunter! Iwan natin si Ian!" Sigaw ni Alastair sa kabayo nitong si Hunter. Mukhang narinig naman ito ni Hunter at mas binilisan ang takbo. Tuwang tuwa si Alastair habang mahigpit ang hawak sa renda ng kabayo.

"Let's go, Gemini. Ipakita natin sa kanila kung sino ang mas magaling!" Yumuko siya nang konti pagkatapos ay hinimas  ang gilid ng mukha ni Gemini. At mukhang nakuha nito ang sinabi niya kaya mas lalong bumilis ang takbo nila.

Naabutan na niya sila Alastair at mukhang gulat na gulat ito. Naungusan na rin niya ito at ilang sandali pa ay nasa dulo na sila ng taniman ng mais at malapit sa paanan ng burol. Bumaba na siya sa kabayo at hinintay ang pagdating ni Alastair. Nakasimangot ito sa kanya nang nakababa mula sa kabayo.

"Paano ba yan? Naunahan kita kaya mas magaling pa rin ako." Ngisi niya kay Alastair.

"Syempre ngayon ko palang natutunang mangabayo. Just wait at sigurado akong matatalo din kita!" Napailing nalang siya pero may ngiti pa rin sa labi. Nagenjoy siya kanina sa karera nila.

"Hindi mangyayari yon." Pang aasar niya.

"Edi magsasanay pa kami ni Hunter!" Sabi nito sabay himas sa kabayo. Kanina kasing umaga pagkatapos nitong matuto kay Gemini ay nagpasya ito na sumakay sa kabayo ng mag isa kaya pinahiram ni Don Andrew si Hunter dito. Mukha namang naging kampante agad ito sa bagong kabayo at ngayon nga ay close na ang mga ito.

"Kailangan na nating bumalik. Hapon na at baka hinahanap na rin tayo sa mansyon. " Sabi niya.

"Ha? Mamaya na. Nag eenjoy pa ako eh!" Ungot nito.

"Hindi pwede, Alastair. Malapit nang magdilim, baka maabutan pa tayo dito. Wala pa naman akong dalang ilaw. Siguradong maliligaw tayo!"

"Kung gusto mo mauna ka na. Dito muna ako." Sabi pa nito.

"Nagbibiro ka ba? Papagalitan nila ako kapag hindi kita kasama!" Reklamo niya.

"Edi samahan mo ako!"



"Ang kulit mo kasi eh! Yan tuloy naligaw na tayo!" Singhal niya kay Alastair.

"Tss. Sinabi ko sayong mauna ka na kanina. Saka bakit mo sa akin sinisisi? Akala mo naman hindi ka nagenjoy kanina sa race natin? Ikaw pa nga itong nag aya uli!"

"Tse! Wala nang tayong magagawa. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar kapag walang ilaw." Irap niya dito kahit alam niyang hindi naman nito makikita.

Dahil nga ayaw pang umalis ni Alastair kanina, napilitan siyang samahan ito. Umungot pa ito na magkarera uli sila kaya pumayag siya. At dahil natuwa siya sa feeling ng sobrang bilis na pagpapatakbo ay nag aya uli siya at ang mokong ay hindi rin naman tumanggi. Saka lang nila napansin na papadilim na at naabutan nga sila kaya ngayon ay nahihirapan siyang makita ang daanan. Nasa paanan kasi sila ng burol. Dulo na ito ng rancho. Kabisado naman niya ang lugar, yung mga lang ay nahihirapan siya kapag madilim na. Walang poste ng ilaw sa taniman.

"Wait. Di ba dito tayo dumaan kanina?" Tanong ni Alastair.

"Paano naman nasabi? Kanina pang puro mais ang nakikita natin kaya wag mo akong lokohin."

"Aren't they gonna search for us?"

"Naghahanap na yun. Pero walang may alam na nandito tayo sa dulo kaya paniguradong matatagalan pa bago nila tayo makita. " Sagot nalang niya.

"Pagod na ako. Kanina pa tayo nakasakay sa kabayo. Pwedeng magpahinga muna? Nangangalay na ako." Reklamo nito.

"Kanina lang halos hindi kayo mapaghiwalay ng kabayo mo tapos nagrereklamo ka ngayon?"

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon